ANG HIWAGA NG SOLAR STORM (Part 2): PAANO NAKATUTULONG ANG SOLAR STORM SA ATING TOTAL TRANSFORMATION

201

Sa nakaraang isyu ay aking tinalakay kung ano ang solar storm at paano ito nakakaapekto sa mga tao. Upang mabasa ang article ko tungkol dito, i-click ang link: https://philippineone.com/ang-hiwaga-ng-solar-storm-part-1/

         Itinuturo sa Science na ang human body at lahat ng internal organs ay binubuo ng milyong cells o selyula. Ang solar storm ay nag-i-emit ng napakalas ng enerhiya na kayang mag-reactivate at mag-rejuvinate ng lahat ng cells sa iyong katawan.

         Samakatuwid, kayang baguhin ng solar storm ang composition ng cells sa iyong katawan. Categorically speaking, ang solar storm ay nagdudulot ng total transformation sa iyong pagkatao, kung paano binabago ng cocoon ang isang moth hanggang sa ito ay maging isang ganap na paruparo. Ito ang tinatawag na metamorphosis.

         Kung ang iyong electromagnetic field (aura) ay mahina, low emotional frequency lamang din ang masasaganap ng iyong subconscious. Pinapahina ng mga negative thoughts at emotion tulad ng lungkot, galit, pagkamuhi, panlulumo, selos, inggit, at hangups ang electromagnetic field. Lahat ng iyong emosyon ay naka-record o naka-embed sa iyong cellular memories.

Ngunit, kung sasalubungin mo ang solar storm nang may positibong disposisyon, asahan mong itataas nito ang iyong vibration. I-attract nito ang positive energy ng universe. Mapapasaiyo ang kagalingan at pag-asa sa buhay.

******

ANG KAHALAGAHAN NG ARAW (SUN) SA ATING SPIRITUAL LIFE

         Itinuturing ang Araw bilang pinakamakapangyarihang cosmic body na may kaugnayan sa ating spiritual life. May kakayahan ang araw na baguhin ang pananaw mo sa buhay at pagtingin sa realidad.

Ang araw ay nasa sentro ng ating solar system at nagtataglay ng napakalakas na gravitational force na siyang dahilan kung bakit nananatili sa kanilang orbit ang eight known real planets (Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune), pati na rin ang iba pang celestial bodies tulad ng asteroids, comets, moons, at iba pa. Ang Araw ang siyang pangunahing dahilan kung bakit umiiral ang buhay sa Earth. Ang sunlight ay nagbibigay ng energetic charge sa lahat ng living at nonliving entities sa Earth.

Sa susunod na isyu ay aking tatalakayin ang ilang tips upang maiwasan ang intense effect ng solar storm.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here