Ang Kakayahan ng Pisces

Ikaw ay nasa zodiac sign na Pisces kung ipinanganak ka sa mga petsang February  19 hanggang March 20. At sa artikulo natin ngayon ay tatalakayin natin ang mga kakayahan at ugali ng Taong Pisces.

Ang Taong Pisces ay malikhain at mahilig sa musika. Kaya naman karamihan sa kanila ay sikat na manunulat, mang-aawit at composer. Dahil sa katalinuhan nila ay nagiging popular sila. Bukod doon ay maawain sila at malawak ang kanilang pag-iisip kaya madali silang makaintindi.

Ang masasabi ko namang kahinaan nila ay iyong madali silang magtiwala kaya maraming beses ay naloloko sila, kaya naman madalas, dinadamdam nila ang panloloko at ang pang-iiwan sa kanila ng mahal nila. May pagkakataon tuloy na ibig nilang tumakas sa katotohanan ng buhay kaya naman gumagawa sila ng ibang mundo at doon nga nila inilalabas ang kanilang talento.

Palakaibigan ang taong Pisces pero ayaw niya sa mga nilalang na akala mo’y alam ang lahat ng bagay sa mundong ito at hindi rin niya gustong makisalamuha sa mga taong malulupit dahil nga malambot ang kanyang puso sa mga nangangailangan. Gayunman, ayaw din niyang siya ay pinupuna at para sa kanya ang nakaraan ay hindi na niya binabalikan pa.

O, Taong Pisces ka ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here