Ang Kapalaran ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Cancer para sa 2018

0
5398
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Sa taong ito, maraming pagbabago ang  magaganap sa buhay ng mga ipinanganak sa zodiac sign na Cancer. At ang masuwerteng balita ay nagsasabing lahat ay magbabago para sa lalong ikakaganda ng kapalaran. 

Ang susi ng kanilang kaligayahan ay nasa mga salitang “Lakas lang naman ng loob ang tunay na nagbibigay ng tagumpay.” 

CAREER– Lalakas ang loob ng mga nasa Cancer upang subukang pumasok sa mga bagong pagkakakitaan kaya ang posibilidad na umalis sa kasalukuyang pinapasukan ay napakalaki.  

Magkaganunman, ang payo ay nagsasabing kung maayos ang  kalagayan sa pinapasukan ay  hindi muna papayuhan  na magresign pero kung nahihirapan, ang mabilis na payo ay  maghanap ng  bagong pagkakakitaan. 

Ang imbitasyon na makipagsosyo sa negosyo ay may malakas din hatak dahil dito, ang payo ay magtiwala lang sa mga tunay na kaibigan na ang mga tunay na kaibigan ay ang mga matagal ng kaibigan na very close na sa kanila. Dahil may danger na sila ay maloko ng mga  hindi naman talaga very close sa kanila. 

LOVELIFE– Ang taong ito, nangangako ng  kaligayahan sa larangan ng pagkikipagrelasyon. Dahil dito, ang mga relasyon  hindi naman maligaya ang mga nasa zodiac sign na Cancer ay pwedeng –pwedeng magwakas na. 

Sa taong din ito, ang likas na gayuma ng mga nasa Cancer ay nasa todong lakas na kung gagamitin nila ng maayos ay  hindi sila magsisisi. Napakalakas kasi ng kanilang gayuma na ang ibig sabihin, kahit walang karapatan ay maaakit sa kanila at ang kahit ang may may pananagutan na ay makikitang  matindi ang pagkakagusto sa kanila. 

HEALTH – Kakaibang sigla at lakas ang mapupunta sa’yo  sa taong ito. Na ramdam na ramdam mo ay wala kang hindi kaya na magagawa mo ang bawat  gusto mong gawin. Bagama’t ito ay totoo, pinag-iingat ka pa rin sa sobrang tiwala sa sarili kasabay ang payo na ang mas maganda ay ang huwag kang kumain ng mga pagkaing masama sa kalusugan. 

Ipinapayo rin na gawing regular ang pag-eehersisyo,  hindi  dahil sa  may mga banta ang pagkakasakit kundi kailangan ang ehersisyo para mapanatili ang lakas at kasiglahan. 

DAGDAG  KAALAMAN –  Sa unang bahagi ng taon, si Jupiter ay babalik sa  iyong kapalaran na ang kahulugan ay babalikan niya ang mga oportunidad na sa nagdaan ay iyong pinalagpas. Kaya ang  malaking tsansa na masimulan muna ang pagpapayaman ay nasa iyong kapalaran. 

Sa buong  taon,  ang impluwensya ng Ruling Planet na The Moon para sa Cancer ay nasa todong  lakas. Ibig sabihin. sobrang malakas din ang pandama ng mga nasa Cancer dahil dito pwedeng –pwedeng madama o makutuban nila kung ano ang mananalo sa lotto at sa mga laro sa casino. 

Bilang panghuli, ipinapayo na ang anumang  benipisyo o pakinabang o mga biyaya at magagandang kapalaran na makakamit sa taong ito,   dapat na ilagay nila para sa kanilang kinabukasan.

SHARE
Previous articleKahulugan ng mga anghel
Next articleNabuking ang sakit ni Labs
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here