Ang kahihinatnan ng taong nangungupit

Miserableng buhay, iyan ang kahihinatnan mo kapag gumawa ka ng kasamaan sa’yong kapwa. Kaya naman sikapin mong maging mabuti palagi lalo na sa’yong pamilya dahil sila ang makakaramay mo sa oras ng kagipitan. Iyon nga lang, may pagkakataon na sila ang una mong ginagawan ng kasamaan.

Hindi naman kasi lahat ng hilingin mo ay maibibigay sayo kaya may pagkakataon na tinatanggihan ka ng mga magulang mo na huwag gumastos nang gumastos. Dapat naman kapag ganito ang sinabi ng iyong mga magulang  ay maging maunawain ka lalo na kung marami kayong magkakapatid. Kaya, bago ka mangupit, mag isip ka muna ng maraming ulit. Hindi lang kasi pera ang kinukuha mo pati na rin ang tiwala ng taong kinukupitan mo.

Maaaring ngayon ay nakakaramdam kang kasiyahan dahil sa nakuha mo ang perang kailangan mo. Nagawa mong makapagliwaliw sa halagang isang libo kaya lang, ano na ang mangyayari kapag naubos na iyang pera na nakuha mo?

Kapag nakasanayan mo na ang pangungupit, makakaramdam ka na ng kasiyahan kaya naman sa susunod,hindi ka na lang sa bahay ninyo mangungupit,pati na rin sa inyong paaralan,opisina at sa mall.Biruin mo,makakakuha ka agad ng gamit na gusto mong di ka naghirap.Kaya nga lang, ano naman ang mangyayari sa’yo kapag nahuli kang nang-uumit. Naisip mo na ba?

Sigurado akong hindi pa. Ang naiisip mo lang naman kasi ngayon ay ang mga bagay na magkakaroon ka kapag ikaw ay nakapang-umit. Hindi mo naiisip pa na pupuwede kang makulong kapag nahuli ka sa mall.Kapag naman sa eskuwelahan,mapapatawag na ang parents mo pupuwede ka pang masuspinde o mapatalsik. Depende sa patakaran ng eskuwelahan. Kung sa opisina naman,baka masuspinde o ma-terminate ka rin. Bukod pa sa mga parusa na ito,haharap ka pa sa matinding kahihiyan.

Ngayon ang tanong,kaya mo ba talaga ang sandamakmak na kahihiyan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here