Ang Kamalasang Hatid ng Taong Negatibo

Baka naman mapahamak tayo. Paano kung kagalitan lang tayo? Kapag nakakarinig tayo ng mga ganitong salita ay hindi natin maiwasan ang makaramdam ng inis. Para kasing sa halip na lumakas ang ating loob ay nakokontra ang mga naisip nating magagawa kapag hindi tayo nagpadala sa takot. Ang tendensiya kasi noon ay masisira lang ang ating diskarte. Dahilan ara tayo mabigo.

Kung ikaw ang taong madalas na pinanghihinaan ng loob, hindi ka na makakaahon pa sa buhay. Sa halip, mas lulubog ka lang sa kinasasadlahan mo ngayon. Tulad na lamang halimbawa ng pinagdaraanan natin sa panahong ito. Kung mas paiiralin natin ang ang takot ay baka hindi tayo sa corona virus mamatay kundi sa atake sa puso.

Sa panahon kasi ngayon ay para pa rin tayong tumutulay sa alambre. Maaari ngang marami ng negosyong nagbukas, marami na rin ang bumalik sa kanilang trabaho ngunit hindi pa rin full time. At kahit na nga walong oras ka na nagtatrabaho sa opisina ngayon ay hindi a rin kampante ang loob mo dahil sa pangamba ang kasama mo sa trabaho o kaya naman ang makakasalubong mo ay mayroong covid na maaaring mapasa sa’yo.

Kaya, masasabi ko pa ring masuwerte ‘yung mga nasa bahay lang nagtatrabaho dahil malalayo sila sa disgrasya ngunit nakakaawa naman ang mga walang trabaho. Tiyak na sa bawat araw ay sumasakit ang ulo nila kung saan sila hahagilap ng kakainin. Tulad nga ng sinabi ko, kapag naging negatibo ka ay mas mamalasin ka lang kaya ang problema ay alisin mo muna sa’yong isip at puso. Mas makabubuti kung solusyon ang hanapin mo.

Siguro naman ay hindi kaila sa’yo na marami ang nagbebenta ngayon ng pagkain, paintings at libro kaya tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang kaya mong gawin at iyon ang gawin mong daan para ikaw ay makaalpas sa paghihirap na iyong nararamdaman. Huwag magpatalo sa pagsubok, laban lang!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here