Ang Filipina Horoscope, Setyembre 22, 2020

ARIES

(March 21 – April 19) Ikaw ay masyadong nagpupursigi at nagpipilit na maabot at mapamangha ang mga tao sa iyong paligid. Maganda naman na alam ng iyong mga kaibigan at pamilya na ikaw ay magaling ngunit kung ayaw mong gawin ang bagay na nais nilang ipagawa sa iyo ay kailangan mong tumanggi   

TAURUS

(April 20 – May 20)  May isang mahalagang desisyon ang gagawin mo sa susunod na dalawang araw, magiingat ka sa susunod mong kilos. Narito ang katanungan ko para sa iyo: kailangan mo pa nga bang gumawa ng marami pang hakbang? 

GEMINI

(May 21 – June 20)  Ang bagay na pumipigik sa iyo ay takot na hindi makilala. Kaya kung may kaibigan o kamag-anak na nagyaya sa iyo na pumunta muna sa isang lugar para magsaya ay huwag mo na pag-isipan ito at sumama upang magkaroon ka ng kasiyahan     

CANCER

(June 21 – July 22)  Kung bukas ang iyong isip tungkol sa ilang tao na lumalapit sa iyo ay magiging maganda ang iyong imahe. Maging bukas dahil alam mong naging mabuti din sa iyo ang mundo. Maging mabait ngunit huwag magpaabuso.   

LEO

(July 23 – August 22)  Kahit gaano ka pa kahinhin gumawa ng plano sa kung ano ang gahawin mo sa susunod na linggo ay may mangyayari na gugulo sa iyong plano. Maging kalmado at mag-isip ng mas mabuting paraan dahil alam mong lahat ay may solusyon. 

VIRGO

(August 23 – September 22)  Ninanais mo na makuha ang isang bagay na espesyal ngunit habang ang Araw ay tinatapos ang kanyang paglalakbay sa pinaka sensitibong parte ng iyong chart ay kailangan mo muna maging kalmado. At kung muling pumasok ang Araw sa iyong sign ay magkakaroon ka ng oras upang magningning muli.   

LIBRA

(September 23 – October 22)  Ikaw ay maaring wala sa wisyo upang tumanggap ng payo mula sa kaibigan o kamag-anak dahil para sa iyo ay paraan ito ng pag-amin na ikaw ay dumadaan sa maling direksyon. Huwag maging sensitibo masyado at tanggapin ang iyong mga pagkakamali.

SCORPIO

(October 23 – November 21) Ang bagay na ninanais mo sa matagal na panahon ay maibibigay sa iyo na walang kahit ano mang salita na itatanong sa iyo sa susunod na mga araw. Maaring magtaka ka dahil sa biglaang pagdating nito ngunit baka dahil lang ito sa tinataglay mong swerte?

SAGITTARIUS

(November 22-December 21) Magiging maeffort ka sa susunod na araw. Kakailanganin mong magtrabaho at gumawa ng walang tigil hindi ka magrereklamo. Gawin mo at habulin ang bagay na nais mong ginagawa.

CAPRICORN

(December 22 – January 19)  Lahat ng bagay ay posible ngunjt kailangan mong isipin kung makakabuti nga ba ito. Oo nga at mapagpursigi ka sa iyong mga plano ngunit paano naman ang mga pangmatagalang plano na kailangan mong gawin?

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Hindi mo nais na pumangalawa dahil gusto mo ikaw ang nauuna ngunit ngayong taon kakailanganin mong makipagtulungan sa iyong kaibigan upang makamit ang ninanais mo..

PISCES

(February 19 – March 20)  Ang mga planong ginawa mo netong mga nakaraan ay kailangan munang ma pause o matigil pansalamantala lamang naman. Kailangan mo ng mas magkaroon ng kontrol ukol sa iyong mga kinikilos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here