Ang kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Capricorn para sa 2018

0
3529
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito, 2018 , para sa mga isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang “Key Word” ay PAGLAGO. Kumbaga , there is GROWTH in every aspect of their lives.

CAREER: Sa paglago ng kapalaran ng  isang tao, ang career ang numero unong lumalago. Sa salitang “career” ibig sabihin ay kung ano ang kina-career. Hanap–buhay mo o larangan na pinili at ang career din ay  para rin sa negosyo na siyang kina-career ng taong ang gusto ay yumaman  o magkaroon ng maunlad na buhay.

Sa ganitong katotohanan, ang GROWTH  na  mararanasan ng mga nasa Capricorn ay nakatuon sa aspetong pagkabuhayan.

LOVELIFE: Sa taong ito, kikilos ang kapalaran ng mga nasa Capricorn na nagsasabing ang kaligayahan sa pakikipagrelasyon ay mapapasakanila. Ito rin ay  nagsasabing ang mga bagay o pangyayari na magbibigay sa kanilang ng kalungkutan ay  walang talab sa kanila.

Ang ganitong magandang kapalaran ay mangyayari dahil ang ligaya at ang paglago ay  magkatugma. Kumbaga, kapag walang ligaya , hindi lalago ang buhay ng isang tao. Ang totoo nga, kapag lonely ang isang tao aatras ang kanyang mga suwerte, sa halip, na  gumanda ang kanyang kapalaran ay papangit pa.

HEALTH: Dahil sa bilis na paglago ng magandang kapalaran ng mga nasa Capricorn, sila ay binabalaan na hindi dapat na malibang sa mga wala namang kwentang aktibidad na makakasira lang sa kanilang kalusugan.

Ibinabala ito dahil  sa totoong buhay, marami sa mga tao ang kapag maganda ang kapalaran ay sobrang nagsasaya na nakakalimot na ang kalusugan ay higit na mas mahalaga kaysa sa anumang yaman.

DAGDAG-KAALAMAN: Sa pagtatapos ng year 2017, nakitang  umayos ang mga buntala o mga astrological planets na nakahandang magbigay ng mga suwerte sa mga nasa Capricorn. Dahil dito,  walang tigil ang pagdating ng mga magagandang kapalaran sa buhay ng mga nasa Capricorn. Ang katotohanang din ito ay nagsasabing wala ring tigil ang mga astrological planets na alisin, harangan at pigilan ang mga nagbabantang pangit na kapalaran na gustong makialam sa buhay ng mga nasa Capricorn.

Kaya ang makakaranas ng masasaklap nakabiguan ang mga taong  lihim at lantad na naghahangad na pumangit ang kapalaran ng mga nasa Capricorn. Sa kabilang banda, ang mga taong  mababait, nagmamahal at nagmamalasakit sa mga nasa Capricorn ay makakabahagi ng magandang kapalaran na para sa mga nasa Capricorn na kaloob ng mga astrological planats.

Muli, ipinaalala na kapag ang buhay ay maganda , ang tao ay  pwedeng masobrahan sa pagsasaya at sa mga aktibidad na nagbibigay ng sarap sa kapwa. Dahil dito, kailangang maipaalala sa kanila na ang magandang kapalaran na kaloob ng langit ay hindi para lang sa kasalukuyang kundi kailangan sinupin at ingatan para sa kinabukasan.

Sa ganito ang paglago o growth ay  makikitang  hindi lamang sa masayang buhay kundi sa paglago rin o growth ng kaban ng yaman o ng pagdami ng pera sa bangko o sa kung saan ay inilalagay ang mga yaman.

SHARE
Previous articleHappy Birthday Marvin
Next articleHappy Valentine’s Mr. and Mrs. Magat
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here