Ang kapalit ng tulong

Sa panahon ngayon ay di na uso ang libre, maliban na lamang kung marami kang pera at may kakayahan ka talagang manlibre. Kaya nga lang, ang mga tao naman na nalilibre palagi ay umaabuso. Lagi na lamang silang dumidepende sa mga taong nakakatulong sa kanila at di dapat ganu’n. Kailangan din nilang matuto.

 Halimbawa na lamang na nakakita ka palagi ng batang walang makain. Kung pirmi mo siyang bibigyan ng pagkain, di siya matututo na magbanat ng buto. Palagi ka na lang niyang hihintayin para maibigay mo ang kanyang pangangailangan. Kahit naman may kakayahan kang ibigay sa bata ang kanyang kailangan, makabubuti pa rin pagtatrabahuhan niya iyon.

 Dapat lang na habang maaga pa ay mamulat na siyang di siya makakakain kundi siya magtatrabaho. Kung buhay naman ang kanyang mga magulang, dapat lamang na sila ang kumilos para mabigay ang pangangailangan ng kanilang anak. Iyon nga lang, parang ang hirap ding tiisin kapag nakikita mong may batang sobrang nagugutom dahil sa walang kakayahan ang kanyang mga magulang na pakainin siya.

 Ito ang kalimitang sitwasyon ng mga batang pulubi. Kaya naman umaasa na lang sila sa limos pero di dapat ganu’n ang kanilang kapalaran. Dapat ay nag aaral sila para magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Kaya, kung di naman kaya ng magulang na mag anak, dapat lang na di sila magkaroon ng anak. Iyon nga lang kapag nakabuo na sila, wala na silang magagawa kundi ituloy ang pagkakaroon nila ng anak.

1 COMMENT

  1. Bilang Foreign na asawa ng isang Pilipina talagang sumasang-ayon ako. Masyadong marami ang mga Pilipino na may sense of entitlement at umaasa sa tulong ng iba at ito ay kadalasang nangyayari dahil mula sa pagkabata tinuturuan silang umasa sa iba sa halip na linangin ang sense of personal na pananagutan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here