Ang Iyong mga Pangarap

Maestro Honorio Ong

Tunghayan naman natin ngayon sa Isyu 244 ang panaginip ni Sacha tungkol sa cute na aso na kumagat sa kanya at pagkatapos ay galit na galit na hinabol pa siya upang muling kagatin.

Dear Maestro,

Hi, good morning po! Ano po ba ang kahulugan ng panaginip ko na nakagat daw po ako ng cute na aso. Sobrang galit daw sa akin yon tuta at talagang hinahabol pa ako para makagat uli. Matapos kong makawala sa kagat n’ya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa amin. Twice ko na po siyang napapanaginipan. Please pakibigyan po ng kahulugan ang panaginip kong ito. Iba kasi ang feeling ko sa panaginip kong ito, twice ko kasi siyang napanaginipan.

KASAGUTAN:
Ang aso ay kilala bilang “man’s best friend” kaya kapag ang tuta ay napanaginipan mong maamo at mabait sa iyo, ibig sabihin “marami kang kaibigan na tutulong at magmamahal sa iyo”
Ang kaso at ang naging problema sa iyong panaginip Sacha ay “kinagat ka ng cute na aso” at sabi mo pa nga ay hinahabol ka pa at galit na galit sa iyo.

Ang ibig sabihin ng “cute na aso” ay ang isang kaibigan na “nagmamaganda sa iyo” iyon pala ay may masamang intensyon. Maaaring ang senaryo kapag kaharap ka at mabait siya sa iyo pero kapag nakatalikod ka ay sinisiraan ka niya.

At dahil sa’yong panaginip ay “kinagat ka na ay hinabol ka pa at muli kang kakagatin”, ibig sabihin nito “sobrang laki talaga ng inggit o lihim na inis sa iyo ng taong ito” na sobrang thankful ka dapat, na “ipinakita ng unconscious self mo sa pamamagitan ng iyong panaginip ang mangyayari kaya sa panahong ito ng iyong buhay dapat na lagi kang maging maingat at mapagmatyag.
Kung saan, bakit naman tuta ang nasabing cute? Malamang na ang kaibigang ito ay “bagong dating palamang sa sirkulo ng iyong buhay” at tulad ng nasabi na, nagmamaganda na agad sa simula kaya hindi mo mahahalata na “may masama pala siyang intensyon o balak sa iyo” na nangangahulugang “palihim ka niyang sisiraan na ito rin ang kahulugan ng biglang pagkagat ng nasabing cute na aso.”

Subalit sa kabila ng sisiraan ka ng ilan mong mga kaibigan ng palihim o pa-traydor, napakasuwerte mo pa rin dahil ayon sa iyong panaginip “ay nakawala ka sa kagat ng aso sa tulong ng mga taong nakapaligid sa inyo.”

Ibig sabihin, siraan ka man ng siraan ng palihim o lantaran ng mga kaibigan mo o kasamahan mo sa trabaho na kunwaring nagmamaganda sa iyo, hindi pa rin siya makapananaig, dahil sa bandang huli, hindi naman siya paniniwalaan kung kanino ka man nila sinisiraan, bagkus ang mabuti mo pa ring pagkatao ang paniniwalaan at mananaig.

Kaya sa bandang huli, tiyak na ang mangyari, tulad ng popular at palasak ng kasabihan ang magaganap at mangyayari, sa bandang huli sa iyo pa rin ang huling halakhak at ikaw pa rin ang tatanghaling tagumpay at wagi!”

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

3 COMMENTS

  1. Hi po. magandang gabi po. Gusto ko pong malaman kung ano pong ibig sabihin ng aking panaginip. Pumunta daw po ako sa
    dati ko pong paaralan nung elementarya ako. Pagpasok ko po, nakita ko daw po na may mga taong parang albularyo.( D ko po alam tawag sa tagalog nung mga anok na nagriritwal.) tapos po nag alay daw po sila ng mga hayop. Yung pinakamalapit po sa akin ay ang baboy tapos po may iba pang hayop tulad ng kambing at manok. At po ibig sabihin nun?

  2. hello po. Pa interpret din po.
    Sa panaginip ko ay nag text sa akin ang BF ng kaibigan ko at sabe niya sa text ay meet daw kami sa MEGAMALL. umuwi po ako ng bahay . Yung phone ko po biglang nabagsak at nag white screen ung CP ko kaya hindi ko sya na replyan. Pero kahit white screen po ung LCD ng phone ko, nakikita ko pa rin ATM or the moment na ginagawa niya hanbang nag aantay dun sa SM. Tila baga nag send sya ng picture . Nakita ko po na nag play siya ng violin at sa background nagpalipad sya ng maliliit na pink na baloons na hugis puso tapos naka spell dun ang pangalan ko. Ung name ko nakapaloob din hinugis heart na pink balloons.
    Papunta na raw ako sa bus station pero pinag tataka ko ay hindi daw ako makalakad to the point na gumagapang na ako. May nakita akong mga lalaki sa daan at humingi ako ng tulong. tinulungan nila ako at ung isa ay inangkas ako sa likod nya para makarating dun sa bus station. Pagdating ko sa bus station– maayos na akong nakakalakad. Hindi na pinakita sa dream ko kung anu next nangyari nung magkita kami pero ang alam ko ay nag meet po kami duon..

    pasenysa na po kung mahaba sana masagot nyu po…

  3. Hello po Maestro. Anu po ibigsabihin ng panaginip na araw daw ng birthday ko.. Taz nsa bahay ako ng boss ko paalis daw po mga boss ko taz bago cla umalis may binigay daw po na regalo sakin ung press powder po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here