Ang Dasal Para Mabayaran Ka Ng Umutang Sa’yo

Nakakasama talaga ng loob kung hindi ka na naalala ang bayaran ng taong may utang

sa’yo. Maaring mapatawad mo siya kung alam mong wala pa talaga siyang pera kaya lang kung nakikita mong may kakayahan na naman siyang magbayad talagang mapaabuntunghininga ka na lang sa inis.

Pero, hanggang ganoon na lang ba ang gagawin mo? Hindi naman kita masisisi kung pipiliin mo na lang na itikom ang iyong bibig. Mahirap din naman kasi kung masusuot ka sa eskandalo. Minsan kasi kung sino pa ang may utang ay siya pa ang matapang. Kaya lang kung nangangailangan ka rin ng pera ay kailangan mong gumawa ng paraan para masingil mo ang may utang sa’yo.

Ano mo gagawin iyon? Narito ang paraan.

Una, kumuha ka ng larawan ng taong may utang sa’yo at saka malinis na garapon.

Pangalawa, budburan mo ng chili powder ang garapon.

Pangatlo, ilagay mo na sa garapon ang larawan

Pang-apat, budburan mo ng luya powder ang garapon at larawan.

Panlima, maglagay ka rin ng 2 siling buo.

Pang-anim,sambitin mo ang mga katagang ito sa garapon. LIMAN NUMBAS TIRT GILUM (siyam na beses mong uulitin)

At panghuli, takpan mo ang garapon at itago.

Kapag nagawa mo ‘yan, siguradong mababayaran ka na ng may utang sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here