Ang Kahulugan ng Kamatayan sa Tarot

Kapag ang ‘Death’ ang nakita nating lumabas sa tarot card, siguradong kakabahan na tayo. Ang agad kasi nating maiisip ay may kapahamakan na maaaring mangyari sa atin. Well, maaari nga itong isang babala ngunit may iba pang ibig sabihin ang card ng death sapagkat ito ay tumutukoy din sa pagbabago.

Sa pag-ibig, kailangang baguhin mo pakikitungo mo sa’yong partner. Kung nawawalan ka ng oras sa kanya, kailangan mo siyang pag-ukulan ng pansin at panahon. Kung hindi mo kasi ito gagawin, baka mauwi sa wala ang relasyon ninyo. At ang masama pa ay baka ikaw ay kanyang pagtaksilan o maaaring ikaw ay makahanap ng ibang pag-ibig.

Sa trabaho naman ay maaaring nakakaramdam ka na ng pagkasawa kaya mas maigi ng mag-resign ka na lang kung pakiramdam mo ay wala ka ng nakikitang maganda sa’yong trabaho, kailangan mo na talaga ng pagbabago. Mas maigi ng mag-give up ka agad kaysa tuluyan ka ang mawalan ng gana.

Sa usaping pera naman ay  nakatakdang mawala ang pera mo kaya kailangan mong baguhin ang iyong lifestyle. Maging matipid ka kung ayaw mo talagang umabot sa puntong walang-wala ka na.

O, sana naman ay nakuha mong hindi lang ito tumutukoy sa kamatayan kundi sa pagbabagong kailangan mangyari sa;yong buhay. Kaya, huwag mo ring masyadong labanan ang pagbabago na iyon. Ang dapat, alamin mo rin sa sarili mo kung ano ba ang nais mong mangyari sa’yong buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here