Ang Dahilan kaya Hindi Dapat Maingay ang Paglakad

Maraming pagkakataon na binabaelwala natin ang ingay na nililikha ng ating paghakbang lalo na kung nakakaramdam tayo ng matinding galit. Ang tangi lang nating gusto ay maibsan ang emosyong ating nararamdaman. At hindi iyon dapat dahil may nakaambang panganib kung makakabulabog ka ng nilalang na hindi natin nakikita.

Ang mga tao ngang naiistorbo ay nakakaramdam ng galit kapag naingayan sa’yo, paano pa kaya iyong nilalang na hindi mo naman magagantihan kapag nanakit sila? Tulad ng tao ay nagpapahinga rin ang mga elementong maaaring naninirahan sa bawat sulok ng tinitirhan natin lalo na sa madidilim na bahagi ng ating bakuran.

May mga nilalang na kapag naingay ay magsasaboy ng kung ano sa’yo para ikaw ay magantihan. Maaaring sabuyan ka nila ng kung anong mapulot nila na magbibigay sa’yo ng sobrang pangangati o kaya naman ay magkakaroon ka ng mga rashes. Noong isang taon ay pakiramdam kong may kung ano akong natapakan at pagkaraan ay nangati ng husto ang ulo ko at nagkaroon ako ng butlig-butlig. At talaga namang makaramdam ako ng sobrang pangingilabot ng gumamit ako ng suyod at makita kong marami iyong pulgas.

Wala namang pulgas ang aso ko kaya alam kong hindi ko sa kanya nakuha iyon na kung hindi ako gumamit ng suyod ay may pakiramdam ako na malapit ng mag-blackout ang aking paningin. Kaya naman lumapit ako sa may kakayahan na makapagbigay lunas sa aking nararamdaman.Hindi man siya albularyo ay marunong naman siyang mag-tawas. Ibig sabihin ay magagawa niyang makita sa pamamagitan ng kandila at tubig ang nilalang na nakaagbigay sa akin ng kung anong karamdamang hindi ko maunawaan.

Sa pagsaboy nga niya ng kandilang tinunaw at inilagay sa kutsara sa plangganang may tubig ay nabuo ang isang nilalang sa dilim na nakaramdam ng matinding pagkairita sa aking paghakbang. Sabi rin ng nagtawas sa akin ay nasaktan ko ang nilalang na iyon kaya kung binalewala ko lang ang aking naramdaman ay may posibilidad talaga na mas matinding parusa pa ang pagdaraanan ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here