ANG KAPALARAN NG MGA IPINANGANAK SA ZODIAC SIGN NA VIRGO PARA SA 2018

0
7057
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito,  napakaraming  nag-aabang na mga aktibidad na  magbibigay sa mga nasa Virgo ng oportunidad para lalo pang umasenso. 

Ang ilan sa mga ito ay ang muling pagsisimula ng naantalang proyekto dahil sa nagdaan ay naiba ang  kanilang prayoridad. Ang marami sa mga ito ay ang sisimulan pa lang dahil sa biglaang pagkakaroon nila ng sapat na lakas ng loob at tapang na sugurin ang mga pakikipagsapalaran sa langaran ng pagpapayaman. 

Ang mga biglaang pagbabago ay mararanasan din ng mga nasa Virgo.  Itutugma mismo ng kanilang kapalaran sa bawat kilos at pag-iisip nila ang isang  matinding layunin na mapabilang sa hanay ng mayayaman. 

CAREER– Para sa namamasukan, ang taong 2018 ay kakitaan ng pagkakaroon ng tiwala ng mga nakakataas dahil sa ipamamalas na nakakagulat na katangian ng mga nasa Virgo. Kaya sila  sa mabilisang salita ay mahihiwalay sa hanay ng mga pangkaraniwan dahil sa angat na angat ang kanilang personalidad. 

Sa taong ding ito, ang mga nasa Virgo na may sarili mga negosyo ay hindi lamang hahangaan sa galing  sa pagpapaunlad ng hanap-buhay kundi sa mga bagong pormula kung paano reresolbahin ang mga problemang kinakaharap ng  mga negosyante. 

LOVELIFE  – Matutuklasan ng mga nasa Virgo na kapag pala maganda ang  hanap-buhay ay gumaganda rin ang lovelife. Ang katotohanang ito ay  kanilang  tatandaan sa mahabang panahon kaya  ang pagpupursigi na umunlad pa ay kumukuha ng inspirasyon sa “Mas masaya ang  relasyon , mas masaya ang kapalaran.” 

May mga pagkakataon na ilan sa mga nasa Virgo ay makakaranas na akala nila  ay problema sa lovelife pero ang totoong ang mismong kapalaran nila ang may gusto na sila ay mahiwalay sa  mga  mababaw lang naman ang pagmamahal sa kanila. 

HEALTH– Lahat ay nagsasabing  maganda ang masipag at ang iba ay nagsasabing maganda rin ang sobrang masipag dahil mabilis uunlad. Dito sa huli, nagbababala sa mga Virgo na ang sobrang kasipagan ay pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng mahirap at mabigat na karamdaman. 

Kaya ang  mga nasa Virgo na hindi makokontrol ang sobrang  kasipagan ay pinapayuhan na kumain ng masusustansyang pagkain at inumin.  Sila rin ay pinapayuhan na  kahit  ilang sandali ay dapat na magkaroon ng ehersisyo na mas maganda ay sa umaga pero pwede rin sa kahit anong time na libre sila. 

DAGDAG KAALAMAN – Sa month of January and  early  February, magsisipasok na sa kanilang isipan ang naggandahan pero kakaibang  pormula ng success. Sa March hanggang sa  July, makikitang  nagsisimula na nilang anihin ang  matamis na bunga ng mga nasabing kakaibang pormula sa pagpapaunlad ng kinikita.

Sa  huling bahagi ng July hanggang sa August, maaapektuhan ang kanilang kabuhayan ng labis na tiwala sa sarili na nag-uugat sa pakiramdam nila nasila ay kakaiba at mas magaling sa mga kakompitensya. 

Magkaganunman, sa natitirang mga araw ng taong  2018 ,  makikitang dahil sa kanilang  isip na walang tigil sa paggiling, makikita nilang isa –isa ang mga pagkakamali kaya ang mga ito ay kanilang itutuwid na sa kabuuan ang 2018 ay matatala sa kanilang  Aklat ng Kapalaran ang isang very fruitful na taon para sa kanila.

                                       @@@@@@

 

Sayo Nasarita,

       This 2018, makikitang  ang  iyong  pamilya o ang iyong buhay ay papaunlad.Dahil dito, kailangang maunawaan mo na ang kaunlaran ay nagbabalita ng kasikatan at ang maunlad na buhay ay humihila rin ng mga lantad at lihim na kaaway  dahil sa mga naiinggit.

 

       At ang isa mo pang dapat na malaman,  huwag mong  tutukan ang mga problema sa buhay pamilya na sa totoo lang din ay masasabing hindi naman nawawala sa buhay ang mga ito kumbaga, kung  susuriin mong mabuti ang mga ito ay pangkaraniwan lang naman sa pamilyang  Pinoy.

 

     Dahil din, hahabaan mo ang iyong pang-unawa,lawakan ang isip mo  at isabuhay mo ang payo na ang magandang pamilya  ay susi sa buhay na masagana.

                      

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here