Ang Kabutihan ng Taong Cancer

Kung ikaw ay ipinanganak ng June 21 hanggang July 22, nangangahulugang Cancer ang iyong zodiac sign. At ikaw ay nasa elemento ng tubig kaya marami kang taong naaapektuhan ng iyong kabutihan. Kung hindi mo pa masyadong kilala ang iyong sarili, hayaan mong tulungan kita kung pano mo mas maintindihan ang iyong sarili.

Dahil nga sa nasa elemento ka ng tubig ay marami kang taong nahihikayat sa mga paniniwala mo. Marami ang gustong ikaw ay nakakasama, sa pamilya man, kaibigan at sa opposite sex. Dahil din sa pagiging emosyonal mo ay damang-dama nila ang iyong pagmamahal. Ikaw kasi ang tipo ng tao na hindi nagagawang kimkimin lang ang sinasabi ng iyong puso, maawain ka rin naman kasi at saka tapat kang magmahal.

Iyon nga lang, hindi naman nagtatapos sa mga mabubuting pag-uugali ang asal ng Taong Cancer. Tulad ng iba, mayroon din silang masamangp. Kabilang na rito ‘yung pagiging mapagduda niya. Masyado kasing malawak ang kanyang imahinasyon kaya naman kapag naghinala ka, para ng laging may ginagawang mali sa’yo ang isang tao. Kunsabagay, sa sobra-sobrang pagmamahal na iyong ibinibigay ay hindi talaga maiiwasan na makaramdam ka ng insecurity. Sana nga lang ay mapaglabanan mo ‘yan dahil baka sa sobrang agdududa mo ay talagang mangyari ang iyong hinala.

Mas maigi pang ituon mo na lang muna ang iyong atensyon sa iyong trabaho at pagkaraan ay mag-relax ka. Dahil nga sa mapagmahal ka ay mas nag-enjoy kang may kasamang kumain at magbabad sa tubig kasama ang iyong mga kaibigan. Dahil nga sa maemosyonal kang tao ay ayaw na ayaw mong pinupuna ka ng magulang mo lalo na ng iyong ina at ayaw mo din na ibinubuking ang iyong sikreto.

O, sana sa pamamagitan ng artikulo na ito ay nagawa kitang matulungan para mas makilala mo ang iyong sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here