Ang Ganti sa Nangutang

May mga taong naakadali lamang magsabi ng ‘pautang’ pero hindi naman nagbabayad. Kung minsan nga ay sila pa ang mataray at galit. Nauunawaan mo naman sana kung maayos na makikiusap kaya lang may agkakataon na sila pa ang highblood at ikaw pa itong mapapahiya.

So, ano ang dapat gawin? Mas makabubuting tumahimik na lang kung alam mo namang walang ibabayad sa’yo. Mas maigi na iyon kaysa naman magkagulo a at may mapahamak.Hindi mo rin naman siguro gustong dahil sa kakarampot na pera ay titigil ang paghinga mo, hindi ba. May mga tao kasing sila na ang may atraso pero sila pa ang malakas ang loob na manakit at pumatay.

Iyon nga lang, may mga tao rin namang hindi mo alam na may kakayahan ding magbigay ng nakakaririmarim na sumpa na maaaring magbigay sa’yo ng taong nagagalit sa’yo. Kaya, huwag kang ngumisi riyan kapag sinabi niya sa’yo, bigay na lang niya sa’yo ang utang mong ayaw mo namang bayaran. Ibig kasi niyang sabihin kaya siya nagbibigay ay dahil iyon na ang abuloy niya sa’yo.

Hindi ko naman sinasabi ang mga ito para takutin ka lang pero dapat ka talagang matakot dahil ang galit ng isang tao sa’yo ang sapat ng dahilan para ikaw o ang iyong kapamilya ay mapapahamak. Hindi lang naman kasi sa’yo direktang ibibigay ang kanyang ‘abuloy’ pati na rin sa isang miyembro ng iyong kapamilya.

Sa isip kasi ng taong pinagkakautangan mo ay mas makakaganti siya kung makikita niya ang iyong pagdurusa. Kaya, talagang mas epektibo sa kanya kung ang kanyang susumpain ay ang taong mahalaga sa’yong buhay.  O, gugustuhin mo a bang mamatayan kaysa magbayad ka ng utang?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here