Ang Delikadong Panaginip

Natural lang naman sa atin ang makaengkuwentro ng panaginip sa ating pagtulog ngunit hindi lahat ng napapanaginipan natin ay masaya. Mayroon din diyang drama kaya nga kapag nagigising tayo ay panay na ang pagbuhos ng ating luha. At kung minsan ay naapabalikwas tayo nang bangon kapag masama ang ating napanaginipan na nagbibigay sa atin ng takot.

Sa ating artikulo natin ngayon ay gusto kong ipahayag ang isang delikadong panaginip at ito ay nararanasan natin kapag tayo ay sobrang natakot. May tendensiya kasi na sa sobrang takot natin ay maaaring huminto sa pagtibok ang ating puso. Sa salitang mas maiintindihan ng lahat, ito ay tinatawag na bangungot.

Ano nga ba ang dahilan kaya tayo ay binabangungot? Ang mga dahilan kaya tayo binabangungot ay una dahil may nagawa tayong kasalanan sa ating kapwa na hindi natin masabi sabi kaya naman ito ay lumalabas sa ating panaginip. Ang ikalawang dahilan naman kaya tayo binabangungot ay dahil mayroong taong nagagalit sa atin. Maaaring siya ay may alam sa kapangyarihang itim kaya maging sa panaginip natin ay nagagawa niyang pumasok.

Para hindi mangyari ang delikadong panaginip nating ito ay huwag kang matutulog na may kasalanang nagawa. Mas maging aminin mo ang iyong kasalanan upang hindi ka na bulabugin pa ng iyong konsensya. At para naman hindi ka pasukin ng masamang nilalang sa’yong panaginip ay magdasal ka bago ka matulog.

O, naranasan mo na ba ang mga delikadong anaginip?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here