Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Gemini para Sa 2018

0
1864
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito, 2018, ang mga ipinanganak sa zodiac sign na Gemini ay  makararanas ng kakaibang suwerte sa buhay. Hindi mabilang na mga suwerte ang magsisidapo sa kanilang kapalaran.

At ang susi ng kanilang kaligayahan sa taong ito ay ang mga salitang “makipagpalaran”. Dahil ang “panalo” ay masasabing kanilang kakambal na hindi sila hihiwalayan anumang araw.

CAREER– Ang kumbinasyon ng kanilang  Ruling Planet na Mercury at ang   puwersa  ng Jupiter sa taong ito ay magbibigay sa kanila ng malalaking panalo sa  career o hanap-buhay ganundin sa negosyo. Dahil dito, mas maganda ang mas malakas ang loob kaysa sila ay maduduwag sa pagsugod sa mga hamon ng kanilang kapalaran.

Ang kahit munting  magandang oportunidad ay  mas maganda nilang pasukin dahil ang mga munting seeds ay ang pinagmulan ng malalaking puno ng halaman at ilagay nila sa kanilang ulo na an  bundok ay binubuo ng mumunting alikabok.

Makakaganda rin para sa kanila sa taong ito,  magnegosyo kasabay ng work o trabaho. Dahil sa taon ito rin, kapag sila ay abala hanggang sa sobrang abala , ang kanilang kapalaran  ay mas lalong gaganda.

LOVELIFE– Ang mga ipinanganak sa zodiac sign na Gemini ay makikinabang sa pakikipagrelasyon . Kaya ang payo ay mas maganda na may karelasyon kaysa sa wala. Sa taong ito ng maraming tuksong  lalagay sa kanilang harapan, magkaganunman, muli, sila ay makikinabang. Dahil dito, higit kailanman, ang taong 2018 ay sobrang makulay ang kanilang lovelife.

HEALTH– Dahil sa  walang katapusang pagsasaya sa taong ito,  pwedeng humina ang kanilang kalusugan at ang isa pang magpapahina sa kanila ay ang nakabibiglang dating ng malalaking panalo mula sa pakikipagsapalaran. Hindi nila dapat kaligtaan na kumain ng masusustansyang pagkain kahit  hindi masarap sa kanilang panlasa. Kaya, ang mas magandang isabuhay nila sa taong ito ng 2018 lalo na sa larangan ng kalusugan ay ang “Mas maagap ,mas maganda” ibig sabihin, ang mga paunang sintomas ng karamdaman ay mas magandang agad na malunasan.

DAGDAG KAALAMAN– Dahil nakakagulat ang biglaang pagdapo ng suwerte sa kanilang buhay, mas magandang  ilagay sa isipan na ang mga suwerte ay pinahahalagahan at iniingatan, kumbaga,  hindi dapat na sinasayang.

Ang isa pang sobrang magandang balita para sa kanila ay nagsasabing ang isang panalo ay magbubunga ng isa pang panalo at ang pananalo ay makikitang paulit-ilit na parang parada ng mga magandang dalaga.

Sa lahat ng mga araw sa taong 2018,ang mga suwerte ay aali-aligid sa kanila na anumang sandali ay papasok sa buhay nila.

Simple lang ang sikreto ng kanilang suwerte at ito ay nagsasabing “Magsuot ka ng  masaya at ang kapalaran mo ay tiyak na magiging masaya. Dahil dito , sila ay pinapayuhan na huwag ng masuot ng mga luma at kupas ng mga kasuotan at huwag rin gumamit ng mga lumang bagay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here