Ang Kamalasang Ihahatid ng Sandok at Kaldero

Hindi dapat mag-aksaya ng pagkain kaya kailangan ay siguraduhin natin na mauubos ang mga nakahain sa atin. Alalahanin lang natin palagi na maraming kababayan natin ngayon ang labis na nagugutom at naghihirap. Siguro naman sa kaisipang ito ay hindi mo babalewalain ang mga biyayang nasa iyong harapan.

Ngunit, isang paalala lang sana ang gusto kong ibigay sa’yo. Kahit na anong panghihinayang mo sa pagkain ay huwag na huwag mong itataktak ang sandok sa kaldero dahil masama ang mangyayari kapag ganyan ang ginawa mo. Kung mayroon ka kasing dating sakit ay babalik ‘yan sa’yo.

Ang kalusugan natin ay mahalaga. Hindi mo ‘yan dapat na balewalain dahil ang sakit kaag bumalik sa atin ay maaaring maging mas malala pa. At kung hindi ito maaagapan ay maaari mong ikamatay, Siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon, hindi ba? Saka, tandaan mo, hindi lang ikaw ang maaaring maapektuhan ng pamahiin na ‘yan kundi pati na ang mga kasama mo sa bahay.

Kung nakikita kasi nila na parang walang anuman na tinataktak mo ang sandok na kinakapitan ng pagkain sa kaldero, gagayahin din nila iyon kapag nagliligpit na sila. At kung lahat kayo sa inyong bahay ay gagawin ninyo iyon, baka lahat kayo ay magkasakit. Kaya para hindi mangyari iyon, huwag mong gagawin Ang Kamalasang Ihahatid ng Sandok at Kaldero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here