Ang Kabutihan ng Pilipino sa Kabila ng Krisis Trapiko

Kung tatanungin ang bawat isa sa atin ng kanilang kwentong kalsada, marahil ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang maibabahagi rito. Marahil isa tayo sa mga taong magki-kwento kung ilang oras tayo inabot kakahintay lamang ng bus. O baka naman isa tayo sa mga magkikwento kung paanong ang Quezon City hanggang Makati na byahe natin ay inabot ng tatlong oras? Pwede rin naman na kwento kung paanong nagpaka-spartan ka makasakay lang sa MRT.

Lahat ng mga kwentong ito na araw araw nating nararanasan sa pagco-commute papunta sa trabaho o paaralan ay hindi madali. Ito ay mahirap, nakakapagod, nakakasawa at nakakapanghina.

“Walang krisis sa trapiko”. Iyan ang mga katagang binitawan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ang mga katagang ito mula sa tagapagsalita ng pangulo ang nagpasiklab ng damdamin ng bawat isang netizens na nakakakita ng totoong sitwasyon ng transportation situation dito sa Metro Manila.

Iyan at marami pang mga negatibong sagot ang siguradong maisasagot natin kapag tinanong tayo ng, “kamusta ang commuting experience mo?”

But wait, sabi nga nila sa bawat negatibong sitwasyon, mayroon parin tayong mabuting makikita. Hindi ba’t sa mga matitinding sitwasyon rin sa ating buhay natin nakikilala ang mga taong nariyan upang tumulong?

Patunay rito ang isang positibong kwento na nag viral sa social media kung saan makikita ang isang tatay, isang “habal-habal” driver na nag a-alok ng libreng sakay para sa mga estudyante na manggagaling sa LRT-2 Santolan Station patungong Cubao.

Dagdag pa ni Eulanne Reyes, ang uploader at nagkwento, halos isang oras na siyang naghihintay ng masasakyan ng bigla niyang makita ang “habal-habal” driver na nagbibigay ng libreng sakay. Dahil mali-late na siya sa kanyang examination, sumakay siya at nagsilbing blessing in disguise sa kanyang sitwasyon. Sinubukan niyang mag-abot ng bayad ngunit tumanggi ang driver, sa halip isang panalangin na lamang para sa kanyang anak na may-sakit ang hiningi nito.

Nakakapagod man ang mabuhay sa Metro Manila, para sa akin, makadaragdag ng motibasyon sa atin upang magpatuloy sa buhay ay ang maging mapag-masid.

Ang paglalaan natin ng panahon na habang nahihirapang makasakay, habang nata-traffic sa EDSA ay maghanap hanap ng kwento na magpapakita pa rin sa atin ng tunay na kahulugan ng buhay. Iyan ay ang magsilbing liwanag sa kabila na marami sa atin ay nadidiliman na.

Tulad ni tatay “habal-habal” driver at nang marami pang mga nakilala nating nagpakita ng kabutihan sa sitwasyong tulad nito, tiyak ako na kung lahat tayo ay maglalaan ng pagkakataon na makatulong sa iba, ang “krisis” sa trapikong ito ay magsisilbing turning point upang lumabas ang ating kabutihang pagka-Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here