Ang kahulugan ng kulay berdeng ahas

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 153

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Merasol tungkol sa kulay berdeng ahas na tumuklaw sa kanyang paa.

Dear Maestro,

Isa po akong OFW dito sa Jordan. Nanaginip po ako ng ahas na kulay green. Ganito po yon, habang masaya akong naglalakad biglang lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang ahas na kulay green. Tapos binanggit ko po ang salitang “Diyos ko.. Lord!” Bigla itong kumawala at tinuklaw ang hinlalaki ng dailiri ng paa ko. May asawa at isang anak po ako na nasa Pilipinas. At kaya naisipan kong sumangguni sa inyo para matulungan ako sa interpretasyon mo. Salamat po ng marami. 

KASAGUTAN:

Ang iyong panaginip, Merasol, ay nahahawig sa isang imahen ni Mama Mary na makikitang siya ay may tapak-tapak na ahas sa kanyang mga paa, na madalas nating makita sa imahen ni Mama Mary na kung tawagin ay Our Lady of Lourdes.

Sa imahen na Our Lady of Lourdes si Mama Mary ay makikitang may damit na kulay puti, na nakabandana na kulay asul at tulad ng nasabi na, siya ay walang sandals nakayapak at tapak-tapak ng kanyang mga paa ang isang uri ng ahas.

Maitatanong mo ngayon, bakit nga ba may tapak-tapak na ahas si Mama Mary sa nasabing rebulto?

Nangyari, dahil matapos tuksuhin ng ahas si Eba sa paraiso ng Eden at kumain ng mansanas o ng bawal na bunga, nagalit ang Diyos kay Eba at sa ahas, kaya sinumpa ng Diyos ang Ahas at si Eba.

Ganito ang sabi sa Bibliya sa partikular sa Genesis 3:13-15

Nagtanong muna si Yahweh: 

13 “Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.

“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” sagot naman nito.

14 At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas:

“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas;
mula ngayon ikaw ay gagapang,
at ang pagkain mo’y alikabok lamang.
15 Kayo ng babae’y aking pag-aawayin,
binhi mo’t binhi niya’y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”

Ito ang dahilan kung bakit ang ahas sa anumang kalagayan ay itinuturing na “tukso at manlilinlang” na kung hindi ka mag-iingat malamang na ikaw ay mapahamak.

Samantala, Mirasol balikan muna nating muli ang kahulugan ng ahas sa iyong panaginip.

Kung Makalumang Kahulugan o Pang-Tradisyunal ang pagbabatayan ang Ahas sa panaginip bukod sa “tukso o babala ng panlilinlang”ito ay tanda din ng “lihim na kaaway o kaya’y mga taong lihim na naiinggit sa iyo.”

Ibig sabihin, may mga lihim at lantarang naiinggit sa iyo kaya ang ahas ay nagpakita sa iyong panaginip. Mag-ingat ka dahil anumang sandali, mula sa araw ng napanaginipan mo ang ahas, maaari kang tuklawin nito. Ibig sabihin, lalo ka nilang sisiraan at wawasakin.

At muli, dahil ang ahas ay siya ring tumukso kay Eba, tulad ng nasabi na sa itaas, kung kaya’t ang tao ay nagkasala, posibleng ding ang ahas ay nagpapahiwatig ng “tukso” o “babala ng makamundong pagkakasala”.

Kaya nga payo, Merasol, “ingatan mo ang sarili mo sa pakikisalamuha mo sa mga taong kakilala mo at hindi mo kakilala at wag kang masyadong magtitiwala  upang ikaw ay hindi matuksong gumawa ng kaimoralan o paglabag sa kabutihang asal.” 

Samantala, sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology ay ibang-iba naman ang kahulugan. Nangyari, dahil ang ahas ay ang sarili mo ring “instinct” na may kaugnayan sa “sexual drives.” Ito rin ang “libido” na nanahan sa iyong katauhan. Napanaginipan mo ang ahas sa dahilang sa kasalukuyan “may malakas na libog na nagpupumiglas sa iyong inner self.”

Kung ikaw ay isang babae kaya ka nakapanaginip ng ahas, maaaring “fertile” ka sa kasalukuyan, at kung makikipagtalik ay malamang na mabuntis ka.

At dahil sa iyong panaginip ay tinulaw ka ng ahas, alalahanin sumandali ang dati na nating natalakay na ang sinasabi ni Sigmund Freud na ang “ahas” ay “phallic symbol.”  Ibig sabihin, ang ahas mismo ay representasyon ng “penis” ng isang lalaki. Alalahaning pareho ang ginagawa ng “penis at ng ahas” – pumapasok sila sa “butas.” Ibig sabihin, ang iyong panaginip ay babala ng napipintong pakikipagtalik o kaya naman pagpapaligayang may kaugnayan sa damdamin o pang-seksuwal.

Sa madaling salita kung papaniwalaan ang psychologist na si Sigmund Freud na puro kalibugan ang interpretasyon sa lahat ng bagay (libido at sex) ang ahas ay “paghahangad ng unconscious self na makipagtalik.”

Samantala, may iba pang ibig sabihin ang ahas sa kung si Carl Jung ang tatanungin, ayon sa naipaliwanag na nating  “archetype” dating-dati pa sa mga nakaraan nating artikulo na ina-apply na natin ngayon.  Sa mas malalim na representasyon nito, ang ahas sa iyong panaginip ay siya ring ahas na nakapulupot sa mga “medical symbols” tulad ng sa Mercury Drug Store at sa iba pang reseta ng mga doctor na may naka-drawing na “ahas na nakapulupot sa sanga.”

Ang ibig sabihin kasi ng ahas ay “kagalingan”, na kung may iniinda kang karamdaman sa kasalukuyan, sa susunod na mga buwan, lalo na’t tinulaw ka ng ahas, ang iyong karamdaman ay kusa ng gagaling at malulunasan. Ibig sabihin ang “snake” ay siya ring representasyon ng“mysterious and divine healing.”

Ang ahas ay pahimakas din na “malapit ka nang gumaling” o dili nama’y malapit mo ng malunasan, ang mga mabibigat mong problema sa buhay sa kasalukuyan, kaya laging nagpapakita sa iyong panaginip ang ahas.  Isipin mong mabuti, ito ring ahas na ito sa iyong panaginip ay ang ahas na pinagawa kay Moises ni Yahweh na nakasulat sa Biblia na ang sinumang tumingin ay gumagaling. Ibig sabihin, ang ahas sa iyong panaginip ay nangangahulugan ding “internal healing or divine healing” ng iyong kaluluwa.

At ang salitang “galing” hindi lang ibig sabihin nito ay para sa mga may sakit. Bagkus ang “galing” ay totoong kagalingan na sa saktong salin sa English o sa Spanish word ang “galing” ay siya ring “Virtue” o “Bertud” – Agimat kung baga!

Kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong binanggit na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong panaginip, Merasol:  “dahil nakagat ka ng ahas sa iyong panaginip” ito ay babala na  dapat sa ngayon ikaw ay mag-ingat  sa tukso, sa mga gawaing labag sa kabutihang asal at ganon din mag-ingat ka sa mga taong lihim na naiinggit at naiinis sa iyo upang hindi ka mapahamak.”

At siyempre pa dahil ang “ahas sa iyong panaginip ay siya ring ahas na dudurugin ni Mama Mary ang ulo upang hindi na uli to makapanukso” tiyak namang magtatagumpay ka sa kasalukuyan mong buhay, basta tulad ng nasabi na, manatili kang nag-iingat at patuloy na maging madasalin,  upang anuman ang ginagawa mo sa kasalukuyan, ililigtas kang lagi ni Mama Mary sa anumang kapahamakan, upang sa iyong pagbabalik sa ating bansa ay muli kayong magkasamasama  ang inyong masaya at maliayang pamilya habang buhay. 

SHARE
Previous articleAng Probinsyano: Palabas ni Coco, masakit na sa ulo
Next articleBinabawi ng mga anak si labs
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

13 COMMENTS

  1. Rowena Fondavilla

    Ako poy nanaginip ng ahas pinuluputan daw po ang mga anak ko una muna panganay ko sunod padalawa ko at sunod ang bunso kulay itim na sawa habang pinupulutan sila pinapalo ko at lumilipat kapag pinalo pero hindi nmn po nanunuklaw ano kaya po ang ibug sabihin ng panaginip n yan salamat po

  2. hello po. Isa po akong fresh college graduate. Lagi po akong nananaginip ng mga ahas, Laging laman ng panaginipq ahas. Laging ahas. Ung isa ko pong panaginip may berdeng ahas na tumuklaw sa kamayq po at triny ko po siyang tanggalin pero ayaw matanggal. Kaya ang ginawa ko po trinyqng i untog untog ang ahas sa pader hanggang siya ay namatay at meron din pong mga ahas na patay sa palagid. Ano po ibig sabihin nito?

  3. Hello po ako po ay isang ofw at nanaginip po ako ng berdeng ahas sa panginip ko po ay biglang umeksena ang aking kaklase at sya ang tinuklaw ng ahas pero kinuha nya lang ito ng kamay nya na parang hindi sya nasakatan ano po kaya ang ibig sabihin ng aking panaginip maraming salamat po Maestro

  4. Dear Maestro,

    Ako po ay taga pampanga nakapanaginip po ako kagabi ng mga ahas npakarami po nila maestro ung unang una ko pong nakita maestro kulay dilaw na sobrang laki po. Pagkatapos po non eh iba’t ibang kulay na po ang nkita ko at npakrmi po nila maestro may malaki may maliit. Sa panginip ko po nkikita ko na lumalabas ho sila o nanggagaling sa kisame po namin. Pag gising ko po knina takot na takot po ako dahil sa panaginip ko po ay wala na po kami madaanan ng mga ank ko dhil ahas na po ang sa palagid namin at gayun din po ang sa labas ng bahay namin. Kaya wala po akong ibang ngawa sa panaginip ko king hindi sumigaw lang po ng sumigaw maestro. Sana po ay mapansin nyo po itong aking liham. Maraming Salamat Po!

  5. Hello po. Ako po si Abevelle. Nanaginip po ako ng maraming ahas na iba iba ang kulay. Mga 5 Am po ng umaga. May mga maliit pa at ang iba ay mahahaba pero hindi malalaki ang katawan into. Hindi sila nangangagat at hindi ko din sila pinapatay. Sa panaginip ko marami kami-kaibigan at kamag-anak ko. Nagkakatuwaan kami at maraming ahas na nasa paligid lang namin. May yellow, red, stripe, brown, black, white, green na ahas. Pero mas madami po ang white at yellow. Nasa paligid lang namin sila. Sobrang dami po nila pero ni isa sa amin walang pumapatay sa kanila. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko? Sana mabigyan nyo po ako ng kasagutan salamat.

  6. Hello po,ako po si ruby,tga neg.oriental po ako,pwdi po ba sagutin mo nanaginip ako na ahas kulay berde po inaalagaan ko pero gusto nya tatakas hinahabol ko sya hang nakuha ko rin sya sa at inalagay ko sya sa grapon pro gusto nya parin tumakas,maliit na ahas parang hindi ata yon malaki slim but berde po sya.Salamat po

  7. Hi po anu po ibig sabhin ng panaginip ko ahas at palaka then tinuklaw ung palaka parehas po silang berde slamat po

  8. good morning ako po c jayson nanaginip po ako ng gubat hinahabol ko po ang berdeng ahas nung hawakan ko po ang buntot tinuklaw po ako sa mukha umuwi ako sa bahay nmin para gamutin hindi nagdugo kaya sinugatan ko ng blade anu po kahulugan ng aking panaginip?

  9. Good afternoon po nanaginip po ako ng ahas na Malaki na kulay itim hinuli po sya sa panaginip ko ng lalaki at nka hulapos po ang ahas at nkawala ako daw po at tumakbo da tubig na mababaw dahil bka ako daw po at matuklaw.marami.pong tao sa.akingnpaligid..

  10. Goof morining po nanaginip po ako ng ahas kinagat dalawang daliri ko yong pang thumbs up kulay green po na ahas

  11. Ano po ibig sabihin Ng kulay pulang ahas sa panaginip ko?

  12. Ano po ibig sabihin ng taong naging ahas sa panaginip ko?

  13. Ano po ba Ang ibig sabihin ng tao na naging ahas sa panaginip ko?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here