Ang Filipina Horoscope, Abril 9, 2021

ARIES

(March 21 – April 19) Ikaw ay katulad ng ilang tao sa 2020 na nakakaramdam ng pagkabahala lalo na kung ang usapan ay ang iyong impormasyon. Maging masuri sa pagtingin kung sino ang dapat packatiwalaan upang hindi ka malagay sa panganib. 

TAURUS

(April 20 – May 20)  Ang tali na nagkokonekta sa iyo at sa mga negatibong tao na kakilala mo ay dapat mo ng putulin. Ang pagputol sa tali na ito ang magbibigay ng daan upang mas makakilala ka ng taong may mabuting maidudulot sa iyo.  

GEMINI

(May 21 – June 20)  Ang malaking bilang ng creative energy ay lumalapit sa iyo ngayon. Kasama ang ilang effort at maayos na pag-iisip ay makakagawa ka ng bagay na talagang hahangaan mo dahil hindi mo aakalaing magagawa mo ito. Ang talas ng iyong isip ay dapat mong gamitin sa mabuting paraan.  

CANCER

(June 21 – July 22)  Ikaw ay gumawa ng magandang  daan sa pagitan ng ano ka ngayon at sa kung anong gusto mo na mangyari sa iyong kinabukasan.  Pag-isipan kung ano ba talaga ang makakabuti sa iyo upang mas maging maganda ang resulta ng iyong pagpaplano    

LEO

(July 23 – August 22)   Ang biglaang pangyayari na dumating sa iyo ay papatahimikin ka. Maaring makaramdam ka ng gulat at umakto ng kakaiba sa iyong mga kaibigan o kamag-anak dahil sa iyong nararamdaman ngunit magtiwala lang dahil alam mong magiging maayos din ang lahat.  

VIRGO

(August 23 – September 22) Dahil ang pagkatao mo dati ay wala na sayo ngayon, mas angiging maingat kana hindi katulad ng dati. Gamitin mo ang pagbabago na ito upang bigyan ng papuri ang iyong sarili dahil sa nagawa mong mabuti para sa iyong sarili.    

LIBRA

(September 23 – October 22)  Ang mga pangarap mo ay malaki ang posibilidad na matupad, ngunit kailangan mo ihanda ang iyong sarili upang paghirapan ang mga ito. Ito ang mensahe ng mga bituin ngayon. Maging mahuti sa iyong sarili dahil kailangan mo muna tanggapin ang iyong sarili bago ang iba. Yan ang iyong tatandaan

SCORPIO

(October 23 – November 21 Kung mananatili kang kalmado at hindi pinapayagan ang sarili na mag panic, kakayanin mo ang kahit ano mang problema at stress na ibabato sa iyo ngayon. Ang lakas ng loob ay kailangang nasa tabi mo palagi kaya maniwala sa kakayahan ng iyong sarili.

SAGITTARIUS

(November 22-December 21) Maaring iisipin mo na alam mo kung ano ang totoo at kung ano ang mali ngunit ang linya na naghahati sa katotohaan at hindi ay masyadong manipis upang malaman mo kung ano talaga ang tama dito. Huwag magmadali sa pagpapasya at pag-isipan ang mga galaw na gagawin.

CAPRICORN

(December 22 – January 19)  Dumikit sa mga taong alam mong makakapagkatiwalaan kapag ikaw ay gumagawa ng bagay na ang usapan ay pera. Maaring mong isipin na alam mo na ang iyong ginagawa ngunit ang mga planeta ay pinapayuhan ka na mas maging maingat kaya sundin mo ito.

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Ang mga kaibigan mo ay papalibot sa iyo upang bigyan ka ng lakas ng loob. Maaring kakaiba sa pakiramdam na nandyan sila ngunit nangingibabaw parin ang negatibong enerhiya na pumapasok sa iyong katawan. Alisin mo ang negatibong enerhiya na ito at gawin mo ang bagay na alam mong makakatulong at makakapagpasaya sa iyo.

PISCES

(February 19 – March 20)  Gumawa ng mas malaking effort para sa iyong pamilya at kaibigan ngayon, kahit na ang iyong mga pamamaraan at motibasyon ay iba. Nakakahanga na ang kahit anong pagkakaiba mo sa kanila ay may bagay na talagang nagpapalapit sa inyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here