Ang Kapalaran Ng Mga Ipinanganak Sa Zodiac Sign Na Taurus Para Sa Year 2018?

3
9445
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa year 2018, ang mga ipinanganak sa zodiac sign na Taurus ay makikitang  pinaghaharian ng  pagiging malaya at ligtas sa anumang malalaking suliranin kaya masasabi ang  year  2018 para sa kanilang ay “Taon ng Kapayapaan”.  Dahil dito ang sinumang magtangka na guluhin ang kanilang buhay ay mabibigo lamang.

Malaki ang maitutulong sa kanila ng mga  ipinanganak sa zodiac sign na Virgo at Capricorn dahil ang mga ito ay magsisilbing sandalan ng kanilang katatagan at seguridad.

CAREER– Makikitang nasa “peak” o mataas na  level ang kanilang career sa taong ito ng 2018. Ito ay sa dahilang  hindi sila maapektuhan ng mga kaguluhan at ng mga negatibong puwersa na sa marami ay sumisira sa kapalaran.

Bagama’t darami ang mga work load at mga obligasyon, ang lahat naman  itong ay para sa kanilang benepisyo. 

Pinag-iingat naman sila sa tila magandang pakikipagsosyuhan  dahil may babala na sila ay maiisahan o madadaya ng kanilang mga kasosyo.

Sa buong taon ,  paulit-ulit silang dadalawin ng mga suwerteng labis-labis nilang pasasalamatan dahil sa hindi nila akalaing sila pala’y ganu’n  na lang “kabuwenas.”

LOVELIFE Harmonious relations ang pangako ng taong 2018 para sa lahat ng nasa Taurus. Ang mga magugulo at masasakit sa ulong  dulot ng maling pakikipagrelasyon ay  hindi nila mararanasan.  Higit kailanman,  sa taong 2018 ay  ang katatagan sa lovelife ay mapapasakanila. Dahil dito, kikilos ang kanilang kapalaran ay ang mga maling tao sa kanilang buhay ay  aalisin ng sa ganun ay  matupad ang hula para sa kanila ngayon 2018 na sa larangan ng pagmamahalan ay ligtas sila sa mga  may pangit na katangian ,at pag-uugali.

HEALTH Sa kabuuan, mas maganda ang kanilang  kalusugan sa taong  2018. Makikitang higit kailanman, aware sila sa  epekto ng mga  pagkaing hindi nakakabuti sa tao. Mas mahaba rin ang mga oras ng kanilang tulog at pamamahinga kaya habang lumalakad ang mga araw sa taong 2018, mas lalo silang lumalakas at sumisigla.

Magkaganunman, pinag-iingat pa rin sila sa  mga selebrasyon at handaan at mga okasyong parang fiesta ang paligid ng sa ganu’n ay hindi sila matukso sa mga hindi magandang epekto ng pagsasaya.

DAGDAG KAALAMAN: Hindi sila dapat na maengganyo o maakit ng mga magagandang pangako ng mabilisan pagkita ng pera ng walang kahirap-hirap. Dahil ang taong  2018 para sa kanila ay taong na kailangang labanan ang tukso ng mabilisang pagpapayaman.

Ang planet na Jupiter ay nagbabala ng  pag-iiba ng work o linya ng hanap-buhay at negosyo. Ibig sabihin, hindi maganda para sa kanilang ang magpalit ng pinagkakakitaan. Mas maganda rin na umiwas  taong alam nilang inggit na inggit sa kanila. Dahil sa taong 2018, sila ay talagang kaiinggitan ng marami  dahil na rin sa kanilang magandang takbo ng kapalaran.

Sila rin ay pinapayuhan na  huwag basta-basta magpapautang, dahil  marami ang hindi makakabayad sa kanilang mga ipapautang.

Ang pagmamahal sa kapamilya at sa mga taong  nasa tabi nila ay  ikatutuwa  ng langit kaya sa ganito, sila ay mas lalong biyayaan at pagpapalain.

3 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here