Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Pisces para sa 2018

0
4880
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito,  ang mga ipinanganak sa zodiac sign na Pisces ay makakaranas ng tinatawag na “burning desires” na maabot ang kanilang mga pangarap gaano ang mga ito kahirap. Dahil dito, aalalayan sila mismo ng langit para hindi sila mabigo at malubos ang kanilang  kagalakan. 

Buong taon, ang  pagmamahal ng langit ay kanilang madarama. Hindi tulad sa nakaraan na  marami sa mga nasa Pisces ay nangangarap lang at hanggang pangarap lang.  

Makikitang abot–kamay na nila ang kanilang mga ambisyon sa buhay. 

CAREER: Makikitang  ang  kanilang career o hanapbuhay o pinagkakakitaan  ay  higit na magbibigay sa kanila ng mga  benipisyo at mga malalaking pakinabang. Kaya matatala sa kanilang Aklat Ng Kapalaran na ang year 2018 ay ang isa sa pinakamasuwerteng  taon nila. 

Ngayong 2018, magkakaroon din sila ng tinatawag na “dagdag-kita” na kung saan ay  kikita sila ng marami at malaki sa ibang linya na kanilang papasukin. 

Sa ganitong kagandang kapalaran,  sila ay pinag-iingat din naman na bilang paalala, dapat huwag na huwag nilang  kalilimutan  na , “Ang punong marami at matatamis ang mga bunga ay pinagnanasaan. Kaya mas mabuting mag-ingat sila sa sinumang  may masamang motibo na sila ay maisahan, madaya o mapagsamantalahan. 

LOVELIFE: Dito sa mundo, kapag maganda ang kabuhayan, gumaganda rin ang personalidad at ang mismong katawan. Kumikilos siya ng saya, ng kakaibang saya kumbaga, she /he, moves ang acts gracefully. Ganito mismo ang mararanasan ng mga nasa zodiac sign na Pisces. 

Ang tinatawag na”gumaya”, sa totoo lang, ay artificials powers lang,dahil sa nanghihiram ng kapangyarihan sa bagay na  tinatawag  na gayuma. Pero ang  para sa mga nasa Pisces ay ang  nakakaakit hanggang sa sobrang nakakaakit na personalidad at tulad ng nasabi na ang mismong katawan ay magsisiganda na ang ganda ay ang  nasabi ng nakaakit na kagandahan.

Dahil dito, ang kanilang mga  ex o dating karelasyon  ay  muling maaakit ng mga nasa Pisces. Sa biglang tingin, sobrang maganda ang ganitong kaganapan sa buhay nila kaya bilang paalala, ang kilala na nilang  hindi mabuting tao ay  huwag na nilang muling papasukin sa kanilang buhay. 

Mas maganda ang bago at mas okey ang kikilalanin muna ng  husto ang mga naaakit sa kanila ng hindi na nila muling maranasan ang magkaroon ng pangit na  lovelife. At ang mas maganda ay ang piliin na lang nila ay ang kung sino ang makakatulong sa kanila sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. 

HEALTH: Sa pangkalahatang kalagayan ng kanilang kalusugan sila ay nasa pinakamataas na antas ng hindi tatablan ng maseselang karamdaman. Ang totoo nga, para sa mga may sakit na mabibigat sila’y magsisigaling na ang  paggaling ay masasabing “mahimalang paggaling.”

Pero, ang mga pangkaraniwang nagiging sakit ng tao  ay mararanasan din nila,  muli ang kagalingan ay mapapasakanila sa mga karamdaman na halos imposibleng gumaling. 

DAGDAG-KAALAMAN: Buong taon, ngayong 2018, bawat segundo, bawat minuto, bawat araw, tag-araw man o tag-ulan makakaasa ang mga nasa Pisces na kikilos ang kanilang kapalaran sa kung saan ay  mapapasakanila ang  katuparan ng kanilang mga pangarap at malalaking ambisyon sa buhay.                      

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here