ANG HIDDEN AGENDA NI MARLENE DIETRICH KAY HITLER

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Si Marlene Dietrich ay isa lamang sa mga bituin sa pinilakang-tabing (cinema) na naging world’s highest-paid filmstar. Naging bantog ang naturang babae dahil sa kanyang husky-voiced sexual allure. Sa tunay na buhay, maraming naitatagong lihim ang aktres na nagbigay sa kanya ng misteryosong pagkatao. Ika ng ibang nakaaalam sa kanyang pagkatao, si Dietrich ay sinasabing ‘Real life poison Ivy’. Bakit nga ba tinawag siyang ganun?

Sa kasagsagan ng kanyang karera, ilan sa mga kalalakihan sa Hollywood ang naakit sa kanyang alindog. Ang mga pamosong mga aktor ng kanilang kapanahunan gaya nina John Wayne at James Stewart ay sinasabing naangkin umano ang alindog ni Marlene noong tag-araw ng taong 1936.

Ang kanyang naging nobyong si Douglas Fairbanks Jr. ay malapit na kaibigan ng Royal Family. Dahil kay Fairbanks, nalaman ni Marlene ang mga plano ni King Edward VIII na nagbitiw sa trono upang mapakasalan ang Amerikanang si Wallis Simpson.

Dahil dito, nabuo ang plano ng aktres na akitin si King Edward upang ipamukha kay Wallis na hindi lamang ito ang natatanging babae sa mundo, batay na rin sa pahayag ni Fairbanks. Nabuo ito nang ang 35-anyos na babae noon ay nasa kanyang suite sa Claridge. Sinabi umano sa kanya ni King Edward na kakalimutan nito si Wallis. Naligo umano ang kelot at nagbuhos ng pabango. Upang matukso umano ang lalaki, hinubad niya ang kanyang mga kasuotan.

Ang katotohanan, nadulas si Dietrich sa kanyang binabalak dahil ang kanyang pinagwikaan ay hindi mismong si King Edward VIII. Kundi, si Douglas na kanyang kalaguyo noon. Ayon sa bebot, kinakailangang gawin iyon para sa Inglatera na kapwa bayan nilang iniibig. Kinakailangan umanong may magsakripisyo para roon.

Ayon sa pinakabagong tala tungkol sa kanyang talaarawan, ginagamit ni Marlene ang kanyang kakaibang alindog upang baguhin ang daan o landscape ng kasaysayan. Ang kanyang makulay na buhay pag-ibig ay umakit kay John F. Kennedy at sa tatay nito. Maging ang asasinasyon sa Nazi Lider na si Adolf Hitler ay kanya ring binalak.

Si Marlene ay sinasabing makabagong babae ng kanyang henerasyon. Malaya siyang gawin ang lahat at nagtatampisaw sa tawag ng laman. Gayunman,inamin niyang pangit ang kanyang mga binti at iyon ang kanyang kapintasan. Samakatuwid, sinasabi ng mga kritiko na siya ay isang respetadong pakawala o prostitute.

Isinilang siya noog taong 1901 sa Berlin at anak ni Louis Dietrich na isang lieutenant sa Royal Prussian Police. Ang kanyang ina ay si Josephine na nagmula sa pamilya na nagpapatakbo ng isang kilalang department store sa naturang siyudad.

Una nang na-inlove sa kanyang kagandahan ang isang babae na mas matanda sa kanya sa pinapasukang eskuwelahan. Kalaunan, nagtrabaho siya bilang stage at film actress sa Decadent Twenties sa Berlin at nagkaroon ng kaugnayan sa director na si Rudi Sieber. Sinabi noon ni Marlene na ito na ang kanyang soul mate.

Nagpakasal ang dalawa noong Mayo taong 1923 at naging anak niya sa lalaki si Maria. Nang sumunod na taon (1924), nagkasundo ang dalawa na makisama sa iba  upang tamasahin ang open relationship. Pinayagan ni Marlene si Rudi na magkaroon ng kaugnayan sa Russian aktres na si Tamara Matul.

Ang kanilang kasunduan ay bahagi ng practical arrangement. Noong taong 1930, ang kanyang tagumpay sa pelikulang The Blue Angel ay nagbigay sa kanya ng bagong katawagan bilang new international sex symbol sa Hollywood. Iniwan niya ang kanyang anak na si Maria sa pangangalaga nina Rudi at ng kabit nitong si Tamara.

Kahit na magkahiwalay silang namuhay ni Rudi, sumusulat si Marlene at sinasabi sa lalaki na nagkaroon siya ng kaugnayan sa ibang lalaki at detalyado rin kung papaano ito nangyari. Ayon sa sulat, pakikisama lang ang ginagawa ng bebot at si Rudi pa rin ang kanyang pinaka-iniibig. Kaya, walang dapat pagselosan ang asawa. Maraming beses nagsulatan ang dalawa. Sinabi rin sa sulat ni Marlene na nagkaroon siya ng kaugnayan sa dalawang former lovers ni Greta Garbo.

Isa sa mga ito ay si Mercedes de Acosta na isang tibo na kilala sa kanyang gawi ng pagsuot ng mannish trouser at naval style tricorn hat at cape. Ang isa naman ay ang kelot na si John Gilbert na kilala bilang ‘The Great Lover of the Silent Screen’. Ang kanyang 2 taong relasyon kay Gilbert ay nagwakas noong ito’y mamatay dahil sa atake sa puso noong Enero 1936. Ngunit, madali ring nakapag-move-on si Marlene. Hanggang sa magkakilala  sila ni  Douglas Fairbanks Jr.

Walong taon ang tanda ng babae sa kelot at ayon kay Douglas, kakatwa sa pagtulog ang aktres at halos sa lahat ng bagay. Noong mga panahong sila’y nagsasama, hindi nalingid sa aktres ang pagtanyag ng Nazism sa kanyang homeland. Inakusahan siya ng mga ito bilang taksil sa bayan dahil sa ayaw niyang bumalik sa Alemanya. Sa halip, gumagawa pa rin siya ng mga pelikula sa state-run UFA studios na siyang great propaganda para sa Third Reich.

Ayon kay Fairbanks, sinabihan siya ng aktres sa kakatwang plano nito. Gagawa umano siya ng pelikula sa Germany sa isang kondisyon na makakasama niya si Hitler sa isang okasyon. Sa gayun, magkakaroon siya ng pagkakataong patayin ang Nazi Leader.

I would gush over how I feel about him, intimating that I am desperately in love with him. I’ve heard Hitler likes me and I’m certain he would agree.’ pahayag ni Marlene kay Fairbanks. At ang nasa Alemanya na siya ay binalak niyang magkaroon ng pagkakataong makatungo sa balwarte ni Hitler. Pupunta siya sa silid nito at naisipang hubo’t-hubad kung maaari.

Ang problema lang niya ay kung papaano ilulusot ang murder weapon upang patayin si Hitler. Sinabi niyang isang hairpin na may lason na lang ang gagamitin. Sinabi niya kay Fairbanks ang balaking ito ngunit walang naisagot ang kelot. Ayon sa kelot, desidido umano si marlene na kitlin ang buhay ni Hitler sa kanyang mga kamay.

Noong magwakas ang kanilang pagsasama noong taong 1938, sinabi ni Fairbanks na napagod na sa kanya’t nagsawa ang aktres. Kalaunan, nagbantang isisiwalat ng kelot ang plano ng aktres ngunit dahil sa alok na muli niyang matitikman ang alindog ni Marlene ay hindi muna niya ipinahayag sa kinauukulan. Sa kasagsagan ng World War II, naglaho na rin ang balak ni Marlene na patayin si Hitler dahil nagbalik siya sa Estados Unidos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here