Dream Interpretation Isyu # 122
Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Andrea tungkol sa Rainbow.
Dear Maestro,
Naglalakad daw kami ng kaibigan kong si James sa isang parke, tapos umulan. Wala kaming dalang payong kaya naligo kami sa ulan. Ambon lang iyon kaya bahagya lang kaming nababasa tapos biglang nagka-rainbow. Nagulat at namangha kami. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?
KASAGUTAN:
Sa biglaang interpretasyon “malamang na kayo ng kaibigan mong si James ang magkakatuluyan, higit lalo kung wala kang boyfriend at wala ring girlfriend si James.”
Puwede ring “kahit na may boyfriend ka at kahit na may girlfriend si James, kapag muli at muli mong napanaginipan ang ganyang senaryo, magkasama kayo ni James at biglang nagkakaroon ng kakaibang pangyayari sa nature, tulad ng nasabi na, walang duda, darating ang panahong mabubuo sa pagitan ninyong dalawa ang isang matimyas at masarap na pag–iibigan na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.”
Samantala sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon ang mahinang ulan sa panaginip ay nagpapahiwatig ng kasaganahan, ligaya at masayang pag-ibig.
Hindi maganda ang ulan sa panaginip, kung ito ay malakas, mahangin at tila bumabagyo o may unos na kasama. Ito ay tanda ng paparating na ang mga mabibigat na problema at trahedya.
Pero tulad ng panaginip mo Andrea, na “banayad lamang ng ulan, o kaya nama’y ambon lang kaya bahagya lang kayong nababasa ng kaibigan mong si James” ay nagpapahiwatig nga na “dahan-dahang mabubuo ang isang relasyon na mauuwi sa isang romantiko at kapana–panabik na pag-iibigan”.
Samantala sa modernong interpretasyon o sa pang-psychology na kahulugan, ang umuulan sa panaginip ay nagpapahiwatig ng “fertility” at maaari rin itong “mensahe mula sa langit.” At dahil ang “ulan” ay isang “uri ng tubig” ang mensahe ay may kaugnayan sa “emosyon” at dahil sa iyong panaginip ay “bahagya kayong nababasa ng kasama mong lalaki” ito ay tanda na sa malapit na hinaharap kung ang psychologist na si Sigmund Freud ang tatanungin, sa malapit na hinaharap “mababasa kayong dalawa” (ibig sabihin may sexual affair na mamagitan sa inyo) na hindi ninyo maiiwasan dahil sa napakasarap na romantikong pag-iibigan na inyong pagsasaluhan.
Samantala sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon ang rainbow sa panaginip ay nagbabadya ng isang pagbabago, at dahil “may rainbow” ang pagbabagong mangyayari ay patungo sa pag-unlad, sa ligaya at masayang karanasan.
Sa modernong interpretasyon o sa pang-psychology na kahulugan ang rainbow ay nagpapahiwatig ng “transition”. Kung saan, sinasabi ring, “dream rainbows may represent a reordering of psychic or emotional material”. Ibig sabihin, may mahalagang pagbabago sa emosyon at panloob mong sarili na ang dulo ng pagbabagong ito ay kaligayahan. At kung tutuusing mabuti, hindi lang kaligayahan ang dulot ng “rainbow” sa panaginip, kundi kabilang din dito ang masayang pag-ibig, pagyaman, kasaganahan at maunlad na pamumuhay.
Kung palalawigin pang lalo ang kahulugan ng panaginip na rainbow ito ay walang iniwan sa isang popular at antigong awitin noong 1958 na isinulat ni Sid Jacobson, na may titulong “At The End The Rainbow”.
At the end of a rainbow
You’ll find a pot of gold
At the end of a story
You’ll find it’s all been told
But our love has a treasure
Our hearts can always spend
And it has a story without any end
At the end of a river
The water stops its flow
At the end of a highway
There’s no place you can go
But just tell me you love me
And you are only mine
And our love will go on till the end of time
Ganyan-ganyan din ang magaganap, Andrea, sa susunod na mga araw na ipinakita sa’yo ng iyong unconscious self habang ikaw ay natutulog, “Naglalakad kayo ng kaibigan mong si James” na ibig sabihin “lumalago ang kasalukuyan ninyong pagiging magkaibigan, at habang ito’y lumalago, ito ay may papupuntahan”.
Sa’yong panaginip, saan kayo naglalakad ni James? “Sa isang parke,” na naglalarawan ng “isang matimyas at romantikong suyuan”.
Habang kayo ay nasa parke ano ang nangyari? “Umulan daw, wala kaming dalang payong kaya naligo kami sa ulan pero ambon lang kaya bahagya lang kaming nababasa”. Ang “bahagyang nababasa ay nangangahulugang may pagtatalik na magaganap”
At matapos ng isang masarap at romantikong suyuan, ano ang kasunod na nangyari sa iyong panaginip?
“Tapos bigla daw nagka-rainbow at nagulat at namangha raw kami.” Na nangangahulugang “ang masayang pag-iibigang pagsasaluhan ninyo ni James ay hahantong sa biglaang pag-aasawa, na aani ng isang masagana,matagumpay at maligayang pagpapamilya habambuhay.”