Ang kahulugan ng paghuhukay ng alahas

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 171

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Juls tungkol sa naghuhukay ng alahas.

Dear Maestro,

Magandang araw. May dalawang panaginip po ako na nais kong bigyang interpretasyon ninyo. 

Una po bata pa lang ako ng managinip ako na nasa ilalim ako ng bahay namin na halos nakaupo ang hitsura ko. Sa panaginip ko habang nakaupo ako naghuhukay ang kanang kamay ko ay nasa lupa naghuhukay ng mga alahas. Ang kaliwang kamay ko naman po ay puno ng lupa at alahas na nakalawit, mga kuwintas, hikaw at singsing, hindi ito nahuhulog man lang kahit punung-puno at napakarami ko ng hawak na mga alahas sa kaliwang kamay ko ay hindi nga po ito natatapon gayong lagay pa rin ako ng lagay.

Ang pangalawang panaginip ko naman po ay dalaga na po ako nito. Sa labas ng aming bahay o lugar may malaking puno ng kaimito. Nadooon daw po ako sa pagitan ng ugat na malaki, katulad noong panaginip ko noong bata pa ako, naghuhukay ang kanang kamay ko, habang ang kaliwang kamay ko ay punong-puno ng lupa at mga alagad na hindi na naman natatapon, kahit na punong-puno na ang hawak ko at lagay pa rin ako ng lagay. May bumabuti pa nga po sa akin na kapit bahay namin sabi nya, “Ano raw ang ginagawa ko?” Ang sagot ko naman ay “Eto naghuhukay ng mga alahas!”

Mula noon, hindi na po naulit ang panaginip kong ito, pero nanatili itong palaisipan sa akin hanggang sa ngayon. Kaya sana po ay masagot nyo upang maliwanagan na ang matagal ko ng nagugulumihanang isipan sa kahulugan ng mga panaginip kong ito.

 

KASAGUTAN:

Sa makaluma o pangtradisyunal na kahulugan ang alahas sa panaginip ay nagbabadya ng positibong pangyayari. Kung sa iyong panaginip ay may nagbigay sa iyo ng mga alahas ito ay tanda na sa susunod mga araw bibilangin mo ang mga biyayang sunud-sunod na darating ng hindi mo inaasahan.

Kung ikaw naman ay isang babaing may asawa na, ang alahas sa panaginip ay nagpapahiwatig din na magkakaroon ka ng malulusog, matatalino at mga successful na anak lalo na sa materyal na mga bagay.

Dagdag dito kung talagang lagi o madalas mong napapanaginipan ang mga alahas ito ay nagpapahiwatig ding malapit na malapit na kayong yumaman at sa susunod na mga taon, yong salitang malapit na malapit ng yumaman ay sadya at kusa namang magaganap at matutupad.

Kaya lang, Juls, sa panaginip mo ay “naghuhukay ka ng mga alahas at ang kamay mo ay maruming-marumi dahil sa lupa”, ito ay nagpapahiwatig na “yayaman ka ng napakayaman, at hindi magkakandatapon ang yaman mo o hindi mauubos, kaya lang bago mangyari ito, “ang naghuhukay” ay nangangahulugang sobrang paghihirapan mo at sobrang magpapakasipag at magsisikap ka talaga “para ikaw ay yumaman.”

Ang ikinaganda sa panaginip mo ay “habang nagpapakahirap at nagpapakasipag ka sa ngayon, ibinalita na ng unconscious self mo ang mangyayari sa future – yon nga sobrang yayaman ka ng nakapayaman talaga”.

Samantala, sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, ang alahas sa panaginip ay siya mismong simbolo ng katayuan mo sa lipunan.

Kapag sa panaginip mo ay nakasuot ka ng alahas, ito ay tanda na darating ang araw sisikat ka at sisikat din ang iyong mga gawa. Kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan at makatatanggap ka ng mga pagkilala at parangal.

Ang problema sa panaginip mo Juls “ikaw ay nakaupo at parang hirap na hirap habang naghuhukay ng mga alahas at mapapansing marumi ang iyong mga kamay dahil magkahalong alahas at lupa ang nasa kaliwang kamay mo.”  

Ibig sabihin, mahirap lamang ang kalagayan ng buhay ninyo sa ngayon, pero sa sandaling ikaw ay nagsikap at nagpursige, walang dahilan para hindi ka yumaman at umunlad.

Kaya nga, Juls, kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong panaginip “naghuhukay ang kanang kamay ko ng mga alahas. Ang kaliwang kamay ko naman po ay puno ng lupa at alahas na nakalawit, mga kuwintas, hikaw at singsing, hindi ito nahuhulog  kahit punong-puno at napakarami ko ng hawak na mga alahas sa kaliwang kamay ko ay hindi nga po ito natatapon gayong lagay pa rin ako ng lagay.”

Ibig sabihin, darating ang panahong “maghahanapbuhay ka ng maghahanapbuhay, pagpapakahirap at magpupursiging umunlad, habang nagpupursigeng umunlad ka, tuloy-tuloy kang magiipon ng mag-iipon, hindi mo gagalawin ang iyong ipon, dadami ito ng dadami at sa bandang huli, hindi mo na rin namamalayan, mayamang-mayaman ka na pala, at makikita ng mga kakilala mo at mga kaibigan labis ka nilang hahangaan dahil sa iyong  masarap, napakayaman at napakarangyang pamumuhay.”

SHARE
Previous articleEDSA 1, nilangaw at EDSA heroes, absent
Next articleSapin-saping paghihirap ni Lorry Mai
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

1 COMMENT

  1. Dear maestro,
    Ibig ko po ibahagi sa inyo ang aking panaginip.
    Sa aking panaginip ay nasa dagat kami ng aking asawa nakatayo ako at ang asawa ko naman ay nakaupo sa dalampasigan o gilid ng dagat buhanginan.
    Habang àkoy nkatayo napalingon sa bàndang kanan ng paa ko napansin ko yun parang bulaklak n malaki at parang piningas sa gilid kulay ginto tapos dinampot ko at pinakita ko sa asawa ko sabi ng asawa ko hindi daw ito totoo dahil may mga batik batik na itim sabi ko naman totoo ito kasi ang gold kapag matagal nakatago nangingitim pero pag linisan ay nalabas uli ang tunay na kulay. Pinunanasan ko ito ng damit ko at lumitaw nga ang kulay ginto. Pagkatapos lummakad ako ng konti may napulot uli ako ng putol putol na kwentas at habang sunusundan ko yun putol putol n kwentas may nakita uli ako sa may buhangin na bahagyang nakalitaw yun kwentas tapos may nakatakip na lumang damit na marumi paghawi ko nun nakita ko hindi lang pala yun .. tumambad sakin ang napakaraming kwentas at bracelet tapos kumuha ako ng towel dinampot ko lahat ang mga yun at inilagay ko sa towel na puti ramdam ko ang dami ng alahas dahil ito ay mabigat. Sa aking panaginip may isang boses na nag sasabi sakin na sa lugar daw na yun marami ang naliligo na nalalag lag ang mga alahas at hindi na nila hinahanap at sinabi niya na maghanap daw ako ng gold dahil marami daw ako makikita at yun nga ang ginawa na isinalaysay ko na sayo.. Gusto ko po sana bigyan niyo ng interpretasyon ang aking panaginip. Ano po ibig sabihin nito.

    Maraning salamat,
    Baster

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here