Ang Dalawang Mrs Reyes Review: Humagalpak sa katatawa at umiyak din sa sakit

0
1378

Kapag niloko ka ng taong mahal na mahal mo, sobrang sakit ang iyong nararamdaman kaya ay tendensiya ay mapapaiyak ka ng todo. Kaya nga lang, sa pelikulang Ang Dalawang Mrs Reyes, pinili ng director (Jun Robles Lana) na kaysa gawin mabigat ang istorya. Kaya naman sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiba ang kinuhang artista dahil kayang-kaya nilang dalhin ang istorya kung punung-puno ito ng katatawanan, lalo na si Angelica na tinaguriang Hugot Queen. Gayunpaman, si Judy Ann ang tinaguriang Drama Queen of the Philippines. Kaya kung may drama na eksena talagang magagawa niyang kurutin ang iyong puso.  

Kahit naman kasi ginawang katatawanan ang, ‘Ang Dalawang Mrs Reyes’, hindi pa rin mababago ang katotohanan na sila ang dalawang babaeng niloko ng kanilang mga asawa, ng mga lalaking pinili nilang makasama sa habambuhay. Sa kabilang banda kahit naman kasi niloko nina Felix Reyes (JC De Vera) at Gary Reyes (Joross Gamboa) hindi pa rin sila ang tipo ng mga lalaking dapat na kamuhian. Paano’y nais na lamang nila talagang magpakatotoo sa kanilang sarili at siyempre, nais na nilang maging maligaya. Magagawa lang naman nila iyon kapag sila ang nagsama sa habambuhay.  

Kaya nga lamang, hindi madali kina Cindy Reyes (Angelica Panganiban) at Lianne Reyes (Judy Ann Santos) na tanggapin na lamang ang pang-iiwan sa kanila ng kanilang mga mister. Kahit alam na nila ang katotohanan na mga bading ang kanilang mister, hindi pa rin nila nais na maging maligaya na lamang ang mga ito. Ibig din nila na maging miserable ang buhay ng mga lalaking nang-iwan sa kanila.  

Sa simula ay talagang nakakatawa ang pelikulang Ang dalawang Mrs Reyes ngunit sa kalagitnaan ng pelikula ay maiisip mong hindi naman talaga kalokohan lamang ang kanilang pinagdaraanan. Masakit kayang maloko ng minamahal. Kahit pa sabihing hindi ka naman niya ipinagpalit sa kapwa mong babae, hindi pa rin mababawasan ang sakit na mararamdaman mo. Dahil nga, niloko ka pa rin ng taong iyong pinagkatiwalaan at pinangarap makasama sa habambuhay.  

Kaya, kung inaakala mo na  puro kalokohan na mapapanood mo sa pelikulang, ‘Ang Dalawang Mrs. Reyes’, nagkakamali ka. Habang tumatagal kasi ang pelikula, mas nararamdaman ko ang sakit na kanilang pinagdaanan. Napakahirap naman kasing tanggapin na nagawa kang pagtaksilan ng lalaking pinili mong pagkatiwalaan. Mas doble pa nga ang sakit na naramdaman nila Cindy at Lianne dahil pinakasalan pa sila ng kanilang mga mister gayung sa huli ay iiwanan lang din pala sila para sa isa’t isa.  

Kaya mga misis na mayroong pinagdaraanan. Ito na ang pagkakataon ninyong kalimutan muna ang mga problema at humagalpak sa kakatawa. Hindi lang paghihiganti ang itinuturo nina Lianne at Cindy kundi kung paano tumanggap ng pagkatalo. Kaya, panoorin mo na ang movie na ito at sinisiguro ko sa’yong hindi ka masisisi sa panonood ng, ‘Ang Dalawang Mrs Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here