Ang Kapangyarihan Na Nakapaloob Sa Laway

Nakakadiri ka! ‘Yan ang kalimitan nating sinasabi kapag nakakita tayo ng taong tumutulo ang laway kapag natutulog o nagsasalita. Ngunit, minsan ba ay naisip ninyo kung gaano kahalaga ang ating laway? Kung wala tayong laway, sigurado akong madaling matutuyo ang lalamunan mo na magiging dahilan ng iyong pagkakasakit at  paghantong sa kamatayan. Siguro naman ay alam na alam mong kailangan ng katawan natin ng tubig kaya nga maaari tayong mabuhay ng walang pagkain pero dapat ay mayroon ding tubig.

Saka alam mo bang ang laway natin ay may taglay na kapangyarihan, kaya ito ay huwag na huwag mo itong babalewalain. Sa katunayan nga ay maaari kang mapahamak o maisalba sa pamamagitan ng laway. Kung papaano, naririto ang ilang dahilan kaya nagawa ko ang titulong Ang Kapangyarihan Na Nakapaloob Sa  Laway

Una, nakapagpagaling. Kung minsan kasi ay hindi natin alam kung bakit ang sama-sama ng ating pakiramdam gayung wala ka namang sakit.  Ang dahilan kasi nito ay maaaring nausog ka kaya panay ang suka at pagdumi mo na sinasabayan ng matinding pananakit ng tiyan. At ang makapagpapagaling lang sa’yo ay ang laway ng nakausog sa’yo.

Pangalawa, nakakapagpaibig. Kapag nilagyan mo ng laway ang iniinom ng taong gustung-gusto mo at iyong dinasalan, pupuwede siyang magayuma.  Maaari nga siyang mapaibig sa isang tao pero kapag ginawa mo iyon ay kailangang maging handa ka rin kapag nawalan na ‘yan ng bisa.

Pangatlo, nakamamatay. Sa panahon ngayon ay swak na swak ‘yan dahil sa laway na titilamsik sa’yo ay puwede kang makapagbigay ng virus na maaari niyang ikamatay. Kapag din ang taong nakausog sa’yo o sa kapamilya mo ay hindi ka nalawayan, pupuwede niya iyong ikamatay.

O, hindi ba sapat na ito para sabihin nating na makapangyarihan ang ating laway?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here