Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Libra para sa 2018

1
6986
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa  taong 2018, ang mga isinilang sa zodiac sign na Libra ay makakaranas ng  pagganda ng kapalaran  na mas maganda kaysa nagdaang mga panahon. Aangat ang kanilang kalagayan sa halos lahat ng aspeto ng kanilang buhay at maeengganyo sila na lalo pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad ng kabuhayan.

CAREER– Dahil sa pagganda ng  buhay, darami rin ang kanilang reponsibilidad na hahamon sa kanilang kakayahan at sila’y hindi mabibigo dahil na rin sa ang taong  2018 ay parang sinadya na matupad ang kanilang mga ambisyon sa buhay.

Sa taong din ito, marami ang magagandang  oportunidad na kanilang palalagpasin  dahil sa alam na nilang ang anumang sobra ay hindi na makakabuti. Ito ay sa dahilang ang mga mapipili nilang pagkaabalahan ay sapat na para masabing ang kanilang buhay ay papasulong na.

LOVELIFE– Sa taong ito mamumulat ang mga nasa Libra sa  pagkakaroon nila ng bagong pananaw sa kung ano ba ang tunay na kahulugan ng Love. Dahil dito ang mga relasyon nagpapahirap sa kanilang kalooban ay magwawakas.

Ito rin ay nagsasabing magigising sila sa katotohanan na ang love pala ay para lumigaya at hindi para mabuhay sa mga problema.

Kaya, ang mga bagong pag-ibig na may bagong pangako na maaayos ang kanilang sitwasyon ay ang mas pipiliin nila. Ang pakikipagbalikan ay pwede ring kanilang piliin kapag nakita nilang sa muling pagbuo ng nasirang relasyon ay may mga bagong umaga na  sasalubong sa kanila.

HEALTH–  Kakaibang lakas ang kanilang mararamdaman. Ang mga sakit o karamdaman ay kanilang  makakaya na parang mga mahimalang kusang mawawala.Na ang tunay na dahilan ay nagsasabing kapag masaya ay hindi tatablan ng anumang  karamdaman at ang saya rin ay magsisilbing malakas na pwersa para sila’y magsigaling kahit pa ang kanilang mga sakit ay  masasabing imposibleng malunasan.

DAGDAG- KAALAMAN- Sa unang bahagi ng taong ito, agad na magsisipasok sa kanilang kapalaran ang mga bagong pakikipagrelasyon na magbabago rin sa takbo ng kanilang buhay. Ito rin ay nagsasabing ang mga kasalukuyang relasyon ay magkakaroon din ng pagbabago patungo sa pagganda.

Sa kalagitaan ng taong ito, halos hindi na nila mabilang ang mga biyaya na kaloob sa kanila ng langit. Na nagsasabing  mabilis ang kanilang magiging pag-asenso.

Ang natitirang mga araw hanggang sa matapos ang taong 2018 ay  mas magiging maganda pa kaysa sa nakaraang mga buwan na nagdaan.

Kaya  walang ibang payo para sa kanila kundi ang magpasalamat sa nasa Itaas dahil ang totoo, hindi naman  talaga  sila mismo ang nagpaganda ng kanilang buhay kundi an mismong Dakilang Manlilikha.

                               @@@@@@@

Saiyo   Lady In Red ng Malabon City,

           Oo, ang kulay na pula mismo ay ang magbibigay ng mga suwerte para sayo sa taong ito.

       Hindi naman nangangahulugan na  laging pula ang kulay na isusuot mo, ibig sabihin, pwede rin ang ibang kulay pero need na may guhit o kaya tuldok ng kulay red. Ito rin ay nagsasabing  kahit hindi red ang damit mo, ang  ilang gamit mong personal ay dapat na red.

1 COMMENT

  1. Anu kaya ang kahulugan ng napanaginipan kung ahas sa halip na sya ay inaaway ng aso at natalo pa, ang ahas pagkatapos na iyon sya ay dinakma q at nilapirot ko sa aking mga kamay pagkatapos na iyon ay muli akong nagising at ng search sa goole at ng patuloy nalang akong ng basa kung talaga bang mayrong dalang swerting itong ahas.kaya muli akung ng tatanong sa inyo kung may katutuhanan ba ito ako ay kinikilalang sa pangalang devine sa hilip ng tulong nyo maraming salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here