ANG KAHALAGAHANG ESPIRITUWAL NG “SEX” SA ISANG RELASYON

2373

Ayon sa paniniwalang Taoist, laging may dalawang uri ng enerhiya sa mundo na laging magkaagapay. Kabilang rito feminine energy (Yin) at ang masculine energy (Yang); at ang Animus at Anima na nakaugnay naman sa ego ng isang tao.

        Ang mga enerhiyang ito ang isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng koneksiyon ang dalawang tao. Ito ang invisible string na siyang nagtuturo ng daan pabalik sa piling ng bawat isa.

        Kaakibat ng mga inseparable energies na ito ang sexual energy. Ito ang enerhiya na nasa anyo ng isang unexplainable sparkle sa pagitan ng dalawang indibiduwal. Ang sexual energy ay nabubuo sa tulong ng physical attraction at chemistry ng dalawang tao.

        Kabilang ang sexual energy sa mga primal fundamental need ng isang tao tulad ng pagkain at inumin. Ngunit, ang enerhiyang ito ay naghahatid ng fulfillment at lalim sa isang relasyon.  

MGA URI NG AGIMAT AT ANTING-ANTING

Upang maging kaisa mo ang isang tao, dapat ay konektado ang inyong spiritual at intellectual level. Sa dalawang magkarelasyon, pinagkokonekta ng sexual energy ang magkapareha physically, mentally, emotionally, at spiritually. Ito ang paliwanag kung bakit kapag nanlamig na ang isang kapareha ay sinasabing nawawala na ang pagmamahal. Ngunit, huwag kayong maliligaw sa konteksto ng article na ito. Hindi ko sinasabi na ibatay lamang ang pagsasama sa sex. Mayroong mga magkapareha na nagsasama kahit wala nang sex na namamagitan.

Ngunit, sa isang romantic relationship, sangkap talaga ang sex. Ito ang unang hakbang patungo sa mas malalim na koneksiyon at pag-uunawaan ng dalawang indibiduwal.  

        Para sa iba pang kaalamang paranormal at espirituwal, i-like at i-follow lamang ang Facebook page na Pinoy Majica. Patuloy lamang suportahan ang PhilippineOne!

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here