Ang Dahilan kaya ikaw ay Namamahay

Kung ikaw ay nasa estrangherong lugar, natural lamang na di ka dalawin agad ng antok dahil hindi ‘yan ang lugar na nakasanayan mong tulugan. Ngunit, may pagkakataon naman na kahit na nasa sariling bahay mo na ikaw nakatira ay maaari pa rin itong mangyari sa’yo lalo na kung ikaw ay matagal na nawala sa’yong bahay.

Ang mga ligaw na kaluluwa ay palagi ‘yang naghahanap ng lugar na kanilang matitirhan kaya kung umalis ka kahit ilang araw lang siguradong papasok siya sa bahay mo lalo na kung ang inyong tahanan ay walang kailaw-ilaw. Pakiramdam kasi ng mga nilalang na naghahanap ng matitirhan ay doon sila nararapat na tumira.

Ngunit dahil sa bumalik ka ay wala na silang pagpipilian kundi ang manirahan na kasama ka. Iyon nga lang, kahit hindi mo sila nakikita ay magagawa naman nilang iparamdam sa;yo ang kanilang presensiya. Iyon ang dahilan kaya may pagkakataon na hindi ka nakakatulog malalim na ang gabi.

Ala-una hanggang alas-tres ay malakas ang kanilang kapangyarihan kaya nararamdaman mo ang kanyang presensya. Ibig kasi nilang iparamdam sa’yo na may iba kang kasama sa inyong bahay o sa silid. Kaya kung gusto mong makatulog nang maayos, mas maigi kung iiwanan mo na lamang na bukas ang ilaw ng iyong silid sapagkat hindi sila pumapasok sa maliliwanag na bahagi ng bahay. Sa halip ay mupuwesto sila sa madidilim na bahagi ng bahay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here