Ang Filipina Horoscope, Marso 23, 2021

210

ARIES

(March 21 – April 19) Maaring ayaw mo munang pagusapan ang mga bagay bagay patungkol sa inyong problema sa pamilya. Maaring mahirap para sa iyo ito ngunit maganda ng makinig ka at pagusapan mo ang bagay na ito. Pagkatapos ay mag focus ka naman sa iyong sarili at gawin ang mga bagay na nais mong gawin upang maging masaya ka.

TAURUS

(April 20 – May 20)  Tingnan mong mabuti ang lahat ng sasabihin mo pati na sa mga text at tingnan mo ring mabuti kung tama ba ang taong pagsesendan mo nito dahil ang pinaka ayaw mong mangyari ay pagiging magastos o maling paggamit ng pera.

GEMINI

(May 21 – June 20)  Ang pagbabago ng paraan kung paano ka gumastos at magipon ay kailngan mong gawin. Maging matalino ka sa paggamit ng iyong pera at huwag mong hayaan na maghirap ka dahil sa iyong

CANCER

(June 21 – July 22)  Ayos lang naman na ibahagi mo ang iyong iniisip at nararamdaman patungkol sa isang bagay sa isang tao ngunit pagkakatandaan mo na ang kaibigan ngayon ay maaring maging kaaway bukas kaya naman kailangan mong magingat sa iyong mga ibababahagi at sa taong pagsasabihan mo ng iyong mga problema. Maging maingat ngunit huwag layuan ang mga tao sa iyong paligid.

LEO

(July 23 – August 22)  Maging mapili ka sa kung sino ang pagsasabihan mo ng mga bagaybagay. Huwag kang magsasabi ng mga bagay na personal sa iyong katrabaho, kapit bahay o sa kakilala na hindi mo ganoon kakilala. Kailangan mong kilalanin ang mga tao sa paligid mo dahil mayisang ahas na nagaabang sa iyo ngayon.

VIRGO

(August 23 – September 22) Huwag kang magdalawang isip pa sa iyong sasabihin. Ngunit maging maingat ka sa pagsasabi nito dahil maaring hindi ka maintindihan ng tao kung nagbibiro ka ba o seryoso. Kung tinanong ka nila ay maging magalang at huwag na huwag kang magagalit.

LIBRA

(September 23 – October 22)  Ang pagbuo ng matibay na pundasyon ay nagsisimula sa iyo. Kahit na ang pamilya mo ay hindi ganoon ka suportado, kaya mo itong gawin sa pagiging komportable na gawin ang mga bagay bagay kasama ang iyong sarili. Simulan sa pamamagitan ng pagputol sa mga kritisismo sa sarili. Kaysa pansinin ang iyong mga pagkakamali, pansinin mo ang Iyong mga narating. Bigyan ang iyong sarili ng regalo dahil malayo ang iyong narating. Maging masaya sa kung ano ang iyong naabot.

SCORPIO

(October 23 – November 21) Ang pagsubok na ilipat ang mga tao sa iyong point of view ay maaring walang kwentang gawin. Mas magiging maganda sa pakiramdam ang pagpapaganda sa iyong sariling ideya habang pinapalibutan ka ng ibang tao na ibinabahagi ito. Ang pagsali sa grupo na may kaparehas na pag-iisip ay maaring maging masaya para sa iyo. Maaring makabuo kayo ng negosyo magkasama at ito ay may malaking posibilidad na gumanda dahil sa parehas ninyong pag-iisip sa mga ideya.

SAGITTARIUS

Ito ang pinaka maganda oras para tumigil na umakto na parang responsibilidad mo ang kasiyahan ng ibang tao. Ang paggastos sa bawat segundo ng iyong oras at pera ay maaring mapunta sa iyong mga nearest and dearest kaya maghanap ng oras para sa iyong sarili. Maging focus sa iyong tinatahak na daan upang maalagaan mo ang Iyong sarili at mga mahal sa buhay habang pinapasaya mo ang iyong sarili.

CAPRICORN

(December 22 – January 19)  Ang pag-aayos ng iyong ugali ay tutulungan ka upang makuha nag iyong gusto sa ibang tao ng walang kasamang pag pilit. Ang iyong pamilya ay maaring umaakto ng hindi naaayon sa iyong gusto ngayon ngunit kaysa magsabi ng hindi magagandang salita ay baguhin ang iyong paglapit. Tanungin mo sila kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang ugaling ipinapakita nila sa iyo, ang sagot nila ay maaaring magpagulat sa iyo. Sa pagtatrabaho ng magkasama, mas mapapatibay mo ang sanga ng inyong relasyon. Ang iyong mga kailangan ay maaring iba sa pangangailangan nila kaya kailangan mong mag adjust upang magkasundo kayo. Ang lahat ng tao ay may karapatang mabuhay sa gusto nilang paraan kung paano mabuhay.

.

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Kaibahan sa iyong paniniwala ay mahahawakan mo ang kahit anong problema. Ang isa sa pinaka magandang kalakasan ay ang abilidad na solusyonan ang isang problema gamit ang logic. Kaysa mapunta sa kaguluhan ng isip ay manatiling kalmado ka sa mangyayari upang mabilis mong maisip ang maaring solusyon sa mga bagay. Ang paglipat ng iyong atensyon sa iyong sarili at tanungin ang iyong spiritual side kung ano ang pinaka magandang daan upang solusyonan ang problema. Kailangan na mag focus sa lahat ng iyong ginagawa upang mas madali mo maisip ang daan upang matapos ito.

PISCES

(February 19 – March 20)  Kahit na ikaw ay nakakaramdam ng malalim na pagnanais sa affection ngayon, sa hindi inaasahan ay ang mga kaibigan at pamilya mo ay wala sa posisyon para ibigay ito sayo ngayon. Ang pag galit sa kanila ay maaring magpalala sa sitwasyon kaya bigyan nalang ang iyong sarili ng atensyon na ninanais mo. Tumingin sa salamin at sabihin sa sarili kung ano ang mga hinahangaan mo para sa iyong sarili. Kung ano ang iyong iniisip ay magiging ganun ka kaya mag-isip ng mga positibong bagay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here