Ang kahulugan ng pinya

Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 118 

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Chona tungkol sa pinya o pineapple.

Dear Maestro,

Nanaginip po ako na parang isang handaan. Tapos ng magkakainan na, nakita ko sa lamesa ang napakaraming pinya. Kumain daw ako at sarap na sarap ako. Pagkatapos, ang may handa, labas pa rin ng labas ng mga pinya na parang hindi nauubos. Kaya ang mga tao ay masaya ring nagkukuhanan ng mga pinya sa lamesa. Ano po kaya ang kahulugan ng panaginip kong ito?

 

KASAGUTAN:

Naalala ko tuloy bigla way back 1996, ang isang bold movie na pinagbibidahan ni Rosana Roses ang napanood ko, na may titulong “Patikim ng Pinya.”

Kaya nga kung ikaw ay isang dalaga at may boyfriend ka o kung ikaw ay isang babaing may asawa na at kakakasal nyo pa lang ng mister mo at nanaginip ka ng pinya, posible ito ay naghahayag ng isang mainit at umaatikabong romansahan ang magaganap sa susunod na mga araw.

Samantala, sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon dahil ang pinya ay may mga tinik at mga mata, sinasabing sa sandaling ito ay iyong napanaginipan ito ay babala ng mga pagsubok at problema na maaaring dumating sa susunod na mga araw dulot ng mga kaibigan mo o ng mga malalapit sa buhay mo na lihim palang naiingit at naiinis sa iyo.

Subalit kung ang pinya na iyong napanaginipan ay nahiwa na at nakahain na sa ibabaw ng lamesa, tulad ng panaginip mo Chona, ito ay tanda ng matamis na mga pangyayari na magdudulot sayo ng kakaibang saya at ligaya sa susunod na mga araw.

Sa modernong interpretasyon, o sa pang-psychology kahulugan higit na positibo ang kahulugan ng panaginip na pinya, kung saan, sinasabing, kung ikaw mismo ang namimitas ng mga pinya, ito ay tanda na maraming masasarap at matatagumpay na pangyayari kang mararanasan. At tulad ng nasabi na, sa bawat tagumpay ng buhay, mararanasan mo talaga ang lasa ng saya at sarap ng nasabing karanasan.

Dagdag dito, sinasabi ring kapag ikaw ay namimitas ng pinya sa iyong panaginip ito ay tanda na kahit na hindi ka masyadong magpakahirap sa buhay mo sa ngayon, dating ng dating pa rin sa iyo ang maraming suwerte at magagandang kapalaran.

Pero kung ikaw naman ang “naghiwa o pumutol ng pinya para ihanda o ihain sa lamesa” ito ay babala na sa susunod na mga araw isa sa mga malalapit mong kaibigan o mahal sa buhay ang makakatampuhan mo o makakasamaan mo ng loob.

Habang kung ikaw naman mismo ang kumakain ng pinya tulad ng sa iyong panaginip Chona, ito ay tanda na sunud-sunod na mga tagumpay at pagpapala ng buhay ang aaniin mo sa malapit na hinaharap.

Dagdag dito, sinasabi ring kapag nakapanaginip ka ng pinya, ito ay tanda rin na kung may desisyon kang pinag-aalinlanganan sa ngayon, sa susunod na mga araw mabubuo na ang iyong loob at makapagpapasya ka na ng suwabeng-suwabe at sa bawat pagpapasya na iyong isasagawa, ang magiging kasunod nito ay malaking tagumpay at mga pagpapalang pang materyal.

Kaya nga bukod sa kaligayahan, sarap at saya ang panaginip na pinya ay tanda rin ng dagdag na kita at dagdag na materyal na mga bagay ang mapapasa iyo sa susunod na mga araw.

Sa bansang China, isa sa pinamapalad na prutas ang pinya. Ito rin ay isa sa pinakamapalad na mapanaginipan, dahil sa Chinese Hokkien language ang tunog ng salitang “pineapple” ay “ong-lai” kung saan, ang salitang “ong”ay nangangahulugang “luck or fortune” habang ang “lai” ay nangangahulugang “coming.”

Kaya nga kapag lagi kang nananaginip ng “pinya” naniniwala ang mag sinaunang Chinese na kusang darating sa iyo ang magagandang kapalaran, lalo na sa pag-ibig at sa materyal na mga bagay.

Kaya nga, Chona, kung pag-uugnay-ugnayin ang iyong panaginip ayon sa mga inilahad ng interpretasyon sa itaas, lumilinaw na kung gayon ang kahulugan ng panaginip mong “maraming-maraming inihahain na pinya sa isang handaan” nangangahulugang“sa susunod na mga araw, maraming-maraming suwerte at magagandang kapalaran kang tatanggpin mula sa langit at dahil ito ay mula sa langit, mapapasayong lahat ito kahit na hindi mo ito gaanong pinaghihirapan.”

2 COMMENTS

  1. Magandang araw po Maestro.. Itatanong ko lang po kung anu po ibigsabihin ng panaginip na nagmamaneho po ako ng kotse..? Pero sa totoong buhay po hindi po tlga ako marunong magdrive ng sasakyan. Tsaka inutusan daw po ako ng anak na lalaki ng kinakasama ko na ipakabit ung plaka ung sasakyan. Sana mapansin mo po eto.. Salamat Po.

  2. Dear Maestro, anu po naman ang kahulugan ng dream ko? Nakita ko raw ang sarili ko bilang si Cinderella at naka tayo ako sa dulo ng hagdan. samantalang nakita ko si Prinsipe LEnard sa taas ng hagdan. Pababa po siya ng hagdan . Pagdating sa kalagitnaan ay sumayaw sya ng bahagya. Natawa daw ako at sabe ko sa sarili ko, ” sumasayaw pa ha”.. Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang sa magkadaupang palad kami. And he kissed me po passionately… Thank u po in advance

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here