Ang Inyong Talino Ayon sa Inyong Zodiac Sign

0
903

Latest posts by Madame Yna (see all)

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang talino. Hindi lamang iisa ang basehan nito. May mga tao na matalino sa academics,may matalino sa mga sports,may matalino sa arts, may matalino sa pagdiskarte at may matalinong lohikal. Pero ano nga ba ang angkin nating talino ayon sa ating mga zodiac signs? Narito at ipagpatuloy nyo lang ang pagbabasa.

ARIES,LEO,SAGITTARIUS-

Ang mga zodiac signs na ito ay nag-aangkin ng intuitive intelligence kung saan mas pinapaniwalaan nila ang kanilang pakiramdam kaysa sa pruweba na nasa kanilang harapan. May kakayahan sila na timbangin ang tama at mali sa pamamagitan lamang ng kanilang intuition kaysa sa fact. Malawak ang nagiging pag-intindi at pang-unawa nila sa mga bagay bagay at pangyayari sa ganitong paraan.

TAURUS,VIRGO,CAPRICORN

Ang mga zodiac signs naman na ito ay nagtataglay ng talinong lohikal. Sila yung tipo ng mga tao na palaging may  malinaw na paliwanag. Na ang bawat bagay at pangyayari ay dapat may konkretong dahilan. Kailangan maliwanag ang explanation. May malinaw na ideya. At ang bawat salita ay binibigyan ng eksaktong dahilan. Hindi pwede sa kanila ang baka, siguro o pwede na.

GEMINI,LIBRA,AQUARIUS

Ang mga zodiac signs na ito ang tipo ng mga tao na ang talino ay idealistic at analytical. Mataas ang kanilang kaisipan at malapit na sa perfection. Sila yung tipo na mahilig mag-analisa ng mga bagay at pangyayari. High- mindedness at noble-mindedness. Gusto nila na ang lahat ay ideal. Nasa tamang lugar, sitwasyon at pagkakataon. Naniniwala sila sa kanilang intuition at umaasa sila sa isang romantic love affair ganoon din sa katuparan ng mga pangarap.

CANCER,SCORPIO,PISCES

Ang mga zodiac signs naman na ito ay mapang-unawa subalit emosyonal. Ang katalinuhan nila ay dinadaan nila sa pagiging observant at sensitibo. Mahilig silang tumugon at umintindi sa iba’t-ibang uri ng tao. May malawak silang pang-unawa anuman ang iyong personalidad dahil ito rin ang gusto nilang maging pang-unawa sa kanila. Mataas ang kanilang pagiging  emosyonal na kalimitan ang mga kapwa nila emosyonal lang din ang nakakaintindi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here