ANG DOOMSDAY SEED VAULT SA NORWAY

Ravenson Biason

May isang tila kuwadradong gusaling nakatayo sa nagyeyelong bundok ang nakatayo sa isang isla sa dulong hilaga ng Norway. Ika ng mga walang kabatiran kung ano ang gusaling iyon, sinasabi nilang isa umanong alien base iyon. Pero, ang totoo, ang nakatayong instraktura ay imbakan ng mga iba’t-ibang uri ng binhi at doon pinalalaki.

Kaya naman, nagsisilbing lupang sakahan ang gusaling iyon na nakatayo sa kabundukang nababalutan ng yelo ng halos buong taon. Para saan at bakit itinayo ang gusaling iyon?

Noon pa man ay pinaghahandaan na ng otoridad sa bansang Norway ang mga mangyayari sa hinaharap, gaya ng posibilidad ng kakapusan sa pagkain at taggutom sa buong daigdig. Anila, maaaring magkaroon ng kakapusan sa raw foods o mga hilaw na sangkap. Gayundin sa mga bungang pananim.Kaya naman, nakatuon ang kanilang pansin sa agrikultura dahil ang sektor na ito aniya ang pinagmumulan ng produksyon ng pagkain.

Kaya naman, isang proyekto ang kanilang isinagawa’t isinakatuparan para sa posibleng taggutom na mangyayari sa mga susunod na panahon o katumbas ng pitong taon.

Dahil sa kadalasang nababalutan ng yelo ang bayan ng Longyabyen na nasa gawing hilaga sa nasabing bansa; mahirap para sa mga tao roon ang makapagtanim at makapagpalaki ng maraming prutas at gulay. Kaya, isang malaking gusali o malaking vault ang ipinagawa ang kinauukulan upang doon itanim ang mga binhi. Ito ay tinatawag nilang ‘Doomsday Seed’ o ‘global seed’.

Ang nasabing imprastraktura ay itinayo noong taong 2008 sa gilid ng bundok malapit sa Longyabyen; na makikita naman sa Svalbard Islands sa far north of Norway (Norwegian Artic). Ayon kay executive director ng Global Crop Diversity Trust na si Cary Fowler, isa umanong ismarteng hakbang ng bansang Norway ang paggawa ng imbakan ng mga binhi at ituon ang pansin sa agrikultura. Nakatanim sa naturang vault ang 100,000 crop varieties.

Aniya, pinoprotektahan ng bansa ang nilang food supply laban laban sa devastating crop losses na dulot ng lumalalang Climate Change. Kung sa lupang sakahan aniya sila magtatanim at aasang dito lalago ang mga punla, mababawasan aniya ng 70 porsiyento ang aanihing bunga dahil sa maapektuhan ito ng pangunahing problema ng mga magsasaka ngayon sa buong mundo, ang global warming at climate change. Maraming pananim ang nasisira dahil sa kalagayang ito.

Karagdagan pa, ang ganitong proyekto aniya ay mapapakinabangan ng mga taga-Norway sa mga susunod pang mga taon. Sa nasabing gusali ay nagsasagawa ng mga hakbang at panibagong eskperimento sina Fowler ng panibagong uri ng binhi na madaling tumubo at hindi basta-basta nepepeste hindi gaya ng pangkaraniwang binhi.

Naniniwala si Fowler na ang proyekto ay makatutulong sa 49 institutes at makipagsundo na sa 49 bansa upang sumaklolo sa paglatag ng  53,000 sa 100,000 crop samples na identified na endangered na.

Pinabuti rin nila ang pagpreserba at pagpapainam ng mga binhing lubhang mahalaga gaya ng palay, barley, saging, plantain, patatas,kamoteng kahoy, bean, millet, niyog, cowpea, lentil, maize at wheat.

Mahalagang makapagpreserba ng bago at mabuting binhi ng mga nabanggit na pananim; dahil ang mga binhing itinatanim sa ngayon ay luma— na kapag itinanim at namunga ay kakaunti lang ang maaani sa mga ito. Nagagalak si Fowler sampu ng mga kasama sa pagbuo ng doomsday seed dahil ang mga binhing itinanim sa nabanggit na gusali ay patuloy na lumalago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here