Ang Filipina Horoscope, Abril 5, 2021

384

ARIES

(March 21 – April 19)  Ikaw ay pinapayuhan na magbigay ng kaunting atensyon sa mga gawain na naisantabi mo para sa isang proyekto. Kailangan mo ito bigyan ng atensyon upang maging balanse ang iyong gawain at walang maiwanan.  

TAURUS

(April 20 May 20) Ikaw ay kilala bilang sa pagiging palaban at walang inunurungan pagdating sa pagbibigay ng ideya. Hindi ka pumapayag na hindi pag-isipan ang kilos na gagawin mo kaya pinaglalaban mo ito. Ngunit maghinay-hinay ngayon upang maging maayos ang resulta ng iyong ginawa.  

GEMINI

(May 21 – June 20) Madaming impluwensya ang dumadaan sa iyo kaya kailangan mong mag-isip ng mabuti kung ano ang positibo at negatibo. Ang ilang mga gawain ay tutulungan ka upang mawala ang negatibong enerhiya at mabuhay ka nang payapa.  

CANCER

(June 21 – July 22)  Ikaw ay kilala bilang isang wanderer kaya maaring mararamdaman mo na wala kang pahinga sa ilalim ng celestial influences ngayon. Gawin ang iyong makakaya at huwag pilitin ang iyong sarili sa mga bagay na hindi mo dapat gawin. 

LEO

(July 23 – August 22)  Ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang matapos lahat ang iyong nasa to do list. Ngunit hindi mo ito kailangang gawin dahil may mga bagay at gawain na dapat munang pag-isipan. Maging maingat sa iyong mga desisyon.  

VIRGO

(August 23 – September 22)  May enerhiya na binibigay sa iyo kaya kailangan mo itong alagaan, ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa. Kahit pa ang iyong kapares ay hindi mo masyadong nakakasama ay paniguradong may mga bagay kayong matatapos ng magkasama.  

LIBRA

(September 23 – October 22) Magiging maganda ang lahat ng desisyong gagawin mo ngayong araw. Sundin mo lamang ang iyong kutob at panatilihin ang pagiging mabuti sa iba. Huwag mong hayaang maapektuhan ka ng sinasabe ng iba dahil sa huli ay dapat mong sundin ang totoo mong ninanais. Minsan ay mas mabuting maglakad lamang tauo kahit pa napakaraming sinasabi ng mga tao sa ating paligid

SCORPIO

(October 23 – November 21) Mas magiging madami ang iyong gawain ngayong araw ngunit mas mapapadali ang pakikipagkumunikasyon mo sa iba. Handa kang makipagtalastasan upang maipahatid sa iba ang iyong pinaniniwalaan. Magiging maganda ito at papabor sa iyo ang lahat

SAGITTARIUS

(November 22 – December 21) Ang iyong career ngayong araw at nagbibigay sa iyo ng trill. Magiging kumportable ka ngayon at mas maipapakita ang iyong mga taleto at kakayahan. Alamin ang iba mo pang nga kakayahan dahil ngayon ay malakas ang iyong kagalingan. Sumubok ng mga bagay bagay.

CAPRICORN

(December 22 – January 19) Magiging madali lamang sa iyo ngayon upang maabot ang ninanais mo. Ikaw kasi ay mapagisip at nais mo ay nakaplano ang iyong mga ginagawa hindi ka rin nagpapaapekto s mga emosyon at kaguluhan sa iyong paligid. Subukang ilabas ang nararamdaman mo ngayong araw at huwag itong itago sa iyong sarili.

AQUARIUS

(January 20 – February 18) Ikaw ay parang nagbabagang apoy ngayong araw,magiging mabilis ang iyong pagkairita at bababa ang iyong pasensya lalo na sa isang myembro ng pamilya ngayon araw. Magiingat ka at baka sumubra ang masasabi mo at hindi mo naman talaga ito nais sabihin. Baka maging dahilan ito ng pagkasira ng relasyon sa pagitan ng pamilya.

PISCES

(February 19 – March 20) Alalahanin mongbtapusin ang sinimulan mo ngayong araw, pilitin mo itong taousin at huwag kang tamarin dahil hindi maganda ang ibibigay nito saiyo. Panatilihin mo ang apoy sa iyong kalooban

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here