ANG EKLIPSE AT ANG MGA BATANG IBINAON NG BUHAY SA LUPA SA INDIA

Ravenson Biason

Noong ang buong bansa ay nagsilabasan sa kanilang mga kabayanan upang saksihan ang pinakamatagal na solar eclipse na naganap noong ika- 15 ng Enero 2010, ilang katao sa naturang pook ng mga Meerut families ang gumawa ng kakatwang bagay kaugnay sa naganap na eclipse. Kasi naman, habang kasagsagan ng eklipse ay pinagbabaon nila ng buhay ang kani-kanilang mga anak bilang ritwal.

Sa halip na pagmasdan ang nagaganap na eklipse, nagtungo sa isang patyo ang ilan sa kanila na nasa gitna ng naturang pook na may 400 kilometrong layo mula kapitolyo ng bayan. Dala-dala ng mga miron ang kanilang mga anak na nagdurusa sa sakit na polio ayon sa ulat ni Sanjay Pandey ng Deccan Herald.

Ang mga kakatwang mga magulang at ang pamilya ng mga kawawang bata ay naghukay ng lupa sa naturang sementeryo. Pagkatapos nito ay inilibing nila ng buhay ang mga batang may sakit na mga polio bilang bahagi rin ng ritwal habang nagaganap ang eklipse. Ito ay sa pag-aakalang na ang mga ito ay mapapagaling habang kasagsagan ng naturang kaganapan o eklipse.

“Naniniwala kami na ang solar eclipse ay nakaka-apekto rin sa lupa o soil. Ito ay kakatwang nagbabago habang nagaganap ang eklipse at nakakapagpagaling ng deformity o kapansanan ng mga batang may polio.” pahayag ni Shaheen Fatima na isang babae na isa sa naglibing ng buhay ng kanyang anak na lalaki na may polio-stricken leg sa lupa na nasa may sementeryo. Naniniwala siya na ang ang eclipse at ang lupa sa sementeryo ay mapapagaling ang sakit ng kanyang anak.   
  
Isa pang magulang ang nagpahayag din ng ganitong pananaw na si Manzoor Ahmed na sinabing scientifically proven na ang naturang ritwal kapag isinasabay na eklipse. Kaya naman, nung araw na naganap ito’y ang sementeryo sa Meerut ay pinagdalhan nga ng mga batang may sakit na polio at iba pang karamdaman sa ilang bahagi ng katawan na kung saan ay ibinaon sila ng buhay sa lupa 
  Umaasa kasi’t naniniwala ang mga magulang nila na ang may depektong bahagi ng katawan ng kani-kanilang mga anak na nabaon sa lupa’y magbibigay ng maka-himalang benepisyo sa mga ito. Ang kakatwang ritwal ay aktong nasaksihan mismo ng mga opisyales doon na tunay na nagulantang.   Aniya, nakakarinig na sila ng mga ulat na kung ano ang epekto ng ginagawang kakatwang ritwal sa Meerut. Kaya naman, sinadya ng kinauukulan na puntahan ang naturang pook at hulihin nga nila sa akto ang mga magulang na inililibing ng buhay ang kanilang mga anak  sa lupa. Gumawa na sila ng kaukulang aksiyon tungkol dito. 
  
 Si Dr. Vinod Mishra, isang Luckhow-based astrologer ay inaming ang solar eclipse ay nakakaapekto sa atmospera. Ngunit, hindi nito kayang baguhin ang lupa o mapapagaling man ang isang taong may sugat o may sakit na polio kapag ibinaon doon.
 
 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here