Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Sagittarius para sa 2018

4
5750
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito,  ang mga astrological planet ay nakaporma na para bang ang anumang gusto ng mga isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ay bigyang kaganapan, dahil dito makikitang ang kanilang mga kahilingan ay natutupad. Kaya, ang kanila ring mga ambisyon at mga pangarap ay  madali nilang makakamit.

 

CAREER– Inaasahan na sa  taong ito ng  2018, tataas ang kanilang mga ranggo at posisyon. Para sa mga may sarili nilang hanapbuhay  o negosyo, ang taong 2018 ay  pag-angat ng kabuhayan ang ibinabandera . Hindi rin sila mabibigo kung palalawakin pa nila ang kanilang mga pinagkakakitaan.

 

LOVELIFE– Kailangan nilang  malaman ang isang katotohanan sa buhay ng maraming tao na habang  gumaganda ang  kapalaran ang mga tukso ay nagdadatingan. Kumbaga, ang bulaklak na mabango ang  umaakit sa maraming paru-paro.Ganundin ang bungang kahoy na matatamis ang bunga ay pinagkakaguluhan ng mga insekto. 

Dahil dito,  higit kailanman, ang mga nasa Sagittarius ay dapat na maging matibay at matatag ang kanilang mga nakamit na benipisyo ay hindi masayang o mauwi lang sa wala dahil sa mga tukso. 

HEALTH  Ang masaya, hindi tinatablan ng karamdaman. Ang totoo nga, gumagalit ang anumang sakit kapag ang tao ay  masayang nabubuhay. Sa ganitong katotohanan, mahirap dapuan ng anumang karamdaman ang mga nasa Sagittarius at kung hindi sinasadyang sila ay nagkasakit pa rin, simple lang ang payo at ito ay ang, “Magsaya ka at lalakas ka.” 

DAGDAG KAALAMAN–  Sa mga unang bahagi ng year  2018, mabilis na mararamdaman agad ng mga nasa Sagittarius ang pagganda ng kapaLaran. Sa panahon ng tag-araw, malalaking suwerte ang magsisidapo sa kanilang buhay. Kasing liwanag ng Haring Araw ang ganda ng kanilang buhay at  marami ang masisilaw na ang pagkasilaw ay ang papangarapin sila na maging na bahagi  ng kanilang buhay na sa simpleng salita, magpapasukan din sa kanilang kapalaran ang  mga tukso na kailangan nilang labanan. 

Sa kagitnaan ng taong 2018 , makakaranas  sila ng tila kawalang paggalaw ng Gulong ng Kapalaran. At marami ang mag-aakala na huminto ang  kanilang mga suwerte na ang iba sa nagsilapit sa kanila sa nagdaan ay magsisilayo dahil sa akala na sila ay hindi buwenas. 

Pero ang totoo, ang tila kawalang paggalaw ng kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Sagittariuis ay simpleng nagsasabi lang pala na kumukuha ng malakas na buwelo ang kanilang mga suwerte. 

At sa mga huling bahagi ng year  2018, ay muling gagana ang kanilang mga suwerte na ang isa pang katotohanan ay lalo silang masuwerte kaysa mga nakaraang  months ng year 2018. Mas malalaking kabuhayan, kita, yaman at kaunlaran  ang kanilang mararanasan. 

Ang ganitong  nakakamanghang ganda ng kapalaran ng mga nasa Sagittarius ay magpapatuloy sa susunod na year,2019. 

Ang numero unong payo para sa kanila ay nagsasabing  dapat na pahalagahan nila at ingatan at mahalin ang  mga biyayang kaloob sa kanila ng langit ng sa ganun sa huli ay wala silang pagsisihan at  panghinayangan.

4 COMMENTS

  1. D2 po ako ngyun SA Saudi,,tanong ko Lang po ano kapalaran ko D2 sa Saudi Arabia,,may mga anak na po ako,,,may ng ligaw po sa akin byudo,paki sagot nman po Sagittarius

  2. May nanliligaw saakin ngunit di rin nag tagal hindi na sya nag paramdam 2 weeks na po na wlang chat o tawag pero nung last na usap namin ok naman. Bakit po ganon?? sagot namn po plss, umaasa kasi ako na mag paparamdam sya lalo nat mag papasko na. Hanggang ngayon wla parin 🤔🙁 leo po ako. Ano po ba ang kapalaran ko ngayon papasok na ang taong 2019??

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here