Ang Filipina Horoscope, Abril 6, 2021

ARIES

(March 21 – April 19) Gumawa ng balanse. Ikaw ay gumagawa ng magandang bagay para sa pagusbong ng iyong career. Ang pinaka magandang paraan upang magtagumpay ng mabilis ay gumawa ng mga maliliit na gawain na walang gustong tumanggal. Ang ilang mga tao ay gumagawa ng kamalian sa pag tanggi sa mga gawaing tinggin nila ay masyadong madali para sa kanila. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho subukan mong mag volunteer sa mga organisasyon.

TAURUS

(April 20 – May 20)  Alagaan mo ang iyong sarili sa araw na ito: bilhan mo ang iyong sarili ng kahit anong nais mo, maligo ka ng nakakarelax o kaya naman ay mag online shopping. Ang isang kagaya mo ay dapat inaalagaan. Kapag katapos nito ay magpapasalamat ka sa iyong sarili dahil napakarami mong enerhiya upang gawin ang mga bagay bagay o mga trabaho ng may galing.

GEMINI

(May 21 – June 20)  Maaring makakatanggap ka na ngayon ng pamana o kahit anong pang pera galing sa iyong pamilya. Kung wala ka pang bahay ay maari ka namang magtrabaho para dito ito na ang magandang panahon upang gawin ito. Humingi ka ng tulong sa isang mabait na kamaganak at siguradong pagbibigyan ka niya.

CANCER

(June 21 – July 22)  Maaring pakiramdam mo ay mayroon kang kakaibang koneksyon sa isang tao. Kausapin mo ang taong ito at gumawa ng mga trabaho kasama siya ang iyong mga kagalingan ay makakaakit ng mga opurtunidad at pagibig . Ang taong ito ay tutulong sa iyo upang mas mapadali ang mga gawain mo.

LEO

(July 23 – August 22)  Ang paggawa ng mga bagong gawain o mga routine sa iyong buhay ay makakatulong ng malaki sa iyong kasiyahan. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho ay humanap ka ng trabaho kung saan ka magiging masaya kundi naman ay magtrabaho ka nalamang o mag business para sa iyong sarili. Ang paraan na ito ay makakatulong sa iyo upang maging masaya ka sa trabaho mo habang kumikita ng pera.

VIRGO

(August 23 – September 22) Ang iyong karisma ay napakataas ngayong ataw gamitin mo ito sa iyong advantage. Gamitin mo ito upang makahanap ng mga opurtunidad. Kahit pa dadami ang mga opurtunidad sa iyo makakatulong naman ito upang mas gumaling ka at mas maging stable financially.

LIBRA

(September 23 – October 22)  Ngayon ay ang pinakamagandang araw upang ayusin ang ilang domestic issues lalo na kung ang usapan ay kaligtasan at kapayapaan. Bigyan mo ito ng sapat na oras at huwag madaliin upang mas maganda ang resulta.

SCORPIO

(October 23 – November 21) Maaring makaramdam ka ng hirap ngayon ngunit may mga magandang bagay na lalapit sa iyo at dito ka kukuha ng inspirasyon upsng magpatuloy muli. Ikaw ay isang matapang na tao kaya alam mo sa iyong sarili na kakayanin mo ang lahat.

SAGITTARIUS

(November 22-December 21) Ikaw ay magiging wais kung pag-iisipan mo ang tungkol sa iyong mga hangarin at kinabukasan. Isipin mo kung anong mga bagay ka nahihirapan at gawin ang lahat upang maging mas maayos ang gawin mo sa susunod. Maging kalmado ngunit walang inuurungan.

CAPRICORN

(December 22 – January 19)  Mangarap ng malaki ngayon lalo na pagdating sa trabaho. Kung kaya mong mag-isip ng ganoon kalaki ay magagawa mo rin ito. Iwasan ang pagiging mainitin na ulo upang maging malawak ang iyong pag-iisip sa pag-iintindi ng mga bagay.

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Maaring maramdaman mo na hindi ka masaya dahil puro problema ang dumadating sa iyo ngunit maraming rason kung bakit ito nangyayari. Sinusubok ang iyong kakayahan na solusyonan ang ilang bagay upang mas maging malakas ka na harapin ang tagumpay.

PISCES

(February 19 – March 20)  May isang kaibigan na magtatapat sa iyo tungkol sa psychological truth ngayon pagtapos ng ilang usapan. Maaring hindi mo nais makinig ngunit ngayon ay kailangan mo ito pakinggan dahil kailangan ka niya sa mga bagay na kanyang pagdadaanan. Maging mabuti dahil alam mong naging mabuti din sa iyo ang mundo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here