Ang kahulugan ng malawak na bukirin

1
1364
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 148

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Juliet tungkol sa malawak na bukirin at panahon ng gapasan.

Dear Maestro,

Nanaginip po ako na nagpasyal daw kaming magkakapatid sa isang malawak  na bukirin. Panahon daw yon ng gapasan kaya maraming mga tao sa bukid na gumagapas ng palay. Pinuntahan daw namin yong pinakagitnang bukid at doon daw kami gumapas ng palay na mga hinog na, na kulay ginto. Tapos isa-isa daw umalis ang mga kasama ko, bale tatlo kaming magkapatid ako lang daw ang naiwan na gumagapas ng palay. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Tapos pagbalik daw nila, nagulat sila dahil ang mga palay na nagapas ko ay naging bigas na raw na puwedeng isaing. Takang-taka sila kung paano nangyari yon, tapos nagising na po ako. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Ayon sa iyong panaginip, Juliet, pumunta kayong magkakapatid sa isang malawak na bukirin at ang malawak na bukiring ito ay punung-puno ng mga hinog na palay dahil ang panahong iyon ay gapasan.

Sa makaluma o pangtradisyunal na kahulugan, sinasabing kapag nakapanaginip ka ng malawak na bukid na punong-puno ng mga palay na malapit ng gapasin, ito ay tanda ng kasaganahang pangmateryal, pagyaman, kagalakan  at sa panahon ng iyong pagtanda, magreretiro ka ng masaya at masagana. Hindi lang ikaw ay magiging mayaman, kundi napakayaman pa talaga.

 Kung ikaw naman ay isang dalaga o isang binata at nakapanaginip ka ng “gintong palayan” dahil sa kanyang mga uhay at hinog ng mga butil, ito ay tanda na makapag-aasawa ka ng isang lalaki o ng isang babae na napakaganda at ang pag-aasawang ito ay magdudulot sayo ng kasaganahan at pagyaman. Magkakaroon kayo ng malaking pamilya at ang inyong mga anak, bukod sa magaganda at matatalino, magiging mabait, mapag-aruga at aalalay sa inyo sa panahon ng pagtanda.

Kung ikaw naman ay isang manlalakbay o OFW at nakapanaginip ka ng malawak na bukirin na punong-puno ng mga hinog na butil ng palay ito ay tanda na ang iyong paglalakbay ay magiging masagana at maligaya. Maaari ring habang nagpapabalik-balik ka sa ibayong dagat, tuloy-tuloy ang pag-unlad ng iyong kabuhayan hanggang sa ikaw ay tuluyang yumaman.

Kung ikaw naman ay OFW na binata o dalaga pa, ang ibig sabihin ng panaginip na malawak na bukirin na punong-puno ng mga hinog na butil ng palay ay magtatagumpay ka sa pangingibang bansa, at sa iyong pagbabalik sa sinilangan mong bayan, mapapangasawa mo na ang isang babae o ang isang lalaki na mahal na mahal mo talaga, magkakaroon kayo ng isang masagana at maligayang pamilya habang buhay.

Sa mga negosyante ang panaginip na malawak na bukirin na punong-puno ng mga hinog na butil ng palay ay tanda ng malaking tubo sa susunod na pakikipagtransaksyon na lalo pang ikauunlad ng inyong kumpanya.

Sa mga simpleng empleyado at empleyada ang panaginip na malawak na bukirin na punong-puno ng hinog na butil ng mga palay ay tanda na umento o dagdag na sahod na ipagkakaloob ng inyong kumpanya ng hindi ninyo inaasahan.

Sa mga estudyante ang panaginip na malawak na bukirin na punong-puno ng mga hinog na butil ng palay ay tanda na matatapos mo ang iyong kurso o pag-aaral, magtatamo ka ng matataas na pagkilala, at sa iyong career sa panahong nagtatrabaho ka na magiging successful ka at maligaya.

Sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon sinasabing dahil sa  “palay” nanggagaling ang “bigas” na siyang pangunahing kinakain ng mga taga-Asya, kapag ikaw ay nanaginip nito, ito ay tanda ng kasaganahan at mga pagpapalang materyal.

Kung “butil naman ng palay” ang napanaginipan ito ay tanda ng isang bagong simula na ang bagong simula na ito ay mamumunga ng magagandang kapalaran sa hinharap. Kaya kung anuman ang nais mong simulang proyekto at nakapanaginip ka ng “mga hinog na butil ng palay” mas maganda kung simulan mo na agad at siguradong magtatagumpay ka. At dahil ang pinanggagalingan ng bigas ay ang palay na siya namang sinasabog sa mga bagong kasal, kaya ang panaginip na palay at bigas ay napapahiwatig din ng isang masaganang kasalan na mauuwi sa isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Kaya, kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyon inilahad na sa itaas, Juliet, lumilinaw na ngayon ang kahulugan ng panaginip mong: Nanaginip po ako na nagpasyal daw kaming magkakapatid sa isang malawak  na bukirin. Panahon daw yon ng gapasan kaya maraming mga tao sa bukid na gumagapas ng palay. Pinuntahan daw namin ang pinakagitnang bukid at doon daw kami gumapas ng palay na mga hinog na nakulay ginto.” Ibig sabihin “kayong magkakapatid sa kasalukuyan ay nasa “tamang edad na upang maghanap-buhay at mag-establish ng inyo-inyong career” at nagkataong sama-sama o sabay-sabay kayong pumunta sa bukid upang gumapas, ibig sabihin, sa kasalukuyan pare-pareho na kayong may “stable job” o magaganda na ang hanap-buhay ninyong magkakapatid.

Kaya lang kapag tinuloy na natin ang iyong panaginip mapapansin ang ganitong senaryo, “Tapos isa-isa raw umalis ang mga kasama ko, bale tatlo kaming magkapatid, ako lang daw ang naiwan na gumagapas ng palay. Hindi ko alam kung saan sila pumunta.” Ibig sabihin,“iiwanan ka ng mga kapatid mo sa kasaluyan mong career o sabihin na nating makakaramdam ka ng pag-iisa, o pansamantalang pagkawalay sa kanila.” Pero higit ka namang mas magiging masagana at mapalad kung ikukumpara sa mga umalis mong kapatid.

At sa sandaling itinuloy pa natin ang iyong panaginip mas makukumpirma na higit ka ngang papalarin o susuwertehin kaysa sa iyong mga kapatid. Ituloy na natin ang iyong panaginip: “Tapos pag balik daw nila, nagulat sila dahil ang mga palay na nagapas ko ay naging bigas na daw na puwede ng isaing. Takang-taka sila kung paano nangyari yon, tapos nagising ka na!”

Ibig sabihin kapag muli kayong nagkita-kita ng iyong mga kapatid o sabihin na nating nagkakaroon kayo ng “family reunion” magugulat ang mga kapatid mo, dahil higit kang maunlad at mas mayaman sa kanila, na hindi sila mapaniwalaan, kung paano mo nagawa iyon?

Pero tapos na ang kuwento, tapos na ang iyong panaginip, nagising ka na. Kaya wala ng magagawa ang mga kapatid mo, “dahil nagawa mong gawing bigas ang mga butil ng palay” na nangangahulugang nagawa mong higit na umunlad, higit na yumaman at nagawa mong magkaroon ng mas masagana at mas maligayang pamumuhay ng higit sa sa kanila, wala na silang magagawa, habang buhay kang titingalain at hahangaan ng iyong mga kapatid.”

1 COMMENT

  1. Nanaginip po ako ng dunadaan po ako sa isang pababang kalsada tapos po sa kaliwa ko po at may palayan na malapit ng nahinog ang mga bunga na napakaganda,tapos po sa kanan naman po at karagatan. Ano po ba ang ibig sabihin into. Maraming salamat po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here