ANG ‘FLORIDA’S SKYFALL’

May isang kakatwang phenomenon noon na nangyari sa tinaguriang “The Sunshine State” na hindi malilimutan ng mga taga-Miami sa Florida. Ito ay ang “Florida’s Skyfall”, kung saan kakatwang may bumabagsak na iba’t-bang bagay mula sa himpapawid.

Ang ilang serye ng mga naganap sa nasabing skyfall ay nasaksihan ng mga tao noong February 1958, nang bumagsak mula sa himpapawid ang kumikinang na bagay na inakala nilang isang kometa. Ito ay bumagsak at kalaunan ay natunaw na tinawag nilang “Glob”. Kung kaya, nabatid nila kalaunan na hindi pala kometa ang bumagsak.

Isa pang kakatwang bumagsak mula sa himpapawid na kasama sa listahan ng Florida’s Skyfall ay ang pagbagsak o umulan ng itlog. Ito ay naganap sa Orlando noong May 1959 na kung saan ang mga itlog na bumagsak sa lupa ay nagyeyelo o frozen eggs.

Noong September 3, 1969, ginulantang na naman ang mga tao nang umulan ng golf balls sa Punta Gorda. Ayon kay Charles Carison, na siyang kumalap o nag-akda ng “Florida’s Strange Stories”, mga daan o libong bola ng golf ang bumagsak. Pagkalipas ng dalawang taon, malansang bagay naman ang bumagsak sa Port Richey nang umulan ng libo-libong isda noong September 1971.

Ipinagtataka ng mga tao roon kung papaanong umulan ng isda gayung wala namang bagyo o ipu-ipo na magtatangay sa mga isda sa himpapawid— kapag dumaan ito sa dagat. Kung kaya, tinawag ito ng mga taga-Florida na “The Most Smelly of Weird Skyfalls”.

Sa paglipas ng ilang taon, sa halip na magulat at mahintakutan sa mga kakatwang nangyayari, nasanay na ang mga taga-Florida sa pag-ulan ng mga kakatwang bagay. Nariyang kinasasabikan pa nila kung kailan uli ito mangyayari.

Noong September 1978, isang kakatwang bagay ang nangyari noong summer nang umulan na ikinagulat ng mga residente sa Lake Worth. Bagama’t umulan ng yelo ay tila hinulma ito ng kalikasan dahil ice cubes ang bumagsak kumpara sa niyebe o snow.

Ayon sa kinakatawan ng Weather Department doon, walang kakatwa sa pag-ulan ng yelo o niyebre tuwing tag-araw dahil natural na phenomenon iyon. Ngunit, ang pagbagsak ng maliliit na ice cubes na magkakasukat, iyon ang kakatwa at kanilang ipinagtataka.

Dahil sa ilang serye ng kakatwang pagbagsak pag-ulan ng iba’t-ibang bagay, nagbiro ang mga residente sa Florida na sana ay umulan ng pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here