Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa Zodiac Sign na Leo para sa 2018.

1
7296
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito, punung –puno  ng magagandang  bagay ang  kanilang kapalaran. Nasa unahan ng listahan ang pagkakaroon ng maraming materyal na bagay — pera, bahay, sasakyan at iba pang mga napapanahong kagamitan.

Dahil dito, lalong darami ang mga nagnanais na maging bahagi ng kanilang buhay. Sa biglang tingin, ito ay magandang pangyayari sa buhay nila pero idaragsa rin ang mga tukso sa kanilang  kapalaran.

CAREER– Makakaranas ang mga nasa Leo ng  galaw ng kapalaran na tulad ng mga alon sa dagat na walang tigil sa pagtaas at pagbaba magkaganunman ito ay magreresulta sa lalo pagganda ng hanap-buhay o  pinagkakakitaan.

Marami rin ang magtatangka na sila ay pabagsakin dahil  sila ay sobrang lihim na kaiinggitan, lalo mula sa mga taong nag-aakalang sila ay pinagdadamutan ng kapalaran dahil  ito mismo ang sanhi ng kanilang malalim at malaking inggit.

 

LOVELIFE– Mananatili malakas ang  puwersa ng kanilang pagmamahal sa tunay nilang  partner in life. Ito ay kahit pa sa hindi inaasahang dahilan ay nagkaroon sila ng ibang  karelasyon. Sa kabilang banda, hihigpitan sila ng kanilang mga partner-in-life dahil napakahirap na maitago na marami at kung sino-sino ang naghahangad na maging bahagi sila ng kanilang buhay.

Sa huli,  ang lahat ay maayos dahil na rin sa nasabi na sa unahan na malakas ang pwersa ng kanilang pagmamahal sa tunay nilang partner-in-life.

HEALTH – Sobrang pagkain ng matatamis ang kanilang kalaban. Ang sobrang pagpupuyat at sobra ring  pakikipagkaibigan ay makakasama sa kanilang kalusugan.  Ipinapayo na kung pwede ay maaga silang magising at kailangan ding madapuan  o matamaan sila ng sikat ng araw sa  umaga.Ito ang magsisilbing  susi upang manariwa ang kanilang lakas at ng gumanda ang  kalusugan.

DAGDAG KAALAMAN– Sa month of January,  ang paglalakbay sa malalayong lugar ay magaganap. Na magiging dahilan ng kanilang pangangarap na  magpunta at mamasyal pa sa mas maraming  mga magagandang lugar. Sa panahon ng  tag-araw, makikitang   lumalakas ang kanilang mga suwerte na  ang maraming  magagandang bagay mapupunta sa kanila. Sa kalahatian ng taong ,2018, hindi maiiwasan ang  pagkakaroon ng karamdaman ng dahil sa pananamlay at sobrang pagod sa mga nagdaang mga buwan. Sa mga huling bahagi ng taon, 2018, makikitang sila’y nagiging galante dahil sa alam na nila na marami silang nakamit na biyaya at pagpapala.

Ang payo para sa kanila ngayong 2018 ay nagsasabing piliin nilang mabuti ang kanilang mga pagkakatiwalaan  dahil  hindi maiiwasan na sila ay lihim na kainggitan.

                                 ******

 Sayo  Ms. Capricorn ,

            April, May, August , September at December ang iyong mga lucky months ngayon  2018. Ang mga petsang ika – 10, 13 ,17, 26 at 31 ay  magbibigay din sayo ng mga buwenas. 

Sayo  Super Boy  ng Tondo  Mla.,

          Sa taong ito ay magkakaroon ka ng bagong career kahit pa sa kasalukuyan ay maganda naman ang iyong kalagayan. Sa bagong career  ay lalong uunlad ang iyong buhay. Kaya wala ka rin namang  dapat pagsisihan. 

Sayo  Malditz ng  SM North ,

Muli kayong magkakabalikan ng ex-husband mo, sa ayaw mo man o sa gusto. Hindi ninyo maiiwasan ang muling pagbabalikan. Ang kapalaran na ninyo ang nagpasya na kayo ay muling magsama at hindi na maghihiwalay.

                      

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here