Ang Hindi Mapait na Benepisyo Mula sa Ampalaya

0
129

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Kapag nakita natin si nanay na nagluluto ng ampalaya ay napapangiwi na tayo. Alam naman kasi natin na mapait ang lasa nito. Ang ginagawa lang ni nanay dati para mawala ang pait ay nilalamas ito sa asin habang nakababad sa maligamgam na tubig. Gayunpaman ay ayaw na ayaw ko pa rin ng ampalaya noong maliit ako. Pero nung lumaki na’ko at ako na mismo ang nagluluto nito, unti-unti ay nagugustuhan ko na ang lasa ng Ampalaya. Marami kasi akong natutunan na recipe nito at syempre pa ginagawa ko pa rin ang style ni nanay noon sa pagluluto ng ampalaya para mawala ang pait. Iba’t-iba ang lutong natutunan ko gaya ng Ginisang Ampalaya with egg, with shrimp, with tokwa, with pork, with sotanghon at ang paboritong kong luto ay ang Ampalaya with alamang. Nasubukan ko na ring itorta ang ampalaya. Wala akong masabi sa lasa dahil napakasarap talaga!

Bukod sa nagustuhan kong lasa nito ay natuklasan ko rin ang maraming benepisyo na maibibigay ng ampalaya. Ginagamit ito bilang alternative herbal para sa problema sa atay, sa diabetes, sa asthma, maging sa HIV, nakakapagpalinaw din ito ng mata, at marami pang iba. Ito ay sa kadahilanan na ang Ampalaya ay nagtataglay ng Vitamins B1, B2, AT B3, C, Magnesium, Folic acid, Zinc, Phosphorus, Manganese, at mataas na dietary fiber, mayaman din ito sa iron, nagtataglay ng dalawang ulit ng beta-carotene ng broccoli, dalawang ulit ng calcium ng spinach, at dalawang ulit din ng potassium na nakukuha sa saging.

Hindi mapait ang mga benepisyo na makukuha natin sa Ampalaya kaya makabubuting kumain tayo nito. Sikapin din natin na mapakain natin nito ang ating mga anak dahil napakaraming sustansya ang mapapala nila dito. Kailangan ito ng ating katawan upang malabanan natin ang panganib ng mga nakaambang sakit.

SHARE
Previous articleBeauty Magic Rituals
Next articlePALMISTRY 196: Paraan para magkaroon ng masayang marriage life
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here