Ang Dahilan kaya Di Dapat Baliin ang Salita

Broken Promise text on metal rivet background

Ang taong may isang salita ay pinagpapala o sinusuwerte sa buhay. Ang dahilan nito ay wala siyang inaagrabyadong tao kaya naman sa bawat araw na dumaan sa kanyang  buhay ay puro magaganda ang nangyayari sa’yo. Samantalang kung babaliin mo ang binitiwan mong salita ay malaki ang posibilidad na may taong magalit sa’yo.

Hindi ka man masaktan ng isang tao sa pisikal na paraan ay magiging mabigat pa rin ang iyong buhay dahil may taong masama ang loob sa’yo at sapat na iyon para hindi ka magkaroon ng magandang buhay. Maaari pang ikaw ay malasin. Kapag kasi ang isang tao ay nagtanim ng sama ng loob o galit sa’yo, wala siyang ibang nanaising mangyari kundi masira ang iyong buhay.

Ang galit na nararadaman ng isang tao kapag paulit-ulit niyang binigkas sa sarili ay nagkakatotoo. Nagiging sumpa ito. Kaya, ang dapat, kung hindi mo mapaanindigan ang iyong ipapangako ay huwag mo na bibigkasin dahil kapag nakasakit ka ikaw din ang siguradong mahihirapan.

Anu-ano nga ba ang pangakong hindi mo dapat sisirain?

 Una, kapag nangako ka na sa babaeng pakakasalan mo siya ay tuparin mo. Kung talagang di mo magagawa ay huwag kang mangangako o kaya  kung nakatakda na ang kasal mo at kailangan mo talagang mag-backout, humingi ka ng kapatawaran at huwag na huwag mo siyang iiwanan na napapahiya. Dahil baka mamaya ay ipakulam ka kapag nagalit sa’yo. Alalahanin mo ang galit ay isang mapanganib na mosyon.

Pangalawa, kapag nangutang ka ibalik mo sa sinabi mong petsa dahil kapag ang inutangan mo ay isinumpa ka, siguradong magkakamalas-malas ang buhay mo. Baka pati ang pamilya mo ay madamay.

Saka, huwag mong babalwalain ang mga simpleng pangako mo na hindi natutupad dahil masasanay kang balewalain ang mga pangakong sinasabi mo.

O, sana ay huwag kang mangako kapag di mo kayang tuparin dahil ikaw din ang mamalasin. Hindi mo naman siguro gugustuhing mangyari iyon, di ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here