ANG KAHANGALAN NI TEODORE ROOSEVELT

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Maituturing mapalad na naging presidente ng Estados Unidos ang ika-26 Pangulo nito na si Teodore Roosevelt dahil sa ilang incentives na natamo niya bilang pinuno. Masasabing siya ang unang pangulo noong ika-20 siglo kung saan ay nagsimula ng kaunlaran sa mga imbensiyon. Siya lang naman ang unang pangulo ng US na nakasakay sa automobile, eroplano, at submarine.

Ngunit, ang dakilang pinuno ay pinulaan ng matatanda at ilang shaman sa Panama dahil sa isang kahangalang ginawa umano ni Roosevelt. Ito ay nang ipagawa ni Roosevelt ang 50 milyang haba na Panama Canal. Layun nito na magkaroon ng madaliang ruta ng biyaheng New York papuntang California. Lubha kasing napahirap at matagal ang biyahe kapag umikot ang isang barko sa buong tip ng South America. Ang canal ay naging short cut na naging mahalagang daanan ng barko.

Sinimulang gawin ang canal noong 1904 hanggang 1914 kung saan ay binobomba at hinuhukay ang rainforest at bundok sa Panama. Dahil dito, nakaranas ang libong American workers ng init, baha, at karamdaman (malaria).

Gayunman, natapos ang passage na mag-uugnay sa Atlantic at Pacific oceans. Noong taong1906 ay bumisita ang naturang presidente sa Panama at tiningnan nito ang construction site. Sinabi nitong na ang canal ay isa sa mga dakilang nagawa sa daigdig, kung saan ay itinuring ding itong largest dam at human- made lake sa mundo.

Ginawa at pinapatakbo ng US ang canal sa loob ng 85 taon. At noong ika-31 ng Disyembre 1999, ibinalik sa Panama ang pamamalakad rito. Sa isang panayam sa documentary na World Greatest Structures ng National Geographic ay sinabi ng isang edukado at kapitan ng barkong The U.S.S New Jersey na regular na dumadaan sa naturang canal ay napakahalagang nagawa iyon.

Kahit na siya’y isang Panamian ay sinupla niya ang mga kritikong mga kababayan na yumayakap pa rin sa matandang paniniwala. Ang dahilan kasi ng pangingitngit ng mga ito ay sapagkat sinira ng proyekto ang rainforest na sagrado umanong tinitirhan ng mga sinasamba nilang mga diyoses; na ginagawa nang isang pamayanan doon sapol pa sa nakalipas na 600 taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here