ANG KAHULUGAN NG PANAGINIP NA MAY IKINAKASAL, MASAMA BA?

67
31315
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 28

Tunay nga sa pagi-interpret o pagbibigay kahulugan sa panaginip, may mga panaginip na “negative” o hindi masyadong maganda ang kahulugan at mayroon din namang “positive” o sobrang ganda talaga ng kahulugan.

Sa mga pagkakataong “negative” ang kahulugan, alalahanin n’yong ang “panaginip ay maituturing na isang mensahe lamang upang bigyan babala ka ng unconscious self mo sa susunod na mga pangyayari”. Kaya kahit “negative ang kahulugan” sa mabilis ang tuos, makakatulong ito sa iyo upang iaayos, pagandahin at pagbutihin mo ang kasalukuyan mong buhay o ginagawa, upang lalo ka pang mas maging maligaya at mas magtagumpay.

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Kristine Lingaolingao

 

Dear Maestro,

Good morning po! Matanong ko lang po sana kung ano po ba ang kahulugan sa panaginip na ikinakasal ka sa boyfriend mo?

Ganito po kasi iyon: “Yong kapatid ko po kasi at ‘yung pinsan ng boyfriend ko, sabay silang nanaginip noong isang gabi. At ang panaginip po nilang dalawa ay parehong-pareho. Ikinasal daw kami ng boyfriend ko, as in nakita daw nila ako na naka-bride dress or wedding gown. Ano po ba ang kahulugan nito?

Sa pagkakaalam ko po kasi, sabi nila, masama raw po ‘yung ganon. At kapag nanaginip daw po ng “naka-damit pang-kasal” may mamatay daw po, either ako or ‘yung kamag-anak namin. Totoo po ba ‘yon? Ito po kasi ang labis na nakakabahala sa aming isipan sa ngayon. Maraming salamat.

KASAGUTAN:

Yong panaginip na “may mamatay, may magkakasakit o may mapapahamak kapag nanaginip ng ikakasal” lalo pa nga at kitang-kita mong “ang iyong kamag-anak o mismong ang sarili mo ay naka-wedding gown” sa iyong panainip, tunay ngang ang nasabing intepretasyon ay hango sa Makaluma o Tradisyunal na paniniwala tungkol sa panaginip. Sa partikular ang intepretasyong ito ay matatagpuan sa antigo o lumang-luma ng aklat na Zadkiel’s Dream Book.

Pero sa panahon ngayon, siyempre naman high tech na ang mundo, at moderno na ang teknolohiya, siyempre nag-iiba na rin ang kahulugan ng bawat panaginip ng isang tao.

Kaya nga sa Modernong Interpretation o Psychological point of view, masasabing ang panaginip na “may ikinakasal” ay nangangahulugang “unidad or unity”. Dahil sa sandaling may kinakasal, nagba-bonding ang “masculine (lalaki) at feminine (babae) energy ng dalawang tao. What I mean ay nagiging “isa silang nilalang” sa sandali na sila ay ikinasal sa pamamagitan ng “ritual o matrimonyo ng kasal.”

Nagpapahiwatig ito ng “bagong buhay, bagong lakas, at bagong enerhiya” sa sinumang nanaginip nito. Maaari ring kaya napanaginipan ang tagpo na may ikinakasal, dahil sa kasalukuyan, ‘yong nanaginip ay binabalaan ng kanyang unconscious self na siya ay dadaan, sa panibagong yugto ng buhay.

Sa magical term ang ibig sabihin nito, ay “rite of passage”. Ang “rite of passage” ay isang mahalagang yugto sa buhay ng isang tao. Ang “wedding rite” ay isang uri ng “rite passage”. Kung saan, ito ang yugto o panahon, mula sa pagiging isang binata o mula sa pagiging isang dalaga, sa pamamagitan ng “ritual ng kasal”, ang isang dalaga o binata, ay magiging Maybahay na o magiging Mister na o Ama na ng tahanan. Ito ang bagong yugto ng buhay na ipinapakita ng iyong unconscious self habang ikaw ay nananaginip. Kumbaga, pinaghahanda ka – dahil may malaking “lift o pagbabago” na magaganap sa iyong buhay sa susunod na mga araw.

Ibig sabihin, “dadaan ka sa isang bagong yugto ng buhay at karanasan sa malapit na hinaharap”. At ang pagbabago o transition period na ito, dahil nga “wedding” ay masaya. Maaaring ang yugtong tatahakin ng iyong karanasan ay magkakaroon ng isang masaya o “happy ending” na kaganapan.

Ang isang pang dahilan kung bakit nanaginip na “ikakasal o may ikinakasal”, dahil maaaring dalaga ka pa o binata ka pa sa kasaluyan. At dahil binata ka pa o dalaga ka pa sa kasalukuyan at dahil idagdag pang very anxious ka o labis kang nababahala o unconsciously hindi mo namamalayan ay naiingit ka, dahil hindi ka pa naikakasal sa tanang buhay mo, samantalang ‘yung pinsan o kaibigan mo ay mag-aasawa na, at ang ikakasal ay sobrang malapit sa iyo, automatic mapapanaginipan mo ang kanilang kasal, (mas excited ka pa kasi sa ikakasal) na ibig sabihin lang, parang sinasabi ng unconscious self mo: “Ako kaya, kailan naman kaya ikakasal?”

Kaya sa madaling salita, kapag nanaginip ng ikakasal, tiyak na may malaking pagbabagong magaganap sa buhay mo, lalo na kung madalas mo itong mapanaginipan. At ang pagbabagong ito ay magsisilbing “turning point” ng iyong karanasan at kapalaran sa malapit na hinaharap.

Para sa mga negosyante ang panaginip na may ikinakasal ay senyales na ‘yung mga “deal na nabuliyaso o hindi nakasira noong nagdaang araw o buwan dahil nagka-aberya” maisasara na ngayon at maisasakatuparan.

Sa mga estudyante, ang panaginip na may ikinakasal ay tanda na kung dati ay “magulo ang isip mo at hindi ka masyadong nagre-review o nag-aaral ng lesson” sa malapit na hinaharap, maaaring magbagong buhay ka na at pagbutihin mo na ang iyong pag-aaral, na ikatutuwa at ikagugulat ng mga magulang mo.

Sa mga pangkaraniwang manggagawa, o empleyado, ang panaginip na may ikinakasal ay nangangahulugan lamang na dumating na sa iyong karanasan o sa isang yugto ng iyong buhay ang pagkayamot. Nagtatanong si unconscious self mo: “Mananatili na lang ba akong ganito? Kailan kaya magbabago ang buhay ko? At kailan kaya ako makakawala sa rotinaryong buhay na ito, na uwi-pasok, pasok-uwi sa opisina o sa pabrika?”

At para sa mga binata at dalaga na nanaginip ng may ikinakasal, ito ay maliwanag na pahimakas ng wala sa loob mong sarili (unconscious self) na nagasabing: “Aba Kurdapyo o Kurdapya, nagkaka-edad at tumatanda ka na, kailan ka ba mag-aasawa?”

(Sa mga gustong magpa-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down n’yo ang cursor, sa ibaba, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Kung ayaw ipabanggit ang tunay na pangalan, maglagay ng “code name at address”. Libre at walang bayad, buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO) 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

67 COMMENTS

  1. Good evening po maestro
    Una pong napanaginipan ko eh nainlove daw ako sa isang lalaki pero d ko alam kung sino sya tas paggising ko sabi ko d nmn yon ang aswa ko kanino ako nainlove. Tas po mga sumunod na lagi akong nanaginip na may kasamang bata na parang ang edad eh nasa 2 o 3 taong gulang lagi pong ganon tas ito pong huli naliligo ako sa may swimming pool po ata yon tas nagfloating daw ako biglang may dumambang lalaki sa akin tas po yon nahawakan nmn nya ako sa baywang tas pinantay po nya ako sa knya habng nasa tubig kami. Para pong magkakarugtong kada nanaginip po ako gabi gabi. Tawagin nyo na lamang po akong cruziel salamat po ng marami

  2. Dear Maestro Honorio Ong,

    Nanaginip po ang aking kapatid na binibigyan daw sha ng cake ng aking anak na lalaki 10yrs old. Kya lang po basa daw po ang damit ng anak ko. Anu po kaya ang ibig sabihin nun? Naalala ko po kasi ang sinabi ng yumao kong nanay na pag nanaginip ng tubig o basa ay sakit daw po yun.. Bka po kasi sensyales na magkakasakit ang anak ko..

    Salamat po sa pagsagot.

  3. Dear Maestro,good day!
    Plz explain me sa napanagenipan ko palage ang Ina ko na matagal ng sumakabilang buhay&kgabi dream nman ako sa pnsan Kong lalake na pumanaw na last February.
    Thanks a lot po Sir,
    (Pasensya s Tagalog ko,I’m Cebuano)
    More power to your column,&God bless your family..

  4. Dear maestro,
    Ang panaginip ko po ay ganito.. Nasa isang laboratory po ako parang science lab tapos may isang patay na puting leon doon na nakahiga na unti unting mabuhay na parang zombie akala kp naghihingalo un pala nagiging zombie na. Nung naging zombie ang puting leon bglang may sumulpot pa na isang puting tigre namn hindi nila ako nakikita nung una pero sumunod hinabol na nila ko at hanggang sa makarating ako sa banyo pero naabutan pa rin ako nagising lang ako ng makagat o masakmal ako ng isang puting tigre. Ano kaya ibig sabhin nun?
    Salamat po.

    Tanya

  5. Dear maistro
    Napanaginipan kopo kasi yung sarili ko na ikina kasal daw po ako sa isang lalaki na kina iinisan kopo mula ng makilala ko siya At siya yung stepfather ko anopo kaya ibig sabihin non nag wo worry lang po ako. Kasi may mga panaginip ako na minsan nag kaka totoo na.
    Thank you po sana masagot niyo ☺

  6. Dear maestro honorio ong ito po ang aking panaginip marami pong isda na niluluto ang ninong ko binibigyan nya po ako hindi ko po kinuha..at bigla nalang po umulan ng napakalakas basang basa po ako sa ulan sa panaginip ko..ano po ibig sabihin nun salamat po

  7. Dear maestro nanaginip po ako noon na akoy nabuntis pero Hindi gaano kalaki ang Tiyan ko Siguro mga NASA isang Buwan palang po yun anu po ba ibig sabihin nito at kagabi nanaginip din ho ako na ikinakasal ako sa aking nobyo ngayon ..masayang masaya po ako sa panaginip kong yun at kitang kita ko po ang aking mukha pero nagtataka LNG ako maestro kasi sa panaginip ko parang hindi ko napaghandaan ang kasal na yun pero masaya ako habang kinakasal.. May masama po bang kahulugan yun.? Salamat po …

  8. Dear maestro,
    ikakasal na dapat aq civil lang..pero nanaginip akong.hindi na.dw matutuloy… sa kasalukuyan nag aaway.kme ngaun ng mapapangasawa ko sana… ano ba.ibig sabihin nun… salamat

  9. hi maestro…paanu po kung nanaginip po ako na ikinasal daw po ako sa taong patay na ngayun.. anu pong ibig sabihin ng panaginip nayun… gayung ikakasal na po ako dis january po. nababahala po ako..

  10. Good evening po.. gusto ko po sana malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko… nanaginip po kc ako na ikakasal na daw po ang ama ng mga anak ko.. namimigay na sya ng invitation… naghiwalay po kame ngyn taon na to kaya obviuosly po hindi ako ang pakakasalan nya sa panaginip ko.. umiiyak din po ako sa panaginip ko dahil nga po ikakasal na sya sa iba.. pero wala po pinakita sa panaginip ko kung sino pakakasalan nya.. tapos po parang kontra ang mga tyahin nya dahil nga po d kame ang ikakasal.. medyo magulo po ang panaginip ko, sana po mabgyan nyo nv kahuligan.. maraming salamat po…

  11. Ano po ibig sabihin ng panaginip ko na umattend ako ng isang kasal pero di ko kakilala yung kinakasal at mga kasamahan ko sa work yung ibang andun sa kasal.

  12. Good morning po Maestro

    Sana matulungan niyo ako. May panaginip ako kagabi na sumama daw ako sa lalaki sa bahay nila. ng motor kami.hindi ko enixpect kung ano ang mangyayari pag dating dun. Sa totoong buhay hindi ko sya kilala. At hindi ko sya gusto. Tapos ng andun na ako ayaw na akong pauwiin nila kasama ng nanay niya at kapatip nya kasi nga ipapakasal na daw nila kami. Dun daw kami titira sa second floor ng bahay nila At ayaw din ng lalaki na umuwi ako. At biglang nandun ang magulang ko kinuha nila ako parang lumilipad daw yung sasakyan namin pauwi. At tsaka yung mga tao daw dun ay mga aswang. At nagbayad daw sila sa papa ko At parang nagkasundo at ang huli maliligo daw kami sa dagat. Tawagin nyo na lang po akong cris from imus cavite.
    Maraming salamat po sana ma enterprit nyo.

  13. Good morning po maestro. gusto ko po malaman kung may kahulugan po ba itong mga napapanaginipan ko ilang araw na din po kasi. Una ganito po nanaginip ako na umuwi po ako sa bahay namin. pagdating ko po dun naglinis po ako. inayos ko ang mga gamit, nakita ko po dun na nagsukat ng belo yung asawa ng kuya ko. diko po totaly nakita ang kanyang mukha, pero alam kong sya un nakatapat sya sa salamin sa labas ng bahay katapat ng pintuan, tapos pumasok po ult ako sa loob ng bahay nagluluto po yung mama ko ng mga pagkain yung ibang gulay nasa lapag lang ng sahid dahl hnd pa po naaasikaso. kaya sabi ko gahol na kami sa oras gaya na lang nung binyag..
    2) nanaginip din po ako na nagpunta po ako sa bahay ng pinsan ko. mukang may handaan din po dun. may nakita na po akong lutong pagkain nun. spageti at shanghai.
    3) nanaginip din po ako ng babaeng naka pang kasal pero diko nakita mukha nya.. the nagising na po ako
    4) ito po yung Huli nanaginip po ako na ikakasal. marami po akong kasabay nun na ikakasal din lahat kami nakaputi. kaso wala pa po yung live in partner ko di pa dumadating. bale magsisimula na yung kasal dipa sya dumadating.. kaya iniisip ko nun next time nalang ako ikakasal.

  14. Goodmorning po maestro

    Gusto Ko Lang po i tanong sainyo lagi ko po napapanaginipan ang kua ko na tatlong taon Ng nawwwala Hindi pdin nmen alam kong Ano ngyare sakanila wla mankpag sabi ano po ibig sbhin non maganda po lagi ang panaginip ko about sknya lagi ko ksma At msyaa nyon tipong nakatakas daw po sila or napalaya Slamat po. Sa sagot

    #vosh

  15. Dear maestro,
    Nais ko po sana ipa interpret ang panaginip ko..nanaginip po ako na ikinasal kami ulet ng asawa ko.as in nakita ko po ulet sa panaginip ko yung kaganapan ng kasal namin ng husband ko 2yrs ago.kung paano sya umiyak nong kasal nmin noon eh nakita ko rin po sa panaginip ko pati yung mismong mga suot namin nong kasal namin dati.mas bongga nga lang ng slight yung mga decorations ng nasa panaginip ko compare sa actual na kasal namin.pati po yung bridal car na sinakyan ko sa actual na kasal namin,yun din ang sa panaginip ko.ano po kaya ang ibig sabihin nito?i am a mother of 3 at ang husband ko po ay isang seaman at kasapukuyang onboard sya ngayon.

  16. Good morning po..
    Gusto ko lang itanung.. Kc po next year ikakasal na po kami ng live in partner ko.. Napanaginioan ko po na ikinakasal n ako at suot ko na po ung wedding gown ko na pinatahi..ano po kayang ibig sabihin non? Salamat po.

    #Jorie

  17. Nanaginip ako na kinasal daw aq sa friend ko na babae ..babae din aq at na kita ko mismo na kinausap Kami at may mag pinalitan sya na papel sakin…lagi pa nmn sa isip ko na gusto ko na ikasal sa boyfriend ko pag uwe ko ng pinas

  18. Dear Maestro,
    plage po ako nanaginip , peo sa gbi gbi na pnaginip ku iba iba ang laman , kgbi ang panginip ku po ai knkasal ult kme ng aswa ku dq po alm kng bkt gnun tpx nagka meanstration aq sa panaginip ku at kmain ako ng puto anu po ibg xbhn nun slmt po

  19. dear maestro
    nanaginip po aq na ako ang ikakasal ng biglaan.ngunit pag dating ko sa simbahan,kapwa lalake ang aking kaparehas at dahil dun ng back out po ako…ano po bang ibig savhin ng panaginip ko..

  20. Dear maestro
    Nanaginip po ako na nasa simbahan tapos nagpaplanong ikasal sa bf ko tapos po kinukuhaan pa nga daw po kami ng litrato then pinag aayos na daw po ako ng mama ko tapos po yung maliligo na po ako nakita ko po yung kachoir ko na maliligo pa lang then hindi po natuloy yung plinanong kasal. Yung biglaang plano po tapos ikakasal na agad ganun po nasa panaginip ko.

  21. Good afternoon po Maestro..
    Gusto ko lng po sana itanung kung ano ang kahulugan ng panaginip ko. Ito po yung pangyayari…
    Sa aking panaginip ay mayroong cellphone, kung saan my mga litrato ko, hubad na litrato at ito ay kuha ng lalaking classmate/thesismate ko, sya rin po ang nagmamay-ari ng cellphone na ginamit sa pagkuha ng mga litrato ko. Hindi naman ako nagalit sa kanya dahil ginusto ko rin ito ayon sa panagip. Pinapahiwatig rin na parang my malalim kaming relasyon sa isa’t-isa sapagkat ako ang humahawak ng cellphone nya palagi. Pagkatapos noon bigla na lng ako napunta sa isang pagtitipon kasama ang malalapit kong kaibigan at noong tapos na pagtitipon ay bigla na lng ngalit sa akin ang speaker dahil bakit daw hindi ko sinurender ang cellphne sa knila sapagkat kinumpiska pla nya ang lahat ng cellphone ng mga nagdalo. Noong binigay ko na ang cellphone ay hiningi ang personal kong impormasyon ngunit naalala ko hindi pala sa akin ang cellphone kundi sa lalaking classmate/thesismate ko na nagaabang lng saakin sa baba ng hagdan pra sunduin ako at tinawag ko na sya pra sya ang magfill-up ng impormasyon nya. Tapos ay umuwi na kami sa isang bahay hindi ko kilala kung kninong bahay, pero merong bata doon, nsa isang taon pa lng. Binuhat ko daw ang bata at inalo sa pagiyak at tinulungan ako ng lalaking classmate/thesismate na pakiramdam ko ay my koneksyon ang bata sa amin. Pagkatapos ay nagusap kami tungkol sa mga hubad na pictures sa gallery nya na sinabi kong iprivate nya pra kami lng ang makakita at sinabi nya oo nkaprivate na ang pictures natin, at nung tiningan ko ulit ang pictures ay meron na itong imahe na magkasama kaming nakahubad at nakahiga sa sofa ng magkayakap. Doon na natapos ang panaginip maestro.
    Ang pinagtataka ko lng bakit ganun na lng kami ka close sa panaginip na ngawa ko pang ipakita sa kanya ang hubad kong katawan pero wala kaming relasyon sa totoong buhay, wala din akong nararamdaman sa kanya at may boyfriend din ako ngaun na mahal ko. Gusto ko lng po sana masagot nyo ang kahulugan ng panaginip ko. Salamat po maestro.

  22. Gusto ko sana malaman kong anu ang ibig sabihin ng panaginip ko ikinasal daw po ako pero mga magulang lang namin ang nagplano di po namin kagustuhan success po ang kasal oero mabigat po sa dibdib ko anu po ibig sabihin nun?

  23. hi po, gusto po sana malaman yung meaning ng panaginip ko, said taro Kong beses na pagtulog sunod sunod din yung pangyayari.. una p.o. kasi kinausap po ako ng mother ko na pakasal yung isang lalaki na Hindi ko naman kilala kahit may bf ako, akala ko parang joke lang na kasakasalan then habang ikinakasal ako at tinatanung ako ng pari mabilis daw akong sumagot ng oo, after Kong sumagot ng oo nakita ko yung guy Hindi ko sya gusto Hindi ko sya kilala maliit Lang syang Tao na mejo Kalbo. then ng Matapos ang kasal sobrang nagsisisi ako Hindi ko maintindihan bakit ko sya pinakasalan itinext ko sa bf ko na ikinasal ako. after nun matulog po ulit ako pero yung panaginip ko continuation Lang ng una Kong panaginip,nagtatanung ako dun sa babae kung bakit ako ikinasal sinung nag asikaso ng kasal ko sinung nagluto sinung gumastos kung mommy ko ba lahat ang Sagot nay sakin Hindi nya alam tas tinanung ko kung saan niluto tinuro nya sakin sa likuran sa pamamagitan ng pagtuturo ng hintuturo, nakita ko yung apat na Lutuan, naisip ko apat din yung potaheng inihain sa kasal. yung babaeng kausap ko kilala ko sya kaibigan ko Pero Hindi ko Makita yung mukha Kaya Hindi ko alam kung sinung kaibigan yung kausap ko ..Galit na galit ako sa nangyari Hindi ko alam kung bakit ako naikasal ,paano ako ikinasal tinatanung ko yung friend ko sumagot sya ng may ampon pa nga yan, tapos tumakbo Kami kumuha ako ng bato ibinato ko din sa mga bato Pero naisip ko baka may matamaan Kaya tumakbo na ulit ako at hinanap ko yung motor ko at Ibinigay sakin yung susi nandun yung susi na dalawa Pero isa na Lang yung key chain Dapat tatlo yun eh, galit na galit ako Kaya gusto Kong magdrive ng mabilis, tas nagising ako ulit ang sunod na pagtulog ko continuation pa ring galit na galit pa rin ako iniisip ko pa rin yung nangyari iniisip ko kung paano yung bf ko kinokontact ko sya pero hindi ko na sya macontact simula nung sabihin kung naikasal ako hindiko alam kung paano sari sari na naiisip ko hanggang sa nakapulot ako ng 5 peso coin at nagising na ako..yun po sana masagot nyo po sobrang na stress ako sa panaginip ko Salamat po.

  24. Hello po gusto co lng malaman ibig sabihin ng panaginip co. Nanaginip po kc aco na ikakasal naco peo ang nakita co lng sa panaginip co ung Vale co my mga yellow na bulaklak, at ung labas ng simbahan puti lahat pati narn ang sa reception puti rin. Ano po ba ibig sabihin nun!?

    Salamat!

  25. hello po ibig sabihi po ng panaginip na kasama mo yung ex bf mo na matagl na kayo walng communication at malayo kayo sa isat isa ilng years n a nag daan wala naman nangyayaring panaginip ngaun lng po every week napapanaginpan ko sya bat hind naman masama yung panaginip ko

  26. Hello po maestro, single mom po ako hiwalay sa asawa yr 2013. Sa ngayon po meron po akong bf 2yrs na kmi,magttanong lang po sana ako tungkol sa panaginip ko na ikkasal daw po ako sa bf ko naglalakad po ako sa aisle naka redgown pero naka paa lang kasama ko po bf ko. Napakaganda po ng kasal ko sa panaginip ko,ano po kya ibig sabhin ng panaginip ko?

  27. Good morning po Maestro,

    Ask lang po kung ano po ang ibig sabihin ng panaginip na inagawan ako ng kasal. Yung tipong ako dapat yung ikakasal pero nung araw na mismo ng kasal naging isa nalang ako sa mga abay. At isang kakilala ngunit di ko naman kaibigan ang pumalit sa pwesto ko bilang bride sa aking boyfriend. Ano po ba ang ibig sabihin nito? Labis po kasi kaming nag iisip dahil ilang beses ko na po itong napanaginipan at natatakot na baka may mangyaring di maganda. Maraming salamat po.

  28. hello po ako po si Dhania Mislang 22 taong gulang nanaginip po ako Na ako ay ikinakasal pero sa taong hindi ko karelasyon . kilala ko siya pero hindi ko siya gusto at kamag anak ko siya so ano po kaya ang meaning nun ? nanaginip po ako non pero sa panaginip ko ako po ay hindi masaya .

  29. Dear maestro.
    Nanaginip po ako na ikinakasal ako,ang kaso hindi po sa ka live in partner ko..sa ibang lalake po.ano po kaya ibig sabihin nun?

  30. Gandang araw sa inyo..
    Npanaginipan ko po na tumutulong aq xa preparasyon ng kasal xa plaza, at nagulat nlng aq na ang knakasal ay asawa ko. Knkasal xa ibang babae at xa kalahi nla (indian) pro my anak na kme at buntis pa ho aq. Na xa ttoong buhay ay my anak at buntis ho aq. Halos e2 lng ung pnginip ko na natandaan at inisip ko mghapon dhil nde ko lam qng anu khulugan…sna mrplyan nyo po aq kgad..

  31. hello po MAESTRO….
    MAY panaginip nanaman po kasi ako n agusto ko ko ihngi ng paliwnag oh kakulugan sa inyo…
    may panaginip po kc ako na tungkol s isang lalaki..
    naging bf ko po xa at hnd pa nmn po kami nawawalan ng kumuninkasyon hanggng ngaun,un lng po ng nangyari noon nagalit xa sakin dhil sa sobra ko po kulit…
    sa panaginip ko po nagkita daw po kami nito lalaki na to tapos ng uusap daw po kami..
    sumama daw po xa sakin sa work ko kc daw may kukunin ako bago kami umalis o may pupuntahan daw kami..
    habang nglalkad daw kami ni bf sa pag uusap daw nmin tanung ko dw xa anu hyt nya,
    db kako 5’10 ka mgkasing hty kayu ng ex ko,
    pero sa totoo 5’9 lng hyt ng bf ko sa sinBI KO N UN D AKO PINAPNSIN NI BF..
    TPOS HBNG nglalkad dw kmi ni bf nilalambing ko dw xainankap2 ko sa bewang nya tpos pinupulupot ko mga brasoko sa braso nyatpos gusto ko dwxa halikan ang kaso dko dw xa maabot dko maabot un labi kc daw matankad,kaya ngrequest daw ako sa knaya n kiss mo nga ako sabi ko dw ayun hinalikan nmn dw ako…
    nakasalubong daw namin ung boss ko pero dko p
    daw pinakilala si bf sa boss ko.
    ng makarating na kmi sa work ko at
    nang palabas kami ng pinto nakasabay nmin ni bf ang boss ko habang kinakausap nya ako si bf binati oh bumati at kinausap si boss ko at ngpakilala xa ngumite lng daw itong si boss kay bf,ako nmn daw ng makalapit ako sa boss inabot nya kamay ko at bngyan ako ng pera..
    puro papel n tg20 ung pera inabot sakin,tapos ngsalita ako sa boss kona panu po ung kapatid ko kung pauwiin po ninyo asawa nya eh buntis p man din xa kako..sagot ng boss ko may pgasa p nmn n pabalikin xa sa trbho ..
    dun n ngtapos usapan nmin ng boss ko umalis n dw kmi ni bf..
    andami daw nmin bitbit pero si bf n lahat ngbuhat papunta sa kotse nya..
    ng pgbukas ng likod ng kotse andami nanman mga kung anu2 laman n kagamitan my mga groseries mga gamit pangkusina kawa kaldero kawali kaya sabi ko daw o ngtanung ako san galing mga to//?
    bkit pagkasakay dw nmin s kotse nging parang ownee tpye ung sasakyan n ang kulAY AY BLUEng sabi go n kami di go kako..
    pgtpos ng maikling byahe ngstop kmi tpos my nkita si bf n dlw lalaki mga friend daw nya un naka motor ung mga lalaki dko nakita mga mukha nila kc nga may mga takip..ngaun bkit daw naki angkas kami s mga nakamotor at iniwan ung kotse,bale 5 kami sakay ng motor ung driver si bf ako tas ung isa lalaki sa likod ko at un pang 5 e batang lalaki n nasa harapan ng driver..
    pgtpos ng maikling byahe bumababa n kmi sa isang bahay,tpos naiwan ako sa loob dko alm san ngpunta mga kasama ko,ng lakad2 daw ako sa loob ng bahay tntgnan2 ko ung lugar kung asan ako pero wala dw pala ako tsenilas naiwan sa kotse,,tpos naisip ko dw etext si bf para sbhn n bkit pa sinama ung bata bka hanpin ng tatay kc katrbho ko dw un tatay ng bata..tpos dumating nmn n daw sila oh mga kasama ko..
    medyo may kahbaan po MAESTRO ITONG pnginip ko po ngaun sana po masagot po ninyo ulit salamat po ng marami and good nyt po…romgim729 nlng po ang codename na ilagay ninyo kung sakali po…

  32. Dear maestro,
    Nanaginip po ako na may boyfriend akong barambado at nasa bahay namin ang pamilya niya na mukha namang disente at pati na rin ang mga kaibigan niya na kapareho ng kanyang pananamit ngunit may mga dalang baril, nandun sila sa bahay dahil namamanhikan sila.
    Kasama ko ang kapatid Kong babae at ang aking nobyo sa paglilibot sa buong bahay, sa isang bintana may nakakabit na figurines ng tatlong pusang itim, kinukwento daw ng kapatid ko na may nagmamay ari daw ng mga yun noon ito daw ay may sumpa at sinabi ng kapatid ko ang pangalan ng mga pusa “sila daw ay sina Mary-” hindi pa siya natatapos magsalita ay may itim na parang usok ang sumanib sa kanya nang hawakan ito ng akinh nobyo… Bigla bigla nag iba ang aking panaginip ikinakasal na daw ako ngunit hindi wedding dress ang aking suot kung hindi isang simpleng dress na kulay itim pati ang ilan sa mga bisita na mula sa aking nobyo sa tingin ko’y mga kaibigan niya.. At sa kasal namin ay gabi ginanap, at ng matapos ang seremonya humarap ang aking nobyo na ngayo’y kabiyak ko na at sinabing “mahirap mag pasok ng alak sa loob ng simbahan kaya sana igalang niyo ito tulad ng paggalang at pagrespeto ko sainyo.. Cheers!” Sabay labas ng maliit na bote ng alak mula sa kanyang coat ” bini-video-han pa rin tayo dito sa loob ng simbahan kaya walang lalabas” dagdag pa niya at may taong lumabas ng simbahan at pagsilip ko sa pintuan ay nakita ko ulit ang itim na usok Maya maya pa’y sumigaw ang taong lumabas ng simbahan..

    Ano po ibig sabihin ng aking panaginip?

    • hi po MAESTRO
      about sa panaginip kona ikinakasal ako nakagown nako at naglalakad na sa simbahan kitang kita ko ung sarili ko pero hindi ko makita ung muka ng lalaki .. (sa kasalukuyan meron nman akong bf ngaun at alam kong hindi ko pa tpos mahalin ung ex ko) at isang gabe napanaginipan ko nman na sia nman daw ang ikkasal naghahanda para sa nalalapit niang kasal .. ano po kayang ibig sbhin nun naguguluhan po akopot

  33. Hello po..sana po mapansin nyo yung comment ko please! Ako po ayy my ka live in partner mag lilimang taon na po kaming ng sasama. At gusto na po namin mg ka baby. At ako po ay palaging palagi nanaginip na ako daw ay buntis o d kaya ay nanganak na sa panaginip ko. Halos buwan2x ko po sya napapanaginipan. At lagi2x rin po ako nanaginip na kinakasal kami ng partner po pero hind lagi natutuloy. Gusto ko po malaman kng ano ibig sabihin ng panaginip ko. Maraming salamat po.

  34. Ano ibig sabihin po na may dalawang nag aalok sa akin ng kasal babae at lalaki pero parang pipili ko yung babae kasi naisip ko may mga anak na ako dina kailangan mag anak ulit ang importante may makasasama ako sa buhay

    At nana ginip din po ako na ang lumang dating daan duon sa kinakalakihan ko ay gusto ko pong linisan dahil ko nahirapan kaming dumaan duon dahil napaliit ng daan at maraming damo kaya nagpunta ako duon at nagsimola kunang lininisan at duon ako nag simola sa unang hakbang

  35. Hello po. Ilang araw na po ako nananaginip na ikinakasal po kami ng aking nobyo sa simbahan ngunit beach wedding ang nais namin at hindi naging maganda ang kinalabasan dahil minadali daw namin ang lahat. Hindi naging maganda ang photographer at videographer na parang niloko po kami. Anong ibig sabihin po nun? Maraming salamat po.

  36. Hello po good day! My partner died 2months ago po.. and Nanaginip po ako na nka bridal gown ako and super ganda po ng suot ko nandun yung parents ko sabi ko po sa papa ko bakit nka tsinelas lang xa sagot nman ng mama ko sira daw yung shoes and super biglaan daw ang kasal nagtaka lang po ako kc cla yung nag permahan sa mesa imbes na ako pero ang huli kona po nalaman na wala po yung partner ko (bali ako lang mag isa sa upoan na nakatayo at nakita ko cya na naka upo sa labas ng simbahan at nakangiti sakin.. (masama po ba yung panaginip ko ) confused lang po talaga ako,, salamat po

  37. Good day maestro.
    Nanaginip po ako na ikinasal ako nakita ko po sa panaginip ko na naka gown ako at ang mutip ng kasal namin ay pula nakita ko din po sa panaginip ko na nakasuot ako ng pulang gown pgkahubad ko ng wedding gown. Sa pagka alala ko ngayon lang ako nanaginip na ikinasal, pero wala po akong idea kung sino ang groom. (Single mom po ako, my jowa pong les, pero my communication po kami ng tatay ng anak ko but complicated kasi uuwian din daw sya ng babae nxtmonth buntis din daw kasi. Ano pong ibig sabihin non? Maraming salamat, good day.

  38. Hi maestro.
    Nanaginip po ako na ikinasal ako nakita ko po sa panaginip ko na naka gown ako at ang mutip ng kasal namin ay pula nakita ko din po sa panaginip ko na nakasuot ako ng pulang gown pgkahubad ko ng wedding gown. Sa pagka alala ko ngayon lang ako nanaginip na ikinasal, pero wala po akong idea kung sino ang groom. (Single mom po ako, my jowa pong les, pero my communication po kami ng tatay ng anak ko but complicated kasi uuwian din daw sya ng babae nxtmonth buntis din daw kasi. Ano pong ibig sabihin non? Maraming salamat, good day.

  39. magandang araw po. nanaginip po kasi ako ng ahas na kulay puti pero may kunting halo po siya na parang light na black yata pero di po ako sigurado sa kulay. tapos noong palapit na yong ulo ng ahas sakin dahan dahan hinawakan ng tita ko yong ulo ng ahas. nahawakan po ng tita ko. parang maamo po siya. ano po kaya ang kahulugan non?

  40. Hi maestro ,
    Nanaginip po ako na ikinasal ako sa panaginip pero Hindi ko Alam Kong Sino Ang lalaki pinakasalan ko.Tapos umiiyak ako sa subrang saya Kasi ikinakasal na ako pero may nakikita akong isang malaking stage at don nakikita Ang mapapangasawa ko, Ang nakikita ko sa panaginip ko Isa siyang Chinese na lalaki pero Hindi ko makikita Ang pagmumukha niya? Pagkatapos don may nakikita akong isang babae na Bata seguro Ang edad niya 1 year old anak ko daw siya? Ano ba Ang ibig sabihin sa panaginip ko? Maraming salamat po!

  41. Hello po Nov. 1 , 2018 nanaginip ako ikakasal ako pero may dalawang patay sa simbahan habang naglalakad ako. Kaya sabi ko sa panaginip ko ihinto yun kasal ano po ibig sabahin nito?

  42. Nov 24 2018
    Hello po,nanaginip po ako na may nagpropose sakin,pero wala naman po akong boyfriend. Kasalukuyan po akong bigo sa pag ibig. Ano po kaya ang kahulugan nito? Salamat po.

  43. Hello po, nanaginip po ako na ikinakasal ako sa bf ko sa ground ng paaralan namin ngunit habang ikinakasal kami ay may mga tumututol na mga studyante at sa huli ay hindi kami kinasal dahil wala pang basbas ng mga magulang ko (gf) ngunit binigyan kami ng pari ng basbas na hindi na kami magkakahiwalay at sa madaling panahon ay kailangan namin kunin ang basbas ng aking magulang, thankyou and Godbless sana po masagot ang panaginip ko😊😇

  44. Hello po Good Morning po sa lahat sana po may makakapansin sa post kung ito ako po si sharmin Alfon ng Surigao 26 years old july 8, 1992 yung brthday ko. nagtrabaho sa kuwait as servant,, isa rin po akong member ng aim Global business networking.

    Nais ko lang po e share sa inyo itong panaginip ko . Ikakasal na daw po ako sa isang lakaking Hindi ko pa nakita ang mukha kung Sino .., nagpadala daw po ako ng isang aim Global package sakanya … tapos sila na daw po ang bahala sa gastusin para sa kasal ..

  45. Gusto ko pong i-share ang panaginip ko, ako po ay 13 years old pong bata may isa po akong lalaking nagugustuhan matagal ko na po syang kasama mga 5 years na po ehh nahuhulog na po yung loob ko sa kanya habang tumatagal lalo pa po akong naiinlove sa kanya ehh kaso po marami rin pong nag kakagusto sa kanya naisip ko po mas maganda pa po yung nagkakagusto sa kanya kaysa saakin tapos po medyo close sila kaysa saakin kasi po kami sa 5 years na pagsasama never pa kaming nag usap, may pagkakataon naman pong nag uusap kami pero po saglit yung mga importante lang po na mga bagay kaya napag isip isip ko na mag move-on sa kanya kasi po nawawalan na ako ng pag-asa umiiwas narin po ako kanya kasi po marupok ako kaya kinikilig ako kapag kasama ko sya hindi ko po maiwasang magka gusto sa kanya, yun na nga po nung isang gabi nanaginip ako na ikakasal sa kanya umaamin sya nang nararamdaman saakin tinatanong nya rin po ako sa panaginip ko kung bakit di ko na daw po sya tinititigan tulad ng dati bat daw po ako umiiwaw sa kanya tas marami pa po syang sinabi saakin nun bago po kami ikasal sa panaginip ko umamin din po sya ng nararamdaman saakin. Sa totoo lang po nanaginip na ako dati ng ikinakasal ako pero hindi ko po nakita yung mukha kaya po napag isip isip ko kung sya ba yung napakasalan ko dati sa panaginip ko syaka po hindi lang po yun yung araw na napanaginipan ko sya maraming beses na po pero po iba iba pa yung pangyayari sa panaginip ko na kasama ko, ano po bang ibig sabihin nun?

  46. Good pm po gusto ko lang po mag oa advice ano po ibig sabihin ng panaginip ko .Plano po namin ng bf ko na ikasal by next year napanaginipan ko kaseng nakasuot na ako ng gown pero hindi daw po mailgay lagay yung viel lagi daw po nahuhulog ano po ibig sabihin ?

  47. Goodam po naexperienced ko po na naulit yung panaginip ko po Master. Ikakasal po ako pero naka paa po ako na nakasakay sa sasakyan na puti tapos po sinundpo po ako ng batang babae. Papasok po don sa Simbahan na nakasara yung pinto pero may maliit po na pinutuan na nakadikit din po sa malaking pintuan ng simbahqm pag pasok po namin may nakita ko po yung anak komg lalaki na 3 years old naka ngiti po. Kasama yuny batang babae. Pinagtataka ko lang po bakit naulit panaginip ko po nung una ko po napanaginipan po yun eh nakapaa pa po ako pero yung anak ko po lalaki ang nag aaya po sa akin sa loob ng simbahan. Ngayon naman po babae pero pqrwhas na simbahan.

  48. Good evening poh.. Gusto ko po malaman if anu po ibig sabihin ng panaginip ko about sa amin ng gf ko. Naka plan kmi mag pakasal this coming May 2019 nanaginip kc ako last night, nasa loob ako ng simbahan at maraming tao sa loob. Ako naka tayo sa altar while waiting my gf. Pero, almost 2 hours na akung nag aantay hindi tlga sya sumipot.. At nagising ako tumayo ako at umihi.. Pag gising ko hinayaan ko nlng panaginip ko kc sabi ko dream lng un. After ko umihi natulog ulit ako.. At minutes lng naka tulog ulit ako. At un na nman ulit npanaginipan ko. Anu po ibig sabihin???

  49. Dear maestro,
    Ang panaginip ko ay ikinasal ako tapos iniwan sa luob nang simbahan,Pero may asawa na po ako. pls hide man identity.tnx

  50. Panaginip ko nag karoon daw ako ng baby sa dati ko bf gusto nya Kunin saken bata next day ko panaginip ikakasal daw ako pero yung guy Hindi ko kilala

  51. Hi maestro,
    Napaginipan ko po na kinakasal ako sa ka leave in partner ko sa church medyo madilim po sa church at nung nasa harap na po ako ng altar.,pag upo ko po pag tingin ko sa katabi ko ay yung asawa ko po na namatay na at sa harap po namin may kabaong at ang sabi po nya sinabay na yung kasal natin sa araw ng pagkamatay ni Lola tinitignan ko po Kung sinong Lola di ko nman po masyado Makita. Ano po ibig sabihin nun maestro.

  52. Good Day po sa inyo gusto ko lang po malaman kung anong ibig sabihin ng panaginip ko 3 days na po ako nanaginip tungkol sa kasal.
    Nung una ko pong panaginip nananaginip po akong ikinasal sana kami ng boyfriend ko kaso hindi po natuloy kasi hindi ako nakarating dahil may binili pa akong mga gagamitin namin sa kasal sa mismong araw ng kasal namin kaya hindi ako nakaabot .At may nagpakita sa panaginip na isang lalaki at bata na umaakay sa akin ..at hindi ko kilala

    Tapos sa pangalawang panaginip ko po ikinasal angbpanganay kung kapatid , at yung dalawa kong kaibigan nagtampo dahil hindi kosila na imbitahan sa kasal.

    At hung pang huli kong panaginip yung kapatid naman ng boyfriend ko na babae ang ikinasal , kaso iyak ako ng iyak kasi nakita ko yung boyfriend ko at x niya na nag iiyakan dahil gustong magbalikan ..Kaya tumakbo ako at may nagpakita na namang isang lalaki na hindi ko kilala habang nakamasid sa pag iyak ko.

    Sana mabasa ninyo po ito kasi nababahala na po ako gabigabi nalang ako nanaginip tungkol sa kasal .God Bless po.

  53. Good day po..
    Kagabi nanaginip ako na ako ang ikakasal
    Pero sa tuwing nasa simbahan na ako my nakakalimutan ako at umuuwi sa bahay ng tumatakbo at babalik uli ng simbahan, ikakasal daw ako sa making ex boyfriend
    Dalawang beses ako umalis ng simbahan at bumalik din ung pangalawang beses, pagbalik ko natapos na daw ang kasal pero ndi Pa ako nakakapirma sa papel..
    Ano po kaya ang ibig sabihin nun?
    Salamat po sa kasaguta…

  54. Hello po nais ko lang po malaman kung ano po kahulugan nung napanaginipan ko nung isang gabi, kinasal daw po kmi ng partner ko tapos umattend po yung tita ko lola at mga kapatid pero yung lola ko daw po nakagat ng ahas,samantalang yung mga brides maid ko at grooms sa sementeryo daw po nagpicture.Sa other side din po may kasama daw po na nagtatalik kami ng asawa ko ano po ibig sabihin nun

  55. Hello po, May napaginipan po ako na isang lalaki na hindi ko kilala matangkad at maputi sya. Sa panaginip ko parang my pupuntahan daw ako pagka labas ko ng bahay nandun ung lalaki at inaabangan nya ako dahil Alam daw nang lalaki na akoy ikakasal na sa Iba tapos ihahatid nya na sana ako sumakay na kami ng jeep sabi ko sa lalaki wag muna ako ihatid ayos lng pero parang sinusundan nya parin ako pagka uwih sa bahay nandun na nman sya parang malungkot dahil nga dahil sa magpapakasal naku at gusto nya sya ang piliin ko sabi ko wala na akong pipiliin. Di kuna matandaan ang sumunod na nangyari sa panaginip ko.

  56. Magandang umaga po Maestro honorio kagabi labg ho nanaginip ako ng ikakasal kame ng bofriend ko na nabuntis ako ngunit di kame kasal pero mag kasama na kame at balang araw plano namen mag pakasal. tapos biglaan daw ang kasal namen sa panaginip ko ang mama ko at tita ko daw ang nag organize at ang weddibg dress ko ang tita ko ang namili sa sobrang excited ko isinukat ko agad ang dress tapos ng marinig ko na padating yung asawa ko napapakasalan ko nagtago ako at hinibad ko uli tapos pag alis sinukag ko uli at naalala ko na masama ngapala mag sukat ng wedding gpwn pag dipa oras pero sa araw nayun gabe kame ikakasal at biglang maya maya ayaw ko daw isuot yung isinusuot ng bride sa ulo na puti na tela Kase maigsi gusto ko daw maganda ang design mahaba tapos pumunta nakame ng asawa ko ng sabay sa reception kase dun din gaganapin ang kasal hindi sa simbahan ngunit dinatuloy ang kasal dahil di kame nakapag pareserve may nag poprogram pa sa loob kaya ipagbabali muna namen sasusunod nalang daw kame ikakasal tapos ipinakita saken ng asawa ko ang gold wedding ring na ipinagawa nya sabe nya ang ganda panaman ng ipinagawa ko para satin gold na gild ang dalawang sibg sing at bigla nakong nagising non. paki paliwanag po maestro ang panaginip nababahala po ako natatakot po ako dahil base sa sabe sabe pag nakasuot ng ng wedding dress pwedeng may mamamatay o ako mamamatay or may malubhang mag kakasakit. salamat po umaasa po ako sa inyong paliwanag pag palain po kayo ng may kapal.

  57. Dear maestro,bakit lagi po akong nanaginip na kinakasal kami ulit ng asawa ko,sa panaginip ko po Hindi po ako masaya ang lungkot lungkot,kung anu sa panaginip ko ganun din po noong kinasal kami ng asawa ko na malungkot po ako Hindi po ako masaya halos nga po sa wedding pictures ko isa lang ang picture ko na naka smile ako.

  58. Hello po ano po ba ibig sabihin ng panaginip ng mommy ko po
    Ung ninang ko po kse patay na po sya isang buwan na po then ngayon MAY napaginipan ni mommy si ninang na binigyan daw po sya na puting damit pang kasal po tpos po binigyan sya ng itim na ribbon
    Ano po ba ibig sabhin un masama po ba?

  59. Sakin naman, halos madalas ko mapaniginipan ang kababata ko. na crush ko at gusto ko hanggang ngayon. kaya naman hanggang ngayon sa edad n 33 at 38 pareho kami single. meron pa din kami communication. nililigawan ko pa din.:) napapanaginipan ko siya lagi ng mgkasama kami. wla ng pinagkaiba sa magkasintahan. sobrang close s isat isa. isang panaginip na sobrang saya namin pareho excited, buntis siya sa panaginip ko at ako ang ama.

  60. Paano po kung kaibigan mo ang nanaginip ng ngbgy raw po ako ng imbitasyon sa kasal ko at ung ex ko ang papakasalan ko sa ngaun po 6 years na po akong single..
    At ano po ang ibig sabhin pag nanaginip ka na natanggal lahat ng ngipin mo?
    Maraming salamat po sa magiging sagot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here