Ang Damdamin ni Joey

Hanggang ngayon ay di pa matanggap ni Joey ang kamatayan ng kanyang Kuya. Siguro dahil sa may guilt pa rin siyang nararamdaman. Kahit kasi nakita na niyang namimilipit sa sakit ang kanyang kapatid, di pa rin niya tinanong kung may maitutulong ba siya para maibsan ang paghihirap nito.  Sa halip iniwan niya ito at sinabing nagdadrama lang ang kanyang kapatid.

Kaya naman nu’ng mamatay ang kanyang kuya, siya ang pinakaapektado sa kanilang anim pang magkakapatid. Marahil dahil sa alam niyang siya ang may pinakamalaking maitutulong sana para maisalba pa ang buhay ng kanyang kapatid pero inisnab lang niya kaya ngayon ay sobrang naghihirap ang kanyang kalooban. At dahil nga sa iisang kuwarto lang ang magkapatid, para raw lagi pa niyang nararamdaman ang presensiya ng kanyang kapatid.

Kahit na sa sinabi ko na sa kanya na wala naman siyang dapat na ikatakot, dahil kapatid naman niya iyon, di pa rin magawang matahimik ng kanyang kalooban. Hindi nga raw niya magawang makatulog sa silid na iyon kaya pagdating ng gabi ay nakikitulog pa sa kanyang Ate.

Sabi ng kanyang ina, kaya ganoon ang damdamin ni Joey ay dahil naging maramot siya sa kanyang kuya. Ilang beses din niya itong tinawag na baliw kaya naman sa isip niya ay gusto ng kuya niya na maghiganti sa kanya. Kaya kung tutuusin, umabalik sa kanya ang sinabi niya sa kanyang kapatid. Para kasing nababaliw na siya dahil sa takot na kanyang nararamdaman kaya kahit na wala na ang kanyang kapatid ay para pa rin niya itong nakikita.

Kaya, huwag kang magsasabi ng masama sa’yong kapwa kung ayaw mong dumating ang panahon na sobra kang maapektuhan. Tulad ng naging damdamin ni Joey nang mawala ang kanyang kapatid. Kaya, habang may pagkakataon ka pa, mas maiging gumawa ka ng tama para wala kang pagsisihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here