Ang Filipina Horoscope, Hunyo 11, 2021

161

Aries

(March 21 – April 19) Kung anong mangyayari sa susunod na mga araw ay maaring gawin kang defensive. Kung may bagay na ginawa ka noon ay dinadalaw ka padin ng ala-ala ngayon ay kailangan mo na itong kalimutan. Ang nakaraan ay dapat tinatapon.

Taurus

(April 20 – May 20) Sinasabihan ka ng mga planeta na kung marami kang sinabi ngayong linggo ay maaring makapagsabi ka ng impormasyon na maaring magbigay ng hindi magandang bagay sa iyo. Hindi kailangan malaman ng ibang tao ang alam mo lalo na kung ito ay tungkol sa iyong mga plano.  

Gemini

(May 21 – June 20)  Sa susunod na araw ay maaring gustuhin mo na humanap ng tahimik na lugar na maari kang mapag-isa kasama ang iyong mga iniisip. Hindi mo nais na ibahagi pa ang iyong mga iniisip sa ibang tao at ang kailangan mong gawin ay magtiwala na magagawa at malalagpasan mo ang lahat. 

Cancer

(June 21 – July 22)   Unahin mo ang iyong sarili sa susunod na dalawang araw at huwag mo pansinin ang mga taong nagsasabi na ikaw ay madamot. Maaring nagiging makasarili ka. Ngunit sa magandang paraan.  

Leo

(July 23 – August 22)  Maaring hindi ito ang magandang linggo upang gumawa ng maraming bagay kaya mag-isip nang mabuti bago magdesisyon. May ibang bagay pa na maaring mawala kung hindi tama ang nagawa mong desisyon.  

Virgo

(August 23 – September 22)  Ang pagsasama ng Sun at Saturn ay binibigyan ka ng lakas upang tapusin ang isang proyekto na matagal mo ng hindi natatapos. Maaring nahihirapan ka noon ngunit sisiw nlanag ito sa iyo ngayon. 

Libra

(September 23 – October 22) Kung may taong gusto ka ang nagsabi sa iyo na nais nila pumunta sa direksyon na gusto nila ay hayaan mo sila. Kailangan mong respetuhin ang kanilang desisyon dahil lahat tayo ay may sariling desisyon. Gumawa ka ng plano mag-isa o kasama ang iba.

Scorpio

(October 23 – November 21) Mayroon kang lakas ng loob na hindi kaya dalhin ng iba. Maaring alam mo lang ang bagay na mabuti sa iyo ngunit mag hinay-hinay sa iyong mga ginagawa at huwag masyadong pagudin ang iyong sarili.

Sagittarius

(November 22 – December 21) Kung nais mo magtagumpay ang iyong ginagawa g proyekto ay kailangan mo ang iyong mga kaibiagn upang ibahagi kung ano nga ba ang iyong mga plano upang magbigay sila ng sarili nilang ideya.

Capricorn

(December 22 – January 19) Ang mga oras na ginamit mo upang tulungan ang ibang tao ay hindi nasayang. Sa totoo lang ay kung mas tinutulungan mo ang iyong mga kaibigan at pamilya ay mas may matatanggap ka na suporta sa susunod na mga araw. Ikalat ang kabutihan.

Aquarius

(January 20 – February 18) Puno ka ng enehiya at sigla ngunit habang papalapit ang Araw kasama ang Saturn ay maaring magiging matalino ka kung ano nga bang gawain ang dapat unahin. Hindi mo kailangang gawin lahat. Ang dapat mong gawin ay maging dahan-dahan sa iyong mga kilos upang magresulta sa magandang bagay.

Pisces

(February 19 – March 20) Ang kaunting effort ay magbibigay ng malaking regalo sa iyo sa susunod na dalawang araw kaya gawin mo ang mga dapat mong gawin. Kung alam mo na tama ang iyong ginagawa ay walang dahilan upang lumayo dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here