ANG HIWAGA NG SOLAR STORM (PART 1)

278

Lahat ng bagay sa universe ay makakaugnay at magkakasanga. Ito ay maihahalintulad sa isang intricate spider web. Lahat ay pinag-uugnay ng invisible cord na dinadaluyan ng electronic currents. Dito rin nagaganap ang palitan ng frequencies. Ang sistemang ito ng universe ay makikita sa technology, weather, temperature, planetary activity, moon phases, eclipses, altitudes, sunlight energy, at dito nga sa solar o geomagnetic storms.

        Nagsisimula ang solar storm sa sandaling magbuga ang Araw ng high-speed solar wind o hot plasma mula sa coronal hole opening nito.  Lumilikha ng geomagnetic storm ang solar wind sa sandaling ito ay makarating sa atmosphere ng Earth. Ito ay kadalasang tumagal ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang solar storm ay nakikita sa Earth sa anyo ng mga makukulay na light emissions. Ito ang tinatawag na Auroras, na karaniwang nakikita lamang sa North at South poles.

*******

PAANO NAKAKAAPEKTO SA TAO ANG SOLAR STORM?

        Ang highly-charged wind plasma mula sa coronal hole ng Araw ay nagtataglay ng mga free-floating electrons. Ito ay nagri-radiate sa Earth at nakapapasok sa Earth’s magnetic field dahil ito ay sumasama sa liwanag ng araw o sunlight. Ang solar wind ay nagdudulot ng power grid fluctuations, navigation systems disruption, high-frequency radio waves disruption, at posible ring makapagdulot ng pinsala sa anumang man-made satellites na  nag-o-orbit sa Earth.

Ngunit bukod sa technical disruptions, ang solar wind ay may impact rin sa mga mammals—kabilang rito ang mga tao. Ayon sa ilang pananaliksik, ang geomagnetic storms ay may malaki at derektang epekto sa emotional, mental, spiritual, at physical health ng bawat tao.  Pinapaigting rin nito ang anxiety, depression, fatigue, nervousness, at bipolar disorder.

Narito pa ang ilang bagay na iyong mararanasan sa kasagsagan ng solar storm. Maging handa ka.

1.     Pressure headaches, pananakit ng mga kasukasuan o joints, partikular sa stomach area kung nasaan ang solar plexus chakra.

2.     Pagkahilo.

3.     Kawalan ng focus, confusion, pagiging makakalimutin.

4.     Labis na pagkagutom at pagka-uhaw.

5.     Labis na pagkahapo, pagkapagod, kawalan ng lakas o enerhiya, hindi pagkatulog o insomnia, pagkagising ng wala sa oras o disturbed sleep patterns, at pagkakaroon ng mga intense dreams o nightmares.

6.     Pagiging irritable, magagalitin, labis na pag-aalala, stress, anxiety, panic, at matinding kalungkutan.

7.     Pagkakaroon ng malakas na intuition.

8.     Ear ringing, flu-like symptoms.

9.     Pagkapansin ng mga synchronicities tulad ng number patterns, at palagiang déjà vu encounters.

10.   Kagustuhang mapag-isa.         Napatunayan na sa ilang scientific experiment na nagagawang ma-sense ng mga hayop ang pagbabagong nagaganap sa magnetic field ng mundo. Ang tao at Earth ay kapuwa nagtataglay ng magnetic field. Sa tao, ito ay mas kilala sa tawag na aura.  Anumang pagbabago sa magnetic field ng mundo ay tiyak na may epekto sa electromagnetic field ng isang tao.    

Sa susunod na isyu ay tatalakayin kung paano nakatutulong ang solar storm sa total transformation ng isang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here