Ang dusang mararamdaman ng mga gastador

Masarap gumastos! Ito ang karaniwang sinasabi ng mga one day millionaire o kapag na translate ito sa tagalog, sila ‘yung mga gastador. Kapag may hawak silang pera, walang humpay ang kanilang paggasta. Kaya, may pagkakataon na tumatagal lang ng isang araw ang hawak nilang pera.

Nakakatuwa naman kasi kapag nabibili mo ang mga bagay na gusto mo kaya naman nakakaramdam ka ng pagmamalaki kapag hawak mo na ang mga mamahalin mong kagamitan at nakain mo na ang gusto mong makain. Ang tanong nga lang, may pera ka pa ba?

Kung mayroon kang sangkaterbang negosyo at malaki talaga ang sahod mo, tiyak na ‘oo’ ang isasagot mo sa akin ngunit, kung ikaw ay ordinaryong empleyado lang, ‘wa na pera’ ang isasagot mo sa akin. Napakaliit lang naman kasi ng arawang kita sa ating bansa, tapos makukuha mo lang tuwing a kinse at a treinta. Sa huli, ang gagawin mo ay mangutang para makaraos ka hanggang sa susunod mong sahod.

Kung ipagpapatuloy mo ang pagiging gastador mo, magkakaroon ka lang ng miserableng buhay. Hahayaan mo ba talagang mangyari iyon? Baka naman kapag di mo inayos ang uri ng paggasta mo, mamalayan mo na lang na namamalimos ka na. Kung may asawa’t anak ka, mas maigi kung rerendahan mo ang iyong paggastos dahil ikaw din ang lubos na mahihirapan. Maaari kasing kapag dumating na ang araw na kailangan mo ay wala kang madudukot.

Paano na ang pag aaral ng iyong anak? Paano na ang pagkain ninyo? May gagastusin ka ba kapag nagkasakit ka o ang iyong kapamilya?

Ang mga gusto mo lang bilhin ay maaari mong pag ipunan pero ang mga kailangan mong pagkagastusan ay ang pangangailangan natin sa araw araw at ang mga biglaang pangyayari sa ating buhay tulad ng aksidente, pagkakasakit o kamatayan. Kung wala kang biglaang pera, baka maranasan mong mamalimos o magmakaawa para lang sa kakarampot na tulong.

MAG

SHARE
Previous articleDear Maria: Mahal, nasaan ka na ba?
Next articleANG MISTERYO TUNGKOL SA MGA ANCIENT ASTRONAUTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here